Kabanata 6

14.2K 574 69
                                    

Mariing pinagmamasdan ni Andrew ang pamangkin ng kanilang mayordoma. Nakasimangot ito habang hawak ang plastic na lagayan ng binhi ng mais. Minsa'y napangingiwi ngunit madalas ay napaiiling.

Alam niyang maarte ang babae. Sinusubukan niya lamang ito dahil na rin sa sinabi nitong babawi sa kaniya. Bukod pa roon, ramdam niyang may kakaiba rito. Her eyes and stares were familiar to him. Para bang nakita na niya ito ngunit hindi niya maalala kung kailan. And the feeling of being with her was strange. Hindi niya kayang ipaliwanag sa kahit anong salita.

"Kailangan ko ba talagang gawin 'to? Bakit ang hirap naman yata ng hinihingi mo, Manong!"

Naagaw nito ang kaniyang atensyon. Nakasimangot pa rin habang halos paika-ika kung maglakad patungo sa kaniya. Nasa gitna sila ng kaaararo pa lamang na lupa upang taniman ng mais. Planting season na rin at nagkataong kailangan niya ng tauhan. And Eesa would be a great help if only she was not as peevish as she was acting now.

"Manong! Nakikinig ka ba?" tawag ulit nito. 

Napakunot ang noo ni Andrew. Bakit ba mahilig itong tawagin siyang manong? Ganoon na ba siya katanda para dito? He's only thirty-three for heaven's sake, and Eesa would probably twenty. Hindi pa siya matanda para dito at lalong hindi nalalayo ang hitsura niya sa kaedad nito. Kung tutuusin bagay sila ng babae.

'Shit! What are you thinking, Andrew?' pagkastigo niya sa sarili.

Umiling siya dahil sa naisip at itinuon na lamang sa palapit na si Eesa ang atensyon. "Bawal ang maarte rito. Kung ayaw mo, umuwi ka na. . ." seryosong wika niya. He tried so hard not to smirk. Nakita niya kasi kung paano nanlaki ang mga mata nito.

It had been a long time since someone fascinated him like he was feeling right now. Laura, the wife of his brother, would always make him feel amused. She was a fine woman with morale and sophistication. And she did great on how she impacted his being, kahit sa simpleng galaw nito ay napahahanga siya.

But Eesa was different. She was vulgar and brave with full of confidence. He didn't even think that behind those thick rimmed glasses was an eye of a tigress and was giving him a dead stare right at the moment. Dazed and amused, he shook his head to suppress a playful grin.

"Hindi ako nag-iinarte, Man—"

"Puwede bang tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng manong?" he said irritated. Eesa could easily change his mood. "Call me by my name instead."

Napabuntonghininga si Tereesa. Sumusukong napatango ito. "Sorry po."

"And the po."

Iniwan ni Andrew ang dalaga. Lumapit ito sa mga trabahante. Nag-isang linya ang mga ito habang nakatanaw sa binata. Habang nagsisimula namang mag-araro ang mga lalaking trabante gamit ang baka at kalabaw na gamit ng mga ito sa bukid. Dahan-dahan ang pag-aararo para mas malalim ang nagagawang linya para sa itatanim na binhi. 

"Magandang umaga po, Sir. Kumusta po," bati ng matandang babae kay Andrew nang makalapit ito. Tinatawag itong kabo dahil nakatataas ito sa iba.

"Magandang umaga. Handa na ba ang lahat, Nanay Lourdes?" tukoy ni Andrew sa matandang kaharap.

Napangiti naman ito at napatango. "Opo, Sir. Mabuti na lang at umulan kahapon, makapagsisimula na tayong magtanim."

Tumango si Andrew dito. Kinausap niya rin ang mga trabahante at sinabing pag-igihan ang trabaho. Magaan ang kaniyang loob sa mga ito dahil halos isang dekada na rin mula nang pamahalaan niya ang kanilang hacienda. After he graduated agriculture, he invested himself so much to their land.

This was his possession. Their land and the people who was working for them for years. Kaya nang alukin siya ng ama na pumalit sa kaniyang kapatid sa kandidatura bilang gobernador ay tumanggi siya. Hindi dahil sa ayaw niya sa ideya, kundi dahil mas gusto niyang makasama ang mga simple at totoong tao kumpara sa mga mapagkunwaring pulitiko.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon