Chapter 11: Harapan.

3.8K 96 3
                                    

"So, do you have any explanation?"

Hindi niyo lang alam kung gaano ako kinakabahan ngayon.

"Ahh. Kasi kuya! Huhuhu!" wala akong masabi eh napakaseryoso kasi ni Kuya C.

( ̄﹏ ̄) 

"Ugh.. come here my Princess. Wag kang matakot wala akong gagawin gusto ko lang talaga siya makausap ng masinsinan." lumapit naman ako sa kanya lumaktaw na lang ako papuntang back seat at napayakap na lang kay kuya C. Napakabait talaga ng kuya kong ito. (T^T)

"Okay. Mae iuuwi muna kita. Maguusap pa kami ng kuya mo eh hehe don't worry i can protect you. I am your Prince and You Are my Princess *wink*"

Umiwas na lang ako ng tingin kasi baka mapasigaw pa ako, andito pa naman si kuya Clint.

"You can sleep in my Shoulder, Princess." tumango naman ako At natulog na lang ako sa balikat niya napagod na rin kasi ako..

"Sleep Tight. Sweet Dreams. :)"

Ang sweet talaga mg kuya Clint ko...

Daylan's POV.

Dinala ko sa kwarto ko si Mae. Tulog na eh saka ayoko naman siyang gisingin. Bugbugin pa ako neto paginistorbo ko pagtulog niya. Dahan dahan ko siyang binaba at buti naman at hindi siya nagising..

"Sweet Dreams. Mae.." hinalikan ko na siya sa pisngi niya at umalis na.

"Daylan! Kwento ka naman dyan! Anong nangyari?? Ano? Ano?" excited na sabi ni Tita. May pagkabaliw talaga nanay ni Mae eh. XD

"Ahhh tita failed po. Nakita po kasi kami ni Clint eh. Di ba kuya niya yun?"

"Ano ba yan! sayang naman yung paggawa ko nung mga fake pimples at fake tattoo! Tsk!"

"Ah. Best ang alam ko pinagawa mo ang lahat ng yun? Di naman ikaw ang naggawa eh!" sabi naman ni Mama.

"Tse! Bakit di ka marunong sumakay sa trip ko? Makisabay ka rin paminsan minsan noh?"

At nagtalo nanaman po sila.. Wala nga si Papa dito, si Tita naman ang pumalit. =_=

Hindi talaga tatahimik ang bahay namin.

Nakita ko naman si Clint na cool na cool na nakahilig sa sasakyan ko.

"So where we are?" sabi niya.

"Let's talk." pumunta naman kami sa rest house ko. Oo akin to. Dito kasi tahimik at nakakarelax saka iwas din sa madaldal na bunganga ng tatay at nanay ko.

Dito ako nagpupunta kapag di ko na talaga kaya dun sa bahay namin.

"Oh. Nice rest house huh?"

"Thanks. Tara pasok. Para mapagusapan na natin ang kelangang pagusapan."

"Ayokong pumasok. Hihintayin na lang kita dun sa may dagat. Mas mahangin dun kesa dyan sa loob."

Tumango na lang ako. Di ko pa nga nasasabi na may aircon naman ako dito eh.

Nagpalit muna ako ng Damit kasi kanina pa ako init na init nagsando at shorts lang ako.

Pumunta na ako dun na may dalang inumin at pagkain. Pampawala ng tensyon hehe! Ang seryoso kasi ng kuya niya eh. Sabi naman ni Mae siya yung pinaka caring, sweet, at mabait. Pero bakit ganun? Nakakatakot yung kuya niya baka mamaya may baong itak toh! Tigok ako patay!

Σ(っ °Д °;)っ

"Ahh. San ba tayo magsisimula?"

"Let's start. First of all. Bakit hindi kayo nagpaalam." seryosong sabi niya.

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon