*kroong* *kroong* *kroong*
"Well? Feel at home na lang byieee! I have to do my work eh! Hihihi!" ang lantod ng lola ko halatang may kikitain eh.
Lumabas na si Lola ng kumekendeng kendeng pa. Ang Lola ko kumekerengkeng na namatay lang si Lolo.
Luminga linga ako sa paligid, sa loob ng bahay na titirhan namin, at napangiti kong maganda naman ang bahay at may technology.
"Wow, hindi na masama." tumango tangong sabi ni Papa.
Lumabas naman ang pamilyang nakatira rito na malalapad ang ngiti. Yung lalaking anak lang ata ang nakasimangot.
"Hello po! Feel at home po kayo rito ah? Pede niyo naman po gamitin lahat ng gamit namin dito pero syempre think wisely baka po wala kayong maibayad sa bills." sabi ng babaeng anak.
"Amie! Tara na!" sigaw ni Lola sa labas kaya nagpaalam na sila samin.
"Ang bait naman nila, may kumare agad ako." natatawa tawang sabi ni Mama.
Umupo muna kaming lahat sa sofa.
"O sige. Pagplanuhan na natin kung paano tayo mabubuhay ngayon at syempre kelangan ng super tipid ah? So, merong tatlong kwarto rito. Siguro mga dalawang tao per kwarto ang gawin natin," umubo ng konti si Mama. Pagdating sa mga ganitong sitwasyon siya talaga kami nakadepende sa lahat samin, siya ang pinakamatalino, pinakamaparaan at syempre hindi mawawala ang pinakabaliw attitude niya kaya kami nakakasurvive kahit san kami magpunta may pera man o wala. Hanga na kayo sa Nanay ko no? Siyempre seryoso siya pagdating sa ganitong bagay.
"Kaming dalawa ni Mae dun sa main room dun sa pinakamalaki. Ano may aangal ba? Kung meron babayagan ko kayo makita niyo." pinanliitan pa ni Mama ng mata sila Papa. At sabay sabay naman silang umiling. "Mabuti naman kung ganun. Si Adam at Blaze sa pangalawa, syempre si Clint at Papa sa pangatlong pinto. Ayan okay na ah? O sya magpahinga muna tayong lahat." huling sinabi ni Mama at pumunta na sa kwarto namin. Yung Main room lang nga ang may aircon eh siguro kaya gusto niya dun.
"Fuck there's no aircon in here." bulong ni kuya Blaze. Lumingon si Mama sa kanya
"Gusto mo sa lapag ka?" nakataas kilay na sabi ni Mama. Sila papa naman magkaakbay na pumunta sa kwarto nila at tatawatawa.
"No thanks Ma. I'm fine with my bed." ngayon pa lang ay kitang kita na ang pawis ni kuya Blaze. Laking aircon tong isang ito eh. Yung aircon sa kanya parang electric fan lang.
Tumango naman si Mama at mukang pagod kaya pumalakta na sa kama halos sakupin niya na lahat ng space nakaStretch pa ang kamay niya na parang niyayakap ang kama nakabukaka naman siya na super wide rin.
Mukang ayaw niya pa akong patulugin eh?
Sinuri ko ang buong kwarto at napangiti dahil magaganda rin naman ang mga gamit dito. May malaking salamin na may kasamang drawers. May Closet na pang dalawang tao, for the first time makakagamit kami ng computer dahil dati wala talagang kahit ano na ginagamitan ng technology.
Naisipan ko munang magcomputer dahil maaga pa naman. Pagod lang siguro sila dahil sa biyahe.
NagOnline ako sa FB at nakita ko ang notif ko na sabog na sabog.
Nakita ko naman na may message si Aqua sakin pati na rin si Daylan. Kay Aqua muna ang binasa ko at talagang tinakpan ko yung kay Daylan para surprise.
Aqua: Idol! Asan kayo? Pumunta ako rito sa inyo pero sabi wala raw kayo, asan po kayo?
A: Nagaalala na po ako may magnanakaw po ba sa loob 0-0
A: Idol magoonline ka pa ba? Pakitanong na rin po kay kuya Clint kung kelan ang sunod na gig.
BINABASA MO ANG
My POSSESIVE BROTHERS..
HumorWell, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na kapatid! -.- Pero bukod sa pagiging possesive nila sa akin alam kong Mahal na Mahal ako ng tatlong yan :) At syempre mahal ko din naman sil...