Special Chapter 1

11.3K 423 65
                                    

"Andrew!"

Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na boses ni Tereesa. Lahat ng trabahador na naroon ay natuon ang pansin dito. Nabulabog din ang tahimik na mga ibon at nagsiliparan sa himpapawid. Habang si Andrew kasama ang kausap nitong babae ay nakatuon sa dalaga ang tingin na ngayon ay palapit sa kanila.

Sumasabay sa paglakas ng hangin ang alon-along buhok ng dalaga na tila sumasayaw sa bawat paghakbang nito. Mabilis at walang ingat ang pagkilos kahit pa halata na ang tiyan nitong bilog. Unti-unting naalarma si Andrew sa nakita. Sinalubong niya kaagad ang asawa.

"Careful." Agad niya itong inalalayan. Ngunit imbes na magpasalamat isang matalim na irap ang isinukli nito sa kaniya.

"Sino 'yon?" tukoy nito sa babaeng kausap ni Andrew. Nakatayo pa rin ito kung saan nito iyon iniwan. Tila hinihintay ang binata.

"Si Olga. Anak ng kliyente. Siya ang mag-aasikaso sa order nilang mga mangga."

"Eh, bakit parang hindi naman mangga ang ipinunta niya dito? She look like she's attending to a party. Short skirt and crop top. Labas pa ang pusod, with total make-up? You've got to be kidding me." Tereesa's voice was full of sarcasm. Sinipat nitong muli ang babae. Mas nainis siya nang ngumiti ito. "Pangit!" she commented.

"Hey, may attitude problem ka na naman. Don't be so judgemental, baka magmana ang anak natin sa 'yo." Ginagap ni Andrew ang kamay ng dalaga. Hinalikan. Maging ang tuktok ng ulo nito ay masuyo niya rin na pinatakan ng halik. "Don't be jealous. Kliyente lang 'yan."

"I'm not jealous." Umirap si Tereesa.

Humalakhak si Andrew sa pagsisinungaling ng asawa. Gayunpaman, alam niya ang dahilan ng pagsimangot nito. Niyakap niya ito nang mahigpit. "Huwag ka nang magalit. Ikaw lang naman ang maganda sa paningin ko, baby."

Tumingala ito. "Talaga?" Halata ang pinipigilang ngiti.

"Oo. Talagang-talaga." Tumango si Andrew at napangiti. "Tara na nga roon. Ipakikilala kita kay Olga."

"First name basis?"

"Ayan ka na naman." Nagsimula silang maglakad. Nang tumapat sila kay Olga ay ipinakilala ito ni Andrew kay Tereesa. "Olga, this is—"

"Is she your maid?" agaw nito sa sinasabi ng binata.

Tumaas ang kilay ni Tereesa sa narinig. Humugot ito ng malalim na paghinga. Nakataas ang kilay na binalingan ang babae. Handang bugahan ito ng apoy. Ngunit, mabilis si Andrew. Bago pa man bumuka ang bibig ng dalaga ay naiharang na nito ang sarili sa babaeng kaharap.

"No. She's not my maid."Umiling ito. "She's my wife."

"Wife?!" Malakas ang boses ni Olga. Sinilip pa nito si Tereesa. "Siya?" Nanliit ang mga mata nito.

"Yes!" sagot ni Andrew.

"Mukhang manang, ah," komento nito. "Tara na nga, Kuya Jun!" tawag nito sa driver at umalis.

"Aba't!" Si Tereesa na pilit nilalabanan ang yakap ni Andrew. Matalim nitong pinagmasdan ang papalayong pigura. "She called me pangit? How dare her!" She was in rage. Gusto niyang pagsasampalin ang talipandas na babae.

"Hindi naman totoo iyon." si Andrew na pilit siyang pinapakalma.

Tereesa stopped. Sinuri nito ang sarili.

She was wearing her yellow sleeveless floral maternity dress. Hanggang tuhod ang haba niyon at ruffled sa dulo. Pinaresan niya iyon ng flat sandals na bumagay sa kaniyang summer cap na suot. Her hair swayed naturally because of the wind. Wala man siyang make-up sa mukha, ngunit litaw pa rin ang natural na ganda lalona't mas pinatingkad iyon ng mapulang labi.  

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon