Kabanata 21

12.8K 432 33
                                    

Magkahawak kamay sina Andrew at Tereesa nang pumasok sa pool area ng Hot Men Society Clubhouse. Ito ang lugar kung saan ginanap ang orgy party ng grupo na dinaluhan ng dalaga. Ngunit hindi katulad noon, wala ng mababakas na iba't ibang patay sinding mga ilaw. Walang entablado. Walang kung ano-anong mapupulang dekorasyon. Walang maingay. Tanging ang payapa at engrandeng swimming pool ang naroon na binibigyang liwanag ng LED lights na papalit-palit ng kulay. Sa gilid niyon ay ang isang mahabang mesa at ang mga miyembro ng Hot Men Society na abala sa ginagawa.

Lumapit si Barry sa dalawa. Nakipagkamay kay Andrew. "Mabuti naman at dumating kayo. Magtatampo na sana kami," wika nito. Nakatuon ang atensyon kay Tereesa.

"She's the boss." Andrew wrapped his arms to Tereesa's shoulders with possesiveness. Marahan din nitong pinisil ang balikat ng dalaga.

Tereesa smiled awkwardly. Halatang nagpipigil na umigkas ang kamay sa mukha ng seryosong si Barry. "Thank you for inviting us. . ." She looked at the man intently. Hindi naman kasi niya kilala ang pangalan nito.

"Bartholomew. Barry for short."

"Yeah. Thank you for inviting us, Barry," ulit ng dalaga.

Tumango si Barry bago nagsalita, "The food is ready. Kayo na lang talaga ang hinihintay." Itinuro nito ang bakanteng mesa. "Shall we?" wika nito at nauna nang magkalad.

Tereesa and Andrew followed. Sa bawat hakbang ng dalawa ay mas lalong humihigpit ang pagkakaakbay ni Andrew sa dalaga. Para bang ayaw siya nitong mawala. Para bang takot itong agawin siya ng kung sino. His possesive stance towards her, made Tereesa's heart flutter. Ganoon lang kabilis ay kayang baguhin ni Andrew ang pagtibok ng kaniyang puso. The simplest gesture he would do to her, melted her heart in an instant.

'Baka assumera ka lang!' sigaw ng kaniyang utak.

Agad na umiling si Tereesa upang palisin ang kung anumang iniisip. Nakuha nito ang atensiyon ni Andrew. Tumigil sila sa paglalakad. Nakakunot-noong binalingan ito ng binata. Nananantiya. Iniisip kong nag-aalangan ba ito sa dadaluhang dinner.

"Ayos ka lang?" wika ni Andrew. Kinalas nito ang pagkakaakbay sa dalaga at inaayos ang iilang hibla ng buhok na tumatabing sa mga mata nito. As usual, he got his eyes glued on her. Napakaganda naman kasi nito kahit sa simpleng ayos lang.

Tumango si Tereesa. She smiled sweetly. "Ayos lang. Nagtataka lang ako kung bakit masyadong mahigpit ang pagkakaakbay mo sa akin." She bit her lower lip. She just found herself confessing. Kahit kailan wala siyang maitatago sa binata dahil ang sarili na mismo ang unang tumatraydor sa kaniya.

Natawa si Andrew nang mahina. Ginulo ang kaniyang buhok. "Silly.  Ayaw ko lang na makita nila ang nakikita ko sa 'yo," wika nito sabay iling.

Tumaas ang kilay ni Tereesa dahil sa sinabi nito. Sinilip niya ang mga kaibigan ni Andrew. May iilang nagmamasid sa kanila. May iilang abala pa rin sa kung anumang ginagawa. Imposible namang sa kaniya ang lahat ng atensiyon ng mga kaibigan nito? Imposible ring makita pa ng mga ito ang nakita ni Andrew sa kaniya dahil tulad nga ng gusto nito, isang ruffled white long sleeve ang suot niya at blue denim jeans. Balot na balot siya at kulang na lang ay scarf sa ulo para pati leeg niya ay hindi na rin makita. Habang isang cargo short at hapit na puting T-shirt naman ang suot nito.

Funny how she agreed on Andrew's terms. Papaano ba siya nito napapayag? Paano ba nito nakuha ang matamis niyang "oo"? She, whom was a sucker of elegant dresses and contours agreed to wear simple clothes for dinner to please him. Ginamit lang naman kasi nito ang isa niyang kahinaan. He seduced her unconsciously with his touch; feeling her sensitive parts while whispering words of assurance. He bargained himself just so she would say yes. At hindi naman siya nagsisisi. She liked the idea anyway.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon