May lumapit saking lalaki na may dala-dalang chocolates.
"For You." namumula pa siya na binibigay sakin yon.
Tinanggap ko naman at parang demonyo kung makatitig ang katabi kong si kuya Clint.
"Hoy, tama na titig sumusobra ka na!" nanggigigil na sabi ni kuya Clint, pinagtaasan ko na lang siya ng kilay na nagsasabing You-wanna-Die?
Nagulat naman siya at agad na ngumuso at nagiwas ng tingin.
"Nakakatakot pa rin pala ang mga kuya mo ano?" sabi ng lalaki na sinangayunan ko naman.
Umalis din naman siya dahil daw may practice daw sila ng basketball, huwaw lang ang mga nanliligaw sakin! Mga big time!
Ibinigay ko kay kuya Clint ang Box ng chocolate at inilagay niya yun sa dala dala niyang bag na puno ng chocolates.
"Haay! Bakit mo ba kasi ginagawa 'to?" may tonong pagkainis sa boses niya.
"May sinasabi ka?" nag evil Grin pa ako.
"Tsss." tumawa na lang ako sa kacutan ng kuya ko.
Ganito kasi ang nangyari.
Flashback:
"Thank you!" nakangiting sabi ko sa bisita kong bumati sakin ng happy birthday.
Pang-128 na siya na bumati sakin! Kulang na lang eh maglagay ako ng karatulang nagsasabi ng 'Thank you' sa noo ko para di na sayang laway ko. Kapag nadadaanan ko kasi sila binabati nila ako syempre kelangang magpasalamat!
Napagod na nga ang bunganga ko kakathank you isa isa sa kanila!"Pwew. Sana panghuli na yon." sabi ko at huminga ng malalim. Ang lamig ng simoy ng hangin kaya di naman ako pinagpapawisan, actually malamig pa nga eh kaso kailangan hindi mawala ang poise.
Papunta ako ngayon sa may Gate namin. May titignan lang ako...Luminga linga ako sa paligid at wala ni anino ni Daylan... okay lang naman kung late eh..
"Ohh. The Princess. Hey!" lumingon ako sa boses ng isang lalaki sa likod ko, at nagulat ako ng nakita kong si Kuya Weird Camera Man pala yun. O sige na nga Weird na lang ang haba eh lam niyo namang tamad ako.
"Uy! Kuya Weird! --" natigilan ako sa sinabi ko. Agad kong tinakpan ang madaldal kong bibig! Pahamak talaga kahit kelan!
"Its okay. I know that I'm weird. Di na ako magugulat." tumawa pa siya na parang hindi talaga siya naiinsulto. Naramdaman ko na lang na uminit ang pisngi ko dahil feeling ko pahiyang pahiya ako.
"Princess! Mae!" narinig kong sigaw ng mga kuya ko.
Hindi na ako nakapagsalita ng bigla akong hinila ni kuya Weird."Shhhh. Tago muna tayo saglit. May sasabihin kasi ako." naintindihan ko naman si Kuya Weird kaya nanahimik na lang ako. Wooooh! Di ako makahinga grabe!! Ang lapit kasi ni kuya Weird sakin! Nararamdaman ko kasing .... alam niyo na anim na pandesal abs.. nasa likod ko kasi siya at niyayakap ako para makapagtago kami ng ayos. Grabeee! Di ako makagalaw! Ang totoo niyan eh pogi naman talaga itong si kuya Weird, masyado lang weird yung salamin niya alam niyo na, yung pag tiningnan niyo siya parang batang sipunin pa, eto pa may bimpo pa sa likod halatang spoiled sa nanay niya. Ang weird lang dun ang tanda tanda niya na kaya! I think.. feeling ko nga kasing tanda niya si kuya Blaze eh!
"Blaze wala ata dito. Tara baka nasa loob lang." sambit ni kuya Adam na halatang kanina pa ako hinahanap dahil sa pawis sa kanyang mukha. Kawawa naman ang mga kuya ko.
Tumango naman ang kuya kong pawis na din. Kahit pawis na pawis sila parang ang bango pa rin. Pero pag ako pawis na pawis mukang hindi ako naligo ng sampung ligo!
Joke lang! Mukang mabango naman ako kahit papano.
BINABASA MO ANG
My POSSESIVE BROTHERS..
HumorWell, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na kapatid! -.- Pero bukod sa pagiging possesive nila sa akin alam kong Mahal na Mahal ako ng tatlong yan :) At syempre mahal ko din naman sil...