Kabanata 5

15.2K 521 38
                                    

Maagang nagising si Tereesa kinabukasan. Pagod man at tila nanlalata ang kaniyang katawan, pinilit niya pa rin na bumangon. Lumabas siya mula sa barn house at naglibot. Sinigurong hindi siya lalayo sa pinanggalingan. Hindi na rin siya nakapagpaalam kay Nanay Melba dahil tulog pa ang matanda.

She smiled as the cold breeze greeted her. Kahit nakasuot ng jacket at jogging pants ay nanunuot pa rin ang lamig na dulot ng natural na klima ng lugar; which made her delighted at the same time.

How she wished Metro would have the same climate as the place. Sariwa ang hangin at walang polusyon. Masarap sa pakiramdam ang lamig na hatid ng dampi nito sa kaniyang kabuuan. Ang tahimik at napakapayapang kapaligiran, at ang napakagandang tanawing kaniyang nasisilayan na halos lahat ay berde ang kulay.

It was fascinating. Nakaiinggit kung tutuusin. Ibang-iba sa kaniyang kinalakihan. She was born in a place where noises were life. Parties were routines. Events and gatherings were natural; a basis of status. Napakaingay. At kung minsan pa'y batayan ang antas ng pamumuhay sa kung paano ka tatratuhin ng iba. Money moved everything.

While this place was sirene. Uniquely beautiful. Vast views of simplicity. Para bang sinasabi ng lugar na kapayapaan ang hatid ng pagiging simple. That in the most simple place there was beauty. Something that Metro couldn't offer.

Tereesa shrugged the thoughts off. Natigil rin ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang dalang cell phone. It was her timer, reminding her that it was already five in the morning. Oras na para sa kaniyang daily routine.

Huminga muli siya nang malalim. She turned her head around and found nothing. Magaan ang pakiramdam na inilatag niya ang dala na Yoga mattress. Umupo roon at inayos ang posisyon. Pinagsalikop niya ang dalawang binti maging ang mga palad. She heaved a deep sigh before closing her eyes.

Tereesa felt she was one with nature. Para bang dinuduyan ang kaniyang pakiramdam habang magaan ang paghinga. Yoga was her way of relaxing from all the unwanted feelings she had inside her, to sometimes ease the burden she felt. It's her meditation. At perpekto ang lugar para sa katahimikang gustong-gusto niya.

Ngunit hindi rin nagtagal ang katahimikang nararanasan ni Tereesa. Pilitin man ng dalaga na mag-concentrate ay sadyang may mga maliliit na boses siyang naririnig sa kaniyang paligid. Sumusuko siyang napabuntonghininga. Pumikit nang mariin at napailing.

Mas pinili niyang iligpit ang gamit. Sinundan ang mumunting tinig at napagtantong pamilyar ito sa kaniya. Ilang lakad at libot ang kaniyang nagawa bago niya nakita ang nagmamay-ari niyon.

Napangiti siya. Bukod sa pamilyar ang boses nito ay kilalang-kilala naman niya ang hugis ng katawan nito kahit nakatalikod. Memoryado pa nga kung tutuusin. As usual, he was shirtless and his muscles were very expose while combing the black horse's hair.

Bakit ba ang hilig nitong maghubad? Hindi ba nito alam ang epekto nito sa mga babaeng makakakita rito? Tiyak niyang busog na busog ang mga mata ng kung sinumang makakasilay sa perpekto nitong katawan.

She smiled. She was lucky indeed.

Nagsimula siyang humakbang palapit dito. May pilyang ngiti sa kaniyang labi, ngunit natigil din kalaunan.

How would she approach him? Kakawayan ba niya ito? Ngingitian hanggang sa mangalay ang kaniyang panga?

Fuck! Naguguluhan siya.

Bigla ay naging mahirap kay Tereesa ang lapitan si Andrew. The determination she had from last night vanished in an instant. Gusto na lamang niyang magtago at kalimutan ang ideyang pasalamatan ito sa ginawa nitong pagtulong sa kaniya.

Nagsimula siyang umatras nang dahan-dahan para hindi maagaw ang pansin ng binata. Ngunit sadyang malas siya nang mga sandaling iyon. Bigla siyang natisod sa nakaharang na kahoy sa kwadra. Lumikha iyon ng ingay dahilan kung bakit bumaling ang atensyon ni Andrew sa kaniya. Kunot ang noo nito. Nagtataka kung bakit siya nakaupo sa lupa.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon