Kabanata 1

17.8K 577 45
                                    

Few days ago.
Manila. . .



Hindi maiwasan ni Andrew ang makaramdam ng panibugho habang nakatanaw sa dalawang taong espesyal sa kaniya. Nagpapalitan ng mga salita ng pagmamahalan ang mga ito sa ikalawang pagkakataon habang nakangiti. Napapaluha pa ang kaniyang kapatid na si Bernard habang nanunumpa ito ng katapatan sa asawang si Laura. Halatang masaya ang dalawa sa simpleng kasal.

Masaya rin naman siya para sa mga ito. Tinanggap na rin kasi niya sa sariling hinding-hindi mapapasakaniya ang babaeng iniibig ng kapatid na iniibig niya rin. Gayunpaman, hindi niya maiwasang malungkot. Magselos. Hindi na rin kasi siya bata at gusto na rin niyang lumagay sa tahimik. Ngunit sadyang mapili ang puso niya. Mailap. Sa edad na tatlumpu’t-tatlo ay wala pa siyang nagiging nobya.

Napabuntonghininga si Andrew at napailing. Mapili nga ba siya? Did he set his standard high? Pakiramdam niya ay hindi. Sadyang tulad nga ng sabi ng pari sa liturhiya nito, may tamang tao para sa lahat. Kahit gaano pa ito katagal. Ang tanong na lamang ni Andrew ay kung kailan darating ang babaeng para sa kaniya?

Matapos ang seremonyas ay nagpaalam na rin si Andrew sa mga magulang. Pinuntahan niya rin ang bagong kasal at nagpaalam sa mga ito. Hindi man pumayag ang kaniyang kapatid, wala rin itong nagawa. Matigas ang ulo niya sa mga bagay na gusto niyang gawin. And this time, he wanted to attend to his brotherhood's exclusive party. Sa mismong ekslusibong village na pagmamay-ari nila iyon gaganapin.  

Tiningnan ni Andrew ang kaniyang Rolex na relo. Napamura at napailing siya nang makitang malapit nang magsimula ang party sa napag-usapang oras nito. Ibig sabihin, kailangan na niyang magmadali kung ayaw niyang masabon ng sermon ng kapwa niya miyembro sa kanilang elite club.

Ilang sandali ay sakay na si Andrew sa kaniyang private chopper. Ang tanging kasama lamang niya ay ang piloto nito. Makalipas ang ilang oras ay naramdaman na niyang lumalapag ang sinasakyan mula sa himpapawid. Nang silipin niya ang labas mula sa bintana ay gumaan kaagad ang kaniyang pakiramdam. Finally, he has arrived.

"Man! Akala namin hindi ka na pupunta." It was Rex Van Montemayor, the happy go lucky. Miyembro din ng Elite. Inakbayan siya nito.

"I don't want to waste my Ferrari again. Masyado nang namumuro si Evander sa akin." Umiling si Andrew at natawa nang matanaw niya sa 'di kalayuan ang tinutukoy. Nakangisi ito habang may nginunguya.

"Stop blaming me, Guerrero. You know you're a talkshit when it comes to the Elite's exclusive party. Himala na lang na nandito ka." The man paused and gave him a welcoming embrace. "Is it because of the invited models and chikababes?" bulong nito.

Natawa si Andrew. Natawa rin ang dalawang kasama. Inambaan niya si Evander ng pabirong suntok na kunyari ay sinasalag naman nito. Meeting his friends in a situation like they had a while ago was a breath of fresh air for him. Nakalilimutan niya ang problema sa probinsiya at maging ang mga insekyuridad niya sa buhay.

"What the hell, fuckers! Tatayo na lang ba kayo d'yan at magtatawanan? I'm cold for God's sake if you did not notice it." It was Zico Ajax Chavez, walking towards their direction.

"Kasalanan mo 'yan! Sino namang nagsabi sa 'yong maghubad ka papunta rito sa rooftop!" sigaw naman ni Evander pabalik kay Zico na sinagot lang nito ng isang middle finger.

"Ang tatanda niyo na, away pa rin kayo nang away." Napailing si Andrew. Sinipat niya rin ang tatlo at nakitang nakahubad nga si Zico at tanging boxers lang ang suot. Taliwas sa dalawang katabi na may white T-shirt pang suot at khaki shorts.

"Let's go, fucker, baka hinahanap na tayo ni X," singit ni Rex Van.

Tumango ang lahat at nagsimulang maglakad patungo sa elevator na konektado mismo sa ground floor ng clubhouse na pagmamay-ari nila. Nagkukulitan ang apat na animo'y mga batang paslit kahit pa kabilang ang mga ito sa hinahangaan at kilalang sikat sa larangan ng negosyo at sa kani-kaniyang karera.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon