Kabanata 7

13.9K 512 33
                                    

Nanatiling nakahiga si Tereesa sa kama, tinatamad siyang bumangon para sa nakasanayang routine. Paulit-ulit din siyang napabuntonghininga. Hindi siya mapakali. She felt nervous and excited at the same time. Mabuti na lamang at hindi niya kasama si Nanay Melba dahil tiyak pagagalitan siya nito.

Hawak ang mumurahing cell phone na may casing na blue ay sinilip niya iyong muli kung may mensahe na ang kaibigan. Wala. Dismayado niyang binitiwan ang cell phone. Baka naman niloloko lamang siya ni Krist nang sabihin nitong tatawag sa kaniya? Ilang oras na rin ang nakalipas sa itinakdang oras na napag-usapan nila ng kaibigan. Or maybe, Krist forgot about she said.

Sa naisip ay napailing si Tereesa. Ilang araw na rin mula nang hindi ito magparamdam. Minsan lamang din ito mangumusta at tatawag. Puro maikling usapan at balitaan ang tangi nilang nagagawa. She felt lonely and sad. She even blamed her friend for giving her an old model phone. Hindi niya tuloy alam kung ano ang nangyayari sa loob ng Metro. Because somehow she wanted to check the trend and to spy her family's social media account. Mas madali sana ang buhay niya.

Tamad niyang inilapag ang aparato. Iwinaglit niya sa isip na tatawag pa ang kaibigan. Mabilis siyang bumangon at inayos ang kinahihigaan. Isang kumot lamang iyon at unan. Pagkatapos ay tinungo niya ang nakasabit na tuwalya sa tapat ng bintana at kinuha iyon. Pumasok siya sa banyo at naligo.

Hindi nagtagal ay natapos ang dalaga sa pag-aayos sa sarili. Tulad ng dati, suot pa rin nito ang makapal na salamin sa mata. Hinayaan niyang nakalugay ang basang buhok. Suot ang itim na Adidas jogging pants at jacket na pinarisan niya ng sneakers ay lumabas siya ng silid. Kipkip ang cell phone sa bulsa.

"Good morning, Nanay Melbs," bati niya nang madatnan si Nanay Melba sa kusina. Nanay Melbs ang gusto nitong itawag niya rito. Masyado raw kasing makaluma ang pangalan nitong Melba. Natawa siya nang sabihin nito iyon ngunit sumang-ayon din kalaunan.

Nilingon siya ni Manang Melba nang may ngiti sa labi. "Magandang umaga din sa 'yo, 'Nak. Magkape ka na."

"Hindi na po. Late na ako sa pupuntahan ko." Sinilip ni Tereesa ang bintana. Mag-a-alas-otso ng umaga kaya mataas na ang sikat ng araw. Napasimangot siya sa naisip na hindi niya maaabutan si Andrew sa kwadra ng mga kabayo. Ilang araw na rin kasi itong hindi niya naaabutan doon.

Nagpasya ang dalagang umalis ng bahay. Tinungo kaagad nito ang kwadra. Tulad ng mga nakaraang araw ay tahimik na ang buong lugar. Tanging ang iilang tagapag-alaga lamang ng kabayo ang naroon. Abala sa pagpapaligo at pagpapakain sa mga hayop.

Sumimangot siya. Naglakad rin patungo sa gilid ng bahay ng mga Guerrero. Hindi niya maiwasang malungkot habang tahimik na nag-iisip. Iniiwasan ba siya ni Andrew? Bakit? Wala naman siyang maalalang kasalanan dito. In fact, they were getting along pretty well. Nag-uusap silang dalawa ng maayos na para bang matagal na silang magkasama, kaya bakit naman ito iiwas sa kaniya?

Naguguluhan siya. Ipinasya niyang kakausapin ang binata. Dahil kung hindi, baka mabaliw siya kaiisip.

Sa biglang pananamlay ay mas pinili niyang magtungo sa taniman ng mga bulaklak. Kahit papaano nang marating ang lugar ay guminhawa ang kaniyang pakiramdam. The natural flower scent made her at ease. It calmed her senses for a while. Hinatid siya ng naggagandahang iba't ibang kulay sa kapayapaan.

Masyadong mahirap para sa kaniya ang mga nakalipas na araw. She missed her family so much. Her mom and dad. At ang nakasanayang buhay sa Metro. The limelight and her work. But she couldn't do anything but to endure the consequences of her action. Her father's wrath and her family's frustration towards her. Isa pa, hindi pa siya baliw para bumalik at magpakasal sa taong hindi niya kilala.

Gayunpaman, nalungkot siya nang sabihin ni Krist kung gaano na-disappoint ang kaniyang abuela sa kaniya. Ilang araw siyang naging matamlay dahil doon. Nasaktan. And Andrew was her way of escaping. Para makalimot sa lungkot. Kaya nalulungkot siya sa isiping umiiwas ito sa kaniya.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon