Chapter 53: Walang forever

1.1K 37 0
                                    

Pagkatapos ko siyang sagutin ay kinaladkad niya agad ako papuntang mall. Oo kinadkad niya ako, ayaw man lang magpasweet minsan.

"To make it official, hayaan mo akong isuot sayo ito." pumunta kami sa isang jewelry store pinagtitinginan pa nga kami ng mga tao na para bang sikat na magkasintahan kami. Naririnig ko pa silang nagsasabi.

"Sila na kaya?" at gusto ko siyang sabihan. Di ba halata ate? Mukha ba kaming magkapatid sa lagay naming ito? HHWW kami oh.

Naasar tuloy ako sa mga tingin nila na para bang wala akong karapatan magkaboyfriend.

Sinuot ni Daylan sa akin ang isang kwintas na may eternity ring.

"Ayan bagay na bagay sayo." nagpasalamat ako sa kanya. Tiningnan ko yung eternity ring na nakalagay dun sa kwintas at napansin ko na may nakacurved dun. Daylan Xed

"Bakit naman may pangalan mo rito? Di ba dapat pangalan ko?" nagtataka kong sabi habang hinahanap pa rin sa singsing ang pangalan ko.

"Because I am all yours Mae. My heart is all yours, keep it well." maluhaluha ko siyang tinignan.

"Talaga? Sabi mo yan ah? Wala ng makakaagaw sayo! Sakin ka lang ah?" hinigpitan ko ang hawak ko sa braso niya at para bang ayoko na siyang mawalay sa akin.

"Yes baby." hinalkan niya ako sa aking noo at lalo niya pang hinigpitan ang paghawak sa baywang ko. "And Your mine Mae. Akin ka lang din. Simula ng sinagot mo ako ay akin ka na at sayo na ako." tumango tango ako at ngumiti. Sobrang saya ng nadarama ko sa mga oras na to. At sa mga susunod pa kasi alam kong lagi na siyang nasa tabi ko.

"E bakit ikaw walang patunay na sayo ako?" wala kasi siyang kahit ano.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba dapat ikaw ang may patunayan sa akin? Na dapat may patunay ka na sakin ka lang." bigla naman akong napahiya dun. Oo nga naman dapat ako ang magbigay sa kanya.

Napanguso ako at magisip ng bagay na pwedeng patunay sa kanya. Ano kaya? "Wala akong maisip e.." pinukpok ko pa ang ulo ko nagbabakasakaling magkaidea ako. Pero wala talaga bulok na ata utak ko.

"Pwede naman sa ibang araw na--" tinakpan ko ang bibig niya para hindi na siya makapagsalita.

Kailangan ako naman. Ako naman ang mageffort hindi yung puro na lang siya, sa isang relasyon dapat walang mas matimbang sa inyong dalawa dapat ay iisa lang kayo at nagkakaunawaan. At gusto kong magwork out ito. Gusto kong magtagal kami sinasabi man ng iba na walang forever okay lang kahit wala atleast may lifetime hahahaha.
At sana maging ganun kami ni Daylan.

Hinila ko siya sa Tom's World wala akong budget ngayon e kaya napagisipan ko na kukuha na lang ako ng prize na pwedeng temporary na ipatunay ko.

"Bakit tayo rito pumunta?" tanong niya. Ngumiti na lamang ako at sinabing "Basta."

Inubos ko ang 500 pesos ko para bumili ng tokens na dapat ay pambili ko ng kung ano ano.

Madami akong nilaro at pinaglaro ko muna si Daylan para hindi siya mainip kakahintay sa akin. Sa totoo lang expert ako sa mga ganto kaya madali akong nananalo, pati dun sa toy catcher expert ako dun kaming dalawa ni Mama ang magaling pagdating sa mga ganito kung sila kuya ay matatalino kami naman ni mama ay madiskarte.

Marami rami na rin ang nanonood sa akin at medyo nahihiya na ako dahil nakakaharang na ata sa daan yung ticket kong hinayaan ko lang mahulog ng mahulog.

"Miss ang galing mo naman dyan." rinig ko sa mga nanonood. Feeling ko nasa akin lahat ng spot light dahil yung iba natigil sa kakalaro para lang mapanood ako.
Tatayo na sana ako para tawagin ang isa sa mga staff nila dahil naubusan nanaman ng ticket yung machine.

"Sige miss ako na ang tatawag." hindi pa ako nakakalingon para magpasalamat ay nagkandarapa na siyang umalis. Bakit kasi ang sikip dito? Ay, oo nga pala puro ticket.

May naramdaman naman akong may naggulo ng buhok ko kaya napalingon ako rito para lang makita ang nakangising mukha ni Daylan.

"Ano ba yan mukhang wala na yata silang ipangtiticket sayo. Ubos na ata stock nila haha!" tinarayan ko muna siya dahil kelangan ko pa magfocus sa nilalaro ko.

"Tse. Yung tickets ko baka matapakan mo ah?" sabi ko pero hindi lumilingon.
Kumuha siya ng upuan at itinabi iyon sa akin. Pinilit niya talagang ipagkasya ang sarili niya at yung upuan lalo tuloy kumalat yung tickets ko.

"Uy nakakahiya na nagkalat na yung tickets ko sa daan." napanguso ako at medyo natetense na rin dahil nakaakbay siya sakin.

"Nagseselos ako sino yung kausap mo kanina?" bulong niya nagsimula na rin siyang makialam sa laro ko pero hinayaan ko na lang.

"Ano ka ba isa lang yung sa mga nanonood sa akin. Di ko naman kilala yun ano." kakasagot ko lang sa kanya selos na agad siya.

Maya maya lang ay may dumating ng staff at nasa likod niya yung lalaking tumawag sa kanya. Hindi ko parin siya makita para magpasalamat dahil nakatago siya sa likod nung staff. Hirap namang pumunta sa machine yung staff para lagyan ng panibagong packs ng ticket.

"Miss hinay hinay lang baka maubusan na kami ng ticket hahaha." biro ni kuyang staff. Ngumiti lang ako hindi naman kami close kaya ang awkward lang na magkwentuhan pa kami kaya tinatapos ko na lang ng ngiti. Ng matapos kong ngitian si kuya ay tumingin ako sa lalaking tumawag dito para magpasalamat.

"One?!" gulat na sabi ko. Matagal ko na kasing hindi siya nakikita kaya minsan ay wala akong libreng biyahe ng tricycle.

"Hi? Haha. Parang sampung taon mo akong hindi nakita ah?" natatawa niyang sabi may kasama rin siyang lalo kong ikinagulat.

"Hello! Master! Idol!" sabi ni Aqua. "Kamusta rito sa bayan namin?" tanong ni Aqua.

Ngumiti ako sa kanya "Masaya." hindi ko mapigilan ang ngumiti kasi parang ang tagal na naming hindi nagkita at ngayon pa. Bakit ba ang swerte swerte ko ngayon? Puro surpresa ang araw na ito.

"Mabuti naman kung ganun dahil dun sa Manila maraming nagrereklamong fans e. Bakit daw biglang nawala si Master Clint. Hindi pa ba kayo uuwi dun?" halatang siya ang namomroblema dahil sa kanya ipinagkatiwala ang banda ni kuya Clint at alam ko naman na ginagawa niya naman ang lahat ng makakaya niya.

"Siguro malapit na." ngumiti siya at nagpaalam para maglaro. Si One naman ay kumuha ng upuan saka nilagay sa isa ko pang tabi. Matalim naman siyang tinitignan ni Daylan.

"Sino yang ugok na yan na nananatsing sayo?" pinanliitan niya ng mata si Daylan "Di ba ayaw ng mga kuya mo na may lumalapit sayo?"

"Hindi na ngayon dahil sa akin na siya." may bahid na inis sa boses ni Daylan.

"Bakit inaangkin mo na agad? Hindi pa naman nakatali sayo e pwede pa siyang maging akin." sabat naman ni One at hindi ko na kinakaya ang pagiinit nilang dalawa.

A/N:

Sa mga nakabasa po nito pakiulit po may dinagdag ako. Sorry po kung ngayon lang.

My POSSESIVE BROTHERS..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon