Mainit at mausok. Maalinsangan dahil sa gitgitan ng mga pasahero sa isang bus patungong probinsiya. Maingay dahil sa kaniya-kaniyang reklamo at sentimiyento. May mga magkakatabing nagchichismisan. Mayroon ding humahalukipkip at mas piniling matulog na lang.
Nagkibit-balikat si Tereesa. Sinulyapan niya rin ang katabing kaibigan, si Krist, na tila ba hindi mapakali. Nakaupo ang dalawa sa pangalawang upuan mula sa driver ng bus kaya kitang-kita nila kung saan ang kanilang tungo. Walang bahay at puro kakahuyan ang kanilang nadaraanan, at isang two way lane na sinadya para sa transportasyon.
It was a secluded area, perhaps. Ngunit walang pakialam si Tereesa kung saan man siya dalhin ng kaibigan. Ang importante sa kaniya ay ang makalayo siya sa Metro at makapagtago mula sa buong angkan niyang tiyak na naghahanap sa kaniya.
"Sure ka bang ayaw mong sumama? I need you best friend. . ." maarteng pagmamakaawa niya rito. Ngumuso pa siya para mapansin nito.
Inirapan siya ni Krist. "Gaga ka ba? Di, nalaman ni Tito na connivance ako sa drama mo!"
Natawa siya sa sinabi nito. Kung hindi naman kasi naisip ng Papa niya na ipagkasundo siya sa isang estranghero, hindi siya maglalayas at magpakalayo-layo. Tereesa felt guilty of what she did but she had to do it to save herself. Hindi naman kasi siya papayag na maikasal sa taong hindi niya mahal. Wala siya sa isang royal family at hindi siya isang dugong bughaw para sundin ang utos ng ama, kaya ito ngayon ang drama niya.
Napabuntonghininga siya at isinandal ang likod sa pulang upuan ng bus. She was thinking about what would happen to her for the next days and the life that awaited her in the province. Alam niyang mahihirapan siya sa bagong buhay dahil namuhay siyang mala-prinsesa sa loob ng dalawampu't-tatlong taon. In one snap of her finger, she could have everything. But now. . .
She sighed again. Lulugo-lugo ang pakiramdam na kinuha niya ang backpack na naglalaman ng kaniyang konting gamit at ang kaniyang wallet. Sinilip niya iyon at nakita ang iilang lilibuhin na gagastusin niya para sa pangangailangan sa susunod na araw. Naroon din ang litrato ng kaniyang Mommy Ramona. Gusto sana niya iyong tingnan ngunit pinigilan niya ang sarili. Baka kasi kapag ginawa niya iyon ay maiyak lang siya dahil na-m-miss niya na kaagad ito.
"Oh, Maribilis! Maribilis Terminal!"
"Shit! Nandito na tayo!" eksaheradong wika ni Krist.
Huminto ang sinasakyan nilang bus sa isang hindi kalakihang terminal. Nang silipin iyon ni Tereesa mula sa bintana, napangiwi siya sa nakita. Kaniya-kaniyang abot ang mga taong naroon sa labas ng bus ng mga pagkain at paninda ng mga ito. Nagsisigawan pa at nagtutulakan na para bang nag-aagawan para lamang makabinta. Sinitsitan siya ng isang lalaki nang makita siya nito at itinuro ang paninda nito ngunit umiling lamang ang dalaga. She was not used to it and she didn't even know how to react. Mukhang mapapalaban nga talaga siya sa bago niyang buhay.
"Hoy!" Malakas siyang hinampas ni Krist sa balikat.
"Aray ko naman!" Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan.
Nagkibit-balikat lamang ito at sinenyasan siyang tumayo, pagkatapos ay walang sabi-sabing iniwan siya. Ni hindi niya nakita ang ekspresyon nito dahil sa facemask na suot. Balot na balot din ito sa suot na black Adidas jacket at jogging pants.
"Ma'am, umalis na po ang kasama ninyo."
Nagising ang diwa niya sa sinabi ng konduktor. Dali-dali niyang isinukbit ang backpack sa kaniyang likod at mabilis na tumayo upang pumanaog. Nakipaggitgitan pa siya sa mga gustong sumakay sa bus para lang makababa. Nakita niya kaagad ang kaibigan na nag-aabang sa kaniya. Nakapameywang ito at halatang inis na sa klase ng tingin nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
HMSS: TAMING THE HOT FARMER
Ficção GeralTereesa is in trouble. Dahil sa kaniyang pagtakas mula sa sariling engagement party, siya ngayon ay pinaghahanap ng kaniyang buong angkan. In order to hide herself, she seek help from her best friend, kasama na roon ang pagbabalat-kayo. Kaya ang m...