Kabanata 4

15.6K 526 45
                                    

Hacienda Guerrero
Present. . .


Mariin ang pagkakatitig ni Tereesa sa lalaking sakay ng itim na kabayo. Kunot na kunot pa rin ang noo nito habang mataman ring pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa. May hindi makapaniwalang tingin. Para bang sinasabi ng mga mata nito na isa siyang baliw dahil nagpapakabasa siya sa ulan.

Dahil sa naisip ay napasimangot siya. Napailing. Niyakap ang sarili at ang backpack na dala. Muli niyang tiningala ang lalaki. Awang ang bibig. Gusto niyang magsalita ngunit tila hanggang dulo lang ng kaniyang dila ang nais na sabihin.

"Sino ka? Bakit nandito ka sa lupain namin?" mariing tanong nito.

Gustong mainis ni Tereesa. Naglaho bigla ang paghanga niya rito. The man's question was inappropriate at the moment. She was freezing cold for heaven's sake. Gusto niyang sigawan ito at sabihing mamamatay na siya sa lamig. But she didn't. Instead, she tried to calm herself and managed to memorize her script.

"C-Can you help-" She stopped midway. Kinutusan ang sarili dahil sa nasabi. "A-Alam mo ba ang hacienda Guerrero? Please po, M-Manong. . ."

Biglang lumundag ang lalaki mula sa kabayong sinasakyan nito. Nagulat si Tereesa kaya natigil ang anumang kaniyang sasabihin. She was looking at him in awe. Para bang namamalikmata lamang siya. Dahil sa paghina ng ulan ay mas lalo niyang napagmasdan ang kabuuan nito habang palapit sa kaniya.

His broad shoulders and tanned skin. His body reflexes and protruding muscles. Idagdag pa ang perpektong pagkakaukit ng pandesal nito sa tiyan. Ito na yata ang nagtataglay ng pinakanakaaakit na katawang nasilayan niya. Alam niyang mali pero pakiramdam niya'y may hatid na kakaibang init sa pakiramdam ang mismong presensya nito. Bigla ay naibsan ang ginaw na kaniyang iniinda.

Ilang dipa mula sa kaniya ay huminto ang lalaki. "Pangalan," seryosong tanong nito.

"Eesa," sagot ni Tereesa. Ang mga mata'y nakatutok sa katawan ng lalaki. Basang-basa rin iyon. Tumutulo pa nga ang mga patak ng ulan sa dibdib nitong taas-baba.

"Heads up!" utos nito nang mapansin kung saan siya nakatingin.

Tereesa abruptly followed. Napahiya siya. She was obviously caught in the act while looking at the man's body. Kung hindi lamang umuulan ay alam niyang makikita ng lalaki ang kaniyang pamumula. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Mas lalo niya rin hinigpitan ang pagkakayakap sa backpack.

"Sakay!"

"Huh?" Tereesa was puzzled. Nakakunot ang noo nang tinitigan niyang muli ang lalaki. "S-Saan?"

Hindi na siya nito sinagot pa. Naguguluhang pinagmasdan na lamang niya ang malapad na likod nito. Sa paghina ng ulan ay saka niya lamang napansin ang tattoo na nakapalibot sa buong likod nito. A tribal tattoo, like vines that were connected to each other. Hindi niya gusto ang lalaking may tattoo sa katawan, ngunit iba ang lalaki. The inked on his skin made him look more attractive.

"Aren't you done checking?" wika ng lalaki. Komportable itong nakasakay sa itim na kabayo habang nakatanghod sa kaniya. "Ride with me before we froze to death here."

Napamaang si Tereesa sa narinig. Alam niya ang ibig nitong sabihin ngunit iba ang naiisip ng mahadera niyang utak. Kinailangan niya pa na pisilin ang daliri para magbalik siya sa katinuan. She shouldn't act dumb but her mind seemed nowhere to find. Pati ang kaniyang logic ay nawawala.

"H-Hindi ako marunong sumakay ng kabayo," pagsisinungaling niya. She secretly bit her tongue. The truth was, she was used to ride horses. Isa kasing equestrian ang pinsan niya at bonding nila kapag free siya ang horse back riding.

"Tsk!" Mabilis na pumanaog ang lalaki. Nilapitan siya nito at walang pasabing binuhat na parang sako. Inayos nito ang kaniyang posisyon sa taas ng kabayo pagkatapos ay ito naman ang sumunod na sumampa roon.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon