Kabanata 16

12.7K 503 45
                                    

Hindi halos matingnan ni Tereesa si Andrew sa mga mata nito nang magkaharap ang dalawa habang nakaupo sa sala sa loob ng bahay ni Nanay Melba. Kauuwi pa lamang nila mula sa lawa na kanilang pinanggalingan matapos ang naganap na mainit na sandali sa pagitan nila ng binata. Eksaktong alas-syete ng gabi.

"Hay, naku! Kayong dalawang bata kayo, bakit ba kasi kayo nagpaulan? Magkakasakit kayo niyan." Bakas sa boses ni Nanay Melba ang pag-aalala. Inilapag nito sa kawayang mesa ang dalang tray na may lamang dalawang tasa ng mainit na tsaa.

"Oh, Eesa, kunin mo." Inabot nito kay Tereesa ang isang umusok pang tasa.

"Salamat po, Nanay Melbs," wika ni Tereesa matapos makuha ang tasa. Inilapag niya iyon sa kaniyang harapan.

Palihim niyang sinulyapan si Andrew nang balutin niya ng makapal na jacket na suot ang sarili. Kinuha rin ng binata ang tasa na hinanda ni Nanay Melbs. Seryosong ininum iyon. Bakas sa nakakunot nitong noo na naibsan kahit papaano ang nararamdaman nitong lamig. Dahil kahit na may saplot man ito alam niyang hindi iyon sapat.

Nang matapos si Andrew sa paghigop ng tsaa ay muli siyang binalingan ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata. Ilang sandali siyang hindi nakahuma bago nakuhang ibaling sa ibang direksyon ang paningin. She blushed profoundly. Thinking about what happened to them made her heart flutter in unexplainable feeling. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maisip kung bakit humantong sila sa ganoong tagpo.

'Gusto mo naman!' hiyaw ng mahadera niyang utak.

Tumikhim si Tereesa at umiling. Ano ba'ng pumapasok sa utak niya at laging si Andrew na gumagalaw sa kaniyang ibabaw ang lagi niyang nakikita? Fuck! She couldn't even deny to herself that she enjoyed while doing it in the mud. Ang maarteng katulad niya ay napahiga ni Andrew sa putikan nang walang kahirap-hirap. At dinala sa langit ng ilang ulit.

"Can I talk to you now?" It was Andrew in his baritone voice. Nang balingan ito ni Tereesa ay nakita niya ang kaseryosohan sa mga mata nito. Wala na si Nanay Melba dahil nagpaalam na itong umalis nang hindi niya napapansin. Sila na lamang dalawa ni Andrew ang naroon. And the awkward silence between them was slowly rising.

"A-Ano ba'ng pag-uusapan natin?" Tereesa knew her question was stupid. Or maybe, she looked like an idiot in front of him. Dinampot niya ang kape at sumimsim doon. Malamig na ito nang hindi niya napapansin. Papaano naman kasi gagana ang utak niya kung ang kaharap niya ay ang binata at ang laman nito ay ang nangyari sa kanila?

Andrew smirked. Bakas sa mukha ng binata ang pinipigilang pagkaaliw sa nakikitang reaksiyon ng dalaga. "Why are you hiding?" tanong nito kapagkuwan.

Tereesa got appalled. Ilang segundo itong hindi nakaimik. Nang sa wakas ay nahimasmasan ito mula sa pagkabigla ay napayuko na lamang ito. There was no way she could still hide her true identity to him. No way of pretending and lying. Bistado na siya sa kaniyang pagpapanggap.

Napabuntonghininga siya. "Family matters. . ." panimula niya.

In a soft voice, Tereesa explained to Andrew. Habang nagsasalita ito ay panay lamang tango ang binata. He was listening intently while his fingers were under his chin. Wala naman talaga itong pakialam kung sino at saan nagmula ang dalaga. All he wanted to know was why she was in Hot Men Society party the last time. Kung bakit ito nasa elevator at tila wala sa sarili.

Did she recognize him? Did she remember what happened between them? Alam ba nitong siya ang lalaking kasama nito sa elevator? Maraming tanong ang gumugulo kay Andrew. Maging ito ay hindi makapaniwala sa nalaman. Kaya pala pamilyar ang dalaga sa kaniya dahil ito nga ang babae. But, why did Tereesa skipped the elevator part? She didn't mention anything about him. Maaari kayang hindi siya nito nakilala?

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon