Chapter 42: Tricycle

1.5K 45 0
                                    

"Hala sige! Manood lang kayo ng TV! Hindi niyo pa nga naliligpit ang pinaghigaan niyo, magpapakasarap kayo dyan. Habang ako rito nagluluto, naglalaba at naglilinis!" nakapamewang na sabi ni Mama habang hawak ang walis tambong hiniram niya pa sa kapitbahay.

Ngumunguya pa rin kaming lahat ng chichiryang binili ni kuya Blaze sa tindahan. Umuwi nga siyang wasak ang damit at puro kalmot ang mukha eh. Tinanong namin kung anong nangyari sa kanya, sabi niya pinagkaguluhan daw siya ng mga bakla at mga babae sa labas nung una raw pinagchichikahan lang siya nagulat na lang daw siya ng pinaghahatak nung mga babae ang damit niya at matatalas daw kasi ang mga kuko nung mga babae at pinagkakalmot na rin siya. Kaya ang ending muka siyang pulubing mukang mayaman. Tapos may sumunod pa raw na mga beki at nakihatak sa damit niya, ang malas malas daw niya kasi hinabol pa siya ng Askal pagkatapos. Hingal na hingal nga siyang bumalik dito dala dala ang pagkain namin.

Kaya tuloy ngayon puro bandaid ang muka niya at topless dahil nga wala siyang ibang dala kundi yung damit niya kanina at sarili niya. Wala namang maipapahiram sila kuya Adam dahil wala rin silang kadaladalang damit, kaya raw bukas na bukas pupunta kaming ukay-ukay.

Poor nga kasi kami diba? Alangan namang pupunta kaming SM eh mahal mga damit dun. Hindi naman kami ganun kaarte basta ba hindi galing burol yun o gamit ng patay na tao.

"Love, wala nga tayong kadamit damit eh. Anong pinagsasabi mong naglalaba ka?" -Papa sabay tingin kay Mama kahit na nakasaluksok ang kamay niya sa isang chips.

"Ma, alam kong hiniram mo lang yan sa kapitbahay para may props ka. Wag mo kaming niloloko dyan." sabi ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Hehe, kayo naman nagpapraktis lang naman ako kung pano manermon. Sabi kasi ni Kumareng Linda ganito daw siya manermon eh." kakamot kamot pa sa ulo si Mama.

"Haaay, kaya ayoko kayong nangangapitbahay ng maaga eh. Dumadami alam niyong kalokohan. Ginagaya niyo na lang parati." sermon ni kuya Adam.

"Oo na! Hmp, ganyan kayo." padabog na lumakad si Mama habang nakanguso papunta sa tabi ni Papa.

"Love, inaaway nila ako oh!" tinuro turo niya kami at binaon ang muka sa dibdib ni Papa.

Hindi ko na matiis ang kaingayan ni Mama kaya nag-excuse akong maggagala lang muna sa labas. Pinayagan naman nila ako siguro dahil malaki ang tiwala nila sa mga tao rito.

Kahit papano naman ay may dala akong pera, bibili nalang ako ng hapunan para mamaya.

Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga nakahilerang mga Tricycle. Pumipili pa lang ako ng maganda gandang tricycle ng may isa silang tinutulak at pilit na ipinapasakay sa tricycle niya. Naririnig ko pa nga ang mga boses nila eh.

"Tol, dali na! Chicks yan oh. Pormahan mo na, bago lang yan dito." rinig kong sambit ng isang lalaking tricycle driver na medyo 30s na siguro.

"Oo nga, magkwento ka ng marami para makapagusap kayo. Oy dali na naghihintay oh!" sabi naman ng medyo bata batang tricycle driver.

Yung pinagtutulakan nila ay ngingiti ngiti lang at medyo natatawa siguro sa mga kaibigan niya.

"Oo na! Eto na nga." sumakay na yung lalaking kasingedad ko lang siguro at ipinunta sa harap ko ang tricycle niya.

Yumuko siya para siguro makita ako. Stainless ang tricycle niya at may salamin sa loob.

"Hi miss! San po kayo?" nakangiti niyang tanong sakin tumingin pa siya sa tropa niya at tumango lang ang mga ito na may kasamang thumbs up.

"Uhm, di ko rin kasi alam kasi bago lang kasi ako rito. Gusto ko sanang maggala." sinagot ko na lang siya dahil baka mapahiya pa siya sa tropa niya.

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon