Kabanata 32

9.3K 374 20
                                    

Napangiwi si Andrew nang idiniin ni Tin ang hawak nitong bulak sa may pasa niyang pisngi. Sinimangutan niya ang babae at sinaway ngunit irap ang tanging naging tugon nito. Napabuntonghininga na lamang siya at tiniis ang walang ingat na ginagawa nito.

"I can't believe you, Kuya. Hindi mo nga hinahayaan si Kuya Bernard na bangasan ka, pero ibang tao, ayos lang? Nag-iisip ka ba?" Puno ng sarkasmo ang tinig ng babae. Napailing din ito na para bang hindi makapaniwala sa nangyari sa kaniya.

Hindi sumagot si Andrew. Hinayaan niyang matapos ang pinsan sa ginagawa at iwan siya para kumuha ng ice pack para sa kaniya. Nakasimangot pa rin ito at galit, pero halatang nag-aalala. Ayaw niyang magsalita dahil alam niyang tama ito.

Totoong hindi siya nag-isip nang sumama sa mga bodyguards ng mga Esquevel. Ang simpleng pagsisante sa kaniya ng ama ni Tereesa ay naging daan kung bakit binugbog siya ng mga ito. Sa kaniya naibuhos ng mga tauhan ang inis dahil napagalitan ng Don. Kung tutuusin, kaya niya ang mga ito kung hand to hand combat ang laban, ngunit armado ang mga lalaki. He couldn't take risk of his own life.

"Oh, magkape ka muna. Kung hindi pa kita dinalaw rito sa condo mo, hindi ko malalaman ang nangyari sa 'yo," inis pa rin na wika ni Tin. "Ano'ng plano mo ngayon, Kuya? I know what happened between you and Tereesa. The Esquevel heiress is about to be wed. Tapos sa lahat pa ng tao kay Barry pa." Umiling ito. "It's ridiculous!"

Nakikinig lamang si Andrew sa lahat ng sinasabi ni Tin. Malalim na nag-isip. Hindi na dapat niya hayaan ang lahat sa kung ano ang mangyayari sa susunod. He should do something because things might get complicated if he would not make a move on his own.

Sawa na rin siya sa mga dikta ni Barry at ng iba pa niyang kaibigan. He had enough of them. Panahon na rin para siya naman ang lumaban sa paraan na alam niya. Na nararapat lamang dahil iba na ang sitwasyon nila ni Tereesa. Their connection was stronger now.

"I have a request for you, Kristine," wika ni Andrew matapos sumimsim ng kape. Binalingan nito si Tin na nakasimangot. Alam na kaagad kung bakit. Hindi kasi nito ginagamit ang totoo nitong pangalan.

"What is it?" tanong ni Tin. Kahit papaano ay gusto nitong makatulong sa pinsan.

"Can you contact someone for me?" Determinado ang titig ni Andrew at maging ang mga salita nito. "I think I need him."

"Sino?"

Nang banggitin ni Andrew ang pangalan ng taong gusto niyang kontakin ay napamulagat na lamang si Tin. Hindi nito inaasahan iyon. Matagal na rin mula nang may hindi magandang engkwentro ang dalawa. In fact, kaibigan ito ng mga Guerrero ngunit ilag lamang sa binata. Ganunpaman, sinunod pa rin ng dalaga ang utos.

MAAGA pa lamang ay naghanda na si Andrew para sa isang importanteng meeting. He wore his black Armani tuxedo although he wasn't comfortable, paired with black leather Emporio. An Armani watch on his right wrist and his favourite blue necktie. His hair was clean cut and his face was well shaved. Sadyang pinaghandaan niya ang araw na iyon.

Hinatid siya ni Tin sa lugar kung saan naka-set ang kaniyang meeting. Hindi man ito kumbinsido, ngunit hindi rin naman tumutol. Kahit papaano ay mas nabuhayan siya ng loob. It was now or never for him. Kailangan niyang kumilos bago pa maging mas kumplikado ang lahat.

"Here we go," wika ni Tin. "Nandito na tayo, Kuya." Binalingan nito si Andrew na tahimik lamang sa tabi.

Sa isang Turkish restaurant tumigil ang kanilang sasakyan. Agad na nagising si Andrew mula sa malalim na pag-iisip. Nagpasalamat kay Tin at bumaba ng puno ng kumpinyansa. He walked straight to the restaurant and roamed the place. Hindi nagtagal ay nakita niya ang hinahanap. Walking like a King who owned the place, Andrew approached the man.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon