Kabanata 13

11.8K 513 44
                                    

Hindi na mabilang ni Tereesa kung ilang beses na siyang napabuntonghininga. Hindi na rin niya maalala kung ilang oras na siyang nakasimangot. Ang alam lamang niya ay naiinis siya. Nagseselos at nasasaktan. She was definitely heart broken.

Seeing Andrew with Laura was something she wasn't prepared of. Halata naman kasi sa kilos ng dalawa na malapit ito sa isa't isa. Nakikita niya sa mata ng babae ang kasiyahan kapag kausap nito ang binata. Even Andrew's eyes were full of adoration while looking at the woman. Ang mas nakalulungkot ay para bang hindi siya napapansin ng binata habang magkasama ang dalawa.

"Bakit naman ang tahimik mo, Eesa? Kwentuhan mo naman ako tungkol sa 'yo," wika ni Laura. Tinapik pa nito ang balikat ni Tereesa.

Magkatabing nakaupo sina Laura at Tereesa sa maliit na barn na nasa loob mismo ng taniman ng mga niyog. Parehong nakatanaw sa mga manggagawa na abala sa kani-kanilang gawain. Ang parteng ito ng hacienda ay ang dulong bahagi kung saan kanugnog na ng Hacienda Vergara. Dinala sila roon ni Andrew matapos sabihin ni Laura na gusto nitong kumain ng buko. Dahil doon ay hindi maiwasan ni Tereesa ang makaramdam ng inis sa babae. Kung makaasta kasi ito ay para bang nobya ito ng binata.

Hindi nga ba?

That was the question that kept on popping in her head. Mukhang close naman kasi ang dalawa. Mukhang malalim ang pinagsamahan. Sino lamang ba siya kung ikukumpara dito? The woman too screamed sophistication and class. Natural kung kumilos at walang arte. Hindi kagaya niya na isang reklamador at walang alam. Isang mapagpanggap.

Mas lalo siyang nakaramdam ng inggit dahil sa naisip. Napakababaw niya, oo. She was thinking out of logic too. Umaakto siyang parang kaniya na si Andrew dahil lang sa sinabi nitong liligawan siya. Natatakot siyang maagawan sa isang bagay na hindi naman kaniya. Natatakot siyang mawala ito. She was afraid that after Andrew's confession yesterday, he was just lying to her all along. Kaya nang imbitahin din siya ni Laura para sa “buko hunting” nito ay sumama siya kaagad nang walang pagdadalawang-isip.

"Ayaw mo ba sa akin, Eesa? Napapansin ko kasi na kanina pa ako salita nang salita rito pero hindi ka naman sumasagot." Malungkot ang boses ni Laura.

Bigla, na-guilty si Tereesa dahil doon. Nilingon niya ito at kiming nginitian. "S-Sorry. Ano nga 'yong sinasabi mo?" tanong niya.

Natawa ito. "See? Hindi ka pala nakikinig. Pasensya na. Masyado talaga akong FC," sagot nito.

"FC?" Naguluhan siya sa ginamit nitong termino.

"Feeling close," mabilis na sagot ni Laura.

Tumango si Tereesa. She apologetically said, "Sorry." Lihim itong napabuntonghininga pagkatapos.

"Ayos lang. Hayaan mo na." Tumayo si Laura. "Puntahan na lang natin si Andrew. Bored na kasi ako rito." Nagsimula itong maglakad.

Tumayo rin si Tereesa at sinundan ito.

"Alright," sang-ayun niya.

Habang naglqlakad, maraming damo ang kanilang nadaraanan. Iba't ibang klase iyon. Mayroon ring mga ligaw na bulaklak. Napakatahimik ng paligid at tanging huni ng mga ibon sa himpapawid lamang ang maririnig, para bang nagkakasiyahan ito dahil sa maaliwalas na panahon at bughaw na kalangitan. Sumasabay sa malamig na simoy ng hanging Amihan.

"Magandang araw, Mayora," bati kaagad ng kabo sa kanilang pagdating, na'kay Laura ang tingin. Sinulyapan din si Tereesa ng matanda. "Magandang araw rin sa 'yo, Eesa." Ngumiti ito na sinuklian naman niya ng isang tipid na ngiti rin.

"Magandang araw naman po, Nanay," magalang na sagot ni Laura.

Humalo ang dalawa sa grupo ng mga trabahanteng abala sa pagpulot ng mga berdeng niyog. Kaagad na hinanap ni Tereesa sa kaniyang mga mata si Andrew ngunit hindi niya makita ang binata. Nagtaka siya. Kasama kasi nila ito kanina kaya imposibleng mawala ito. Gusto niyang magtanong pero pinigilan niya ang sarili. Pinilit na lamang na makihalubilo sa mga naroon.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon