7:00 am pa lang ay gising na ako dahil excited ako mamaya, ganto talaga ako pag birthday ko, dati nga eh 5:00 am pa lang gising na gising na ako at ayaw ng bumaba ng talukap ng mata ko sa sobrang excited ko nun kaya ng matapos ang party ko ayun bulagta ako sa kama.
Mamayang 7:00 pm pa naman yung datingan ng Mga bisita ko at 8:00 pm naman magsisimula.
Inayos na ni Mama yung mga invitations at syempre iniba ko na rin yung gown ko. Red and Black ang motive ng party ko, syempre dapat merong motive para pare-pareho at syempre para magShine ang beauty ko, Ako ang celebrant eh.
Kulay puti ang Gown ko, parang yung pang-princess na dress Para siyang tube kasi may may tela pa sa magkabilang braso ko yung parang kay Princess Belle sa disney ganun at made of cotton siya kaya hindi nakakairita yung likod naman hindi naman siya revealing may mga tali na nagcoconnect sa magkabilang gilid ng gown tapos may ruffles sa ibaba ng gown, at curly din yun design ng gown ko ibig sabihin lang nun ang laki niya grabe parang ball gown at may glass stilletos ako yung parang kay Cinderella ganun lang feeling ko nga kapag sinuot ko mababasag na lang bigla.
"Ahh. Gusto ko pang matulog!" kanina pa ako pagulong gulong sa kama ko at yakap yakap ang unan ko dahil gusto ko pang matulog pero nagrerebelde ang mata ko sa pagpikit.
"Mae?" agad agad pumasok si Mama sa kwarto ko. Bakit ba kasi hindi ako nagsasara ng pinto?
"Ma, ilang beses ko bang sasabihin na kumatok ka muna?" tiningnan ko siya ng masama at agad agad naman siyang lumabas at kumatok saka pumasok na lang ulit.
"Mae?" muntik na akong matawa ng ganun pa rin ang reaksyon ng muka niya para bang ni-rewind lang. Pinagdikit ko ang mga labi ko para magpigil ng tawa. Lumunok pa ako ng ilang beses para makapagsalita.
"Ba-bakit? Pfffft." tinakpan ko ang muka ko gamit nang hawak kong unan.
"Isukat mo nga ulit yung Gown na susuutin mo mamaya, tumaba ka ata ng konti eh." kahapon lang naman ako kain ng kain eh, hindi naman siguro ako tataba ng ganun ganun lang mabilis kaya ang metabolism ko.
"Okay lang yun di naman ako tumaba eh."
"Isukat mo na lang para makasiguro tayo, limited edition lang ang ganung gown 'no!"
Yeah. Limited edition lang yun dahil may mga mamahaling Gems na nakalagay dun kaya para akong kumikinang na bituin sa langit.
Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya at pumayag na rin akong isusukat ko yun.
Pumunta kami sa closet ko kung nasaan yung gown.
"O kasya pa naman diba?"
"Akala ko... tumataba ang mga broken hearted." bulong niya tumingin pa talaga sa gilid niya siguro para hindi masyadong rinig. tsss.
Hinubad ko na ulit ang gown ko at
sinuot ko ulit ang mga damit ko.
"Anong oras ba dadating yung mga magaayos sakin?" tanong ko habang inaayos ang natural kong kulot na buhok.
Para namang nagulat siya at humarap na sakin.
"A-ah! Hmm.. Siguro dadating na sila after lunch." tumango tango naman ako.
"Dadating si Daylan mamaya.." napahinto ako sa pagbubukas ng pinto sa sinabi ni Mama.
"Alam ko na po iyon." napangiti ako ng mapait. Hindi naman ako sure kung makakapunta nga siya eh. Bigla bigla na lang kasi akong nagdrama, di ko tuloy alam kung tutuloy ba siya o hindi.
"Magtiwala ka lang sa kanya." sabi ni Mama at nabuksan ko na ng tuluyan ang pinto.
Pumunta ako sa kusina para kumain na ng agahan.
BINABASA MO ANG
My POSSESIVE BROTHERS..
HumorWell, i Have a 3 possesives Brothers. At ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na nakakainis ang may ganun na kapatid! -.- Pero bukod sa pagiging possesive nila sa akin alam kong Mahal na Mahal ako ng tatlong yan :) At syempre mahal ko din naman sil...