Nakayuko akong lumabas at agad naman akong sinundan ni Daylan.
Ano bang paguusapan namin?
Pumunta ako sa garden namin para dun magusap dahil presko dun at walang tao."First of all Mae. I didn't leave you okay?" tumitig siya sa mga mata ko. "I'll leave everything and anything but not my precious gem." hinaplos niya ang mukha ko at iniangat ang ulo ko para matitigan siyang mabuti.
"Kuya Jace help me. Hindi pa nga alam nila Mama na nandito ako e. Si Papa lang ang may alam hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun na lang biglaan ang desisyon ni Mama. Parang biglaan na lang na ayaw na niya sa atin.."Yinakap ko na lamang siya ng mahigpit dahil miss na miss ko na siya, ang amoy niya, ang medyo mahaba niyang buhok. "Basta wag ka ng mawawala a. Magpaalam ka sakin kung may pupuntahan kang malayo. Akala ko talaga sinundan mo yung ex mo." namula ako sa kahihiyan ng mali pala ang inisip ko tungkol sa pagpunta ni Daylan sa America.
Humalkhak naman siya, hawak hawak niya pa ang tiyan niya kakatawa. Ba't ganun no? Lagi humahawak sa tiyan kapag tawang tawa. Mga abnormal siguro ang ganun, tingnan mo itong si Daylan abnormal.
"Abnormal ka." sabi ko.
Ng humupa na ang tawa niya ay nagbuntong hininga naman siya at tumitig sakin na may malaking ngiti sa labi. "Kayong mga babae talaga, nawala lang saglit kung ano ano na yang mga pinagiisip niyo. Oo inaamin ko minsan tama yang mga hinala niyo pero minsan naman mali diba?" kinurot niya ako sa pisngi. Napa-aray naman ako at tinapik ang kanyang kamay na kumurot sa akin.
"Ang cuteee cutee talaga ni Angel ko. Haha. Dali tawag mo naman sakin Heart. Haha. Dali na Angel ko." ngiting ngiti pa siya.
Napaiwas ako ng tingin. "Ayoko." I pouted. Namumula na talaga ang buong mukha ko dahil sa tinatawag niya sakin. Angel niya mukha niya. Leche siya.
"Dali na. Hahaha. Nahiya pa siya oh. Namumuka ka Angel ko." kinurot niya nanaman ako sa pisngi ko.
"Tama na nga kurot! Nakakadalawa ka na ah!" hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa tinatawag niya sakin. Kahit sinasabi ng utak ko ang korni korni nun, pero kinikilig naman ako leche.
"Tawagin mo muna akong Heart ko. Ayan o. Madali lang dali gusto ko marinig." hindi mabawasan ang ngiti niya sa labi.
Ngumuso ako para pigilan ang ngiti ko. "Ayoko nga.." mahina kong sabi.
"Wag ka na mahiya. Tayong dalawa lang naman ang nandito e. Dali na, ibulong mo na lang sakin." lumapit pa siya sa akin ng bahagya.
"HH..He.. Hehehe!" nasabi ko na lang.
Napanguso siya mukhang disappointed sa sinabi ko. "Ayaw mo talaga ng endearments no? Hayy. Sige okay lang, dahil mahal kita kahit Daylan na lang ang tawag mo sakin. Pero Angel ko pa rin tawag ko sayo ah?" malungkot siyang ngumiti sakin.
Nakokonsensya tuloy ako. Feeling ko ang arte arte ko sasabihin ko lang naman sa kanya yung 'heart ko'
Nauna siyang tumayo sakin dahil tulala ako sa pagiisip ng pagkakalungkot niya sa hindi ko pagtawag sa kanya ng 'heart ko'
Napabuntong hininga ako ng ilang beses bago makapagdesisyon, nakatalikod siya sakin at medyo malayo na ang agwat namin sa isa't isa.
Buong lakas kong isinigaw, "Sandali lang naman Heart Ko!" saka ako tumakbo para mahabol siya.
Nabangga pa nga ako sa likod niya dahil biglaan siyang huminto. Sinilip ko ang mukha niya na ngayon ay namumula na pero malaki ang ngiti.
Tulala siyang nagsalita."Ulitin mo nga yun Angel ko." sabi niya. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mga labi.
"Isa na lang Heart Ko a. Ayoko na last na yan an--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binigyan niya na agad ako ng matamis na halik.
"Mahal na mahal kita, Mae." sabi niya sakin habang nakapikit kaming pareho, magkadikit ang mga noo at magkasalikop ang mga kamay.
"Mahal din kita, Daylan."
***
Miaka's POV
Kinikilig akong pinapanood ang dalawa na naglalambingan. Ang sweet nila, kinikilig tuloy ako.
Tinawagan ako ni Jace kanina, inalam niya kung ano ang dahilan ni Ellah, ang sabi niya ang dahilan daw ni Ellah ay may tinatanim pa pala siyang galit sa akin na ginamit niya lang si Daylan para mapalapit kay Mae at saka niya paghihiwalayin ang dalawa para masaya raw. Aba! Bakit niya dinadamay ang anak ko sa mga kalokohan niya?! Makikita niya definition ko ng masaya, ingungudngod ko siya sa chocolate at least hindi masyadong masakit nakakain pa siya ng chocolate na may halong paminta, asin at dagdagan natin ng asukal para naman masabi kong napakaSweet kong tao.
Pero natuwa naman ako at napatawad ko na siya na papabayaan niya na daw si Daylan at hindi na.magpapakontrabida, tatapusin na ni Author e! Ayaw niya na raw magkaproblema baka kasi humaba pa raw haha.
Iniwan ko na sila Daylan at Mae dun sa may Garden maglandian este maglambingan at magmahalan.
Pinuntahan ko si Blazeky na may matayog na pride at walang kakupas kupas na english.
Walang pakundangan kong binuksan ang pinto ng kanyang kwarto.
"Hi! Blazeky anak!" nakangiti kong sabi. Tumabi ako sa kanya at nanood ng porn. Haha joke nanonood nanaman siya ng discovery channel.
"What do you want?" tanong niya agad sakin.
"Hindi ba pwedeng patambay lang muna?"
"No." walang pagdadalawang isip na sagot niya.
Ngumuso ako. "Bawal? KJ mo naman anak. Slumber party tayo minsan." tumawa pa ako kahit na nakikita kong sasabog na siya sa inis.
"Get out, please. If you don't need anything."
"Sige aalis ako kung sasagutin mo ang tanong ko. Payag ka na ba sa relasyon nila Mae?" kinakabahan kong tanong. Dahil kung hindi ang sagot niya ay sarap niyang iumpog sa pader ng makita niya kung gaano na kasaya si Mae ngayon.
"Okay. Fine. Whatever just get out."
"Yes ba yan?" gulat kong sabi.
"Is there any other meaning? Tsk."
BINABASA MO ANG
My POSSESIVE BROTHERS..
HumorWell, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na kapatid! -.- Pero bukod sa pagiging possesive nila sa akin alam kong Mahal na Mahal ako ng tatlong yan :) At syempre mahal ko din naman sil...