Kabanata 30

10.3K 398 22
                                    

Halos mapunit ang labi ni Tereesa sa lawak ng pagkakangiti nang sulyapan nito si Andrew sa driver's seat ng kotse. Seryoso ang binata sa pagmamaneho habang hawak nito ang kaniyang kamay. Para bang ayaw siya nitong pakawalan. Para bang natatakot itong takbuhan niya, na kailanman ay hindi niya gagawin.

Nang mapadako ang kaniyang tingin sa singsing na pareho nilang suot ay tila idinuduyan ng saya ang kaniyang puso. It was as if she was sent to cloud nine because of that small thing they were wearing. Bagay na bagay iyon sa kaniyang palasingsingan na para bang sinadya para lamang sa kaniya. While Andrew's ring looked astounding on his big and long ring finger.

"Masaya ka ba?"

Mahinang tumango si Tereesa sa tanong ni Andrew. "Masayang-masaya," sagot niya.

Happy was the understatement of what she really felt. She was beyond that. It was unexplainable. Maging sa sarili niya ay hindi kayang ipaliwanag ang tunay na nadarama. It made her unable to think. She's speechless. Overwhelmed.

"Ikaw. Masaya ka ba?" tanong niya kay Andrew.

"More than happy."

Tumango siya at ibinaling sa labas ng bintana ang tingin. Napagtanto niyang malayo na sila sa Metro. Wala nang bakas ng maingay na busina o gitgitan sa kalsada. Wala nang taong naglalakad sa lansangan. Walang matataas na gusali. Ang tanging nakikita niya ang mga payak na istruktura ng bahay. Maliliit na establisyemento at iilang punong kahoy na nakahilera sa daan.

"Are you sure you're going to do this?" tanong muli ni Andrew.

Tumango si Tereesa. Humugot ng malalim na paghinga. Alam niyang hindi pinlano ang lahat ngunit may mga bagay na kailangan niyang ikonsedira.

"I need to this. This is the least that I could do for now. Kung hindi ko ito gagawin, baka mawalan tayo ng chance."

Nakakaunawang pinisil ni Andrew ang kaniyang palad. Kahit papaano ay napangiti siya dahil doon. Nabawasan din ang kaniyang bigat sa dibdib.

She knew she could always count on him. But she also knew that there were things that she should face by her own. Alone.

Masyado siyang nakadepende sa ibang tao sa anumang bagay. Lumaki siyang umaasa sa iba pagdating sa pagdedesisyon. Naghihintay kung sino ang tutulong. She believed she was independent enough, but turned out she wasn't.

Ngayon lang.

She wanted to decide on her own. She wanted to stand her grounds and fight for what she really yearning for. Kasi pagod na rin siyang maging dependent at umasa. Pagod na siyang papaniwalain ang sarili na ayos lang ang lahat, kahit ang totoo, hindi.

She wanted to be independent for real.

"We're here."

Natigil ang pagmumuni niya. Sinulyapan niya si Andrew at nakita ang nag-aalalang tingin nito. Nginitian niya ang binata para siguraduhing ayos lang siya kahit ang totoo, pinangungunahan siya ng kaba. Her body was tensed from the anticipation she was feeling. She was nervous as hell but determined as well. Wala nang atrasan sa kaniyang gagawin at umaasa siyang magiging maayos ang lahat pagkatapos niyon.

Biglang nagbago ang kanina'y payapa niyang pakiramdam. She sighed heavily.

"Kung hindi ka handa, maaari naman tayong bumalik." Si Andrew na bakas sa boses ang pag-aalala. Itinigil din nito ang sasakyan at tiningnan siya.

Tereesa moved closer to him. Masyadong malapit na halos iisa na lamang ang kanilang paghinga. She gave him a peck on his lips and moved away, but Andrew wasn't please with it. Nagulat siya nang pigilan siya nito sa likod ng kaniyang ulo at inilapit muli ang labi nito sa mga labi niya.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon