Kabanata 24

10.7K 382 15
                                    

Matapos kausapin ni Andrew si Laura ng ilang sandali ay sabay na nagtungo ang binata at si Tereesa sa kuwadra ng mga kabayo. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang naglalakad. Halos hindi mapaghiwalay. Banayad at payapa ang hanging panghapon ngunit mas banayad ang pakiramdam na dulot ng kasiyahan sa puso ng dalawa. Halatang kuntento at masaya. Para bang nakadepende ang kasiyahan sa isa't isa. 

"Bakit si Toro lang ang sasakyan natin?" tanong ni Tereesa kay Andrew. Nakataas ang kilay nito. Nakahalukipkip.

Nagtaka si Andrew. Kumunot ang noo. "You don't know how to ride horses right? I will teach you now," sagot nito.

Napangisi si Tereesa. Napailing. She walked towards a white horse that was in the edge of the stable. Hinaplos niya ang ulo nito na agad namang ikinaungol ng kabayo, at natawa nang marahan. She looked at Andrew who was eyeing her intently. May hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha nito.

She smiled at him. "Want a race?"

Tereesa was obviously challenging Andrew. The way she looked at him, it was as if she didn't want to hear him say no.

"Akala ko hindi ka marunong mangabayo." It was a statement and not a question from Andrew. Hindi pa rin ito kumbinsido.

Itinaas ni Tereesa ang kamay. She flipped her hair and chuckled softly. Kinindatan nito si Andrew na halatang hinahamig ang sarili kung papayagan ang dalaga sa suhestiyon nito o hindi.

"Sometimes you need to act idiot just to catch someone's attention," Tereesa said. "'Di ba, effective, Manong? I got your attention that time. Bonus na ang mahawakan ka."

Tereesa said the last words sensually. Nang-aakit. Kapagkuwan ay binalingan nito ang puting kabayo. Ilang sandali na tinitigan at hinaplos iyon hanggang sa napagpasyahan nitong hilahin iyon palabas ng kuwadra.

Nagpasalamat ang dalaga dahil akma ang suot niyang itim na jeans at polo shirt na pinaresan ng  itim ding boots sa date na sinasabi ni Andrew. Hindi naging mahirap sa kaniya ang sumakay sa kabayo. She kicked the horse slowly and it started walking to Andrew's direction who was still in awe seeing her riding a horse like a skilled equestrian.

"Bilib ka na sa akin?" Tereesa teased. She pulled the lead to make the horse stopped in front of Andrew. Gumilid siya at ibinaba ang ulo upang magpantay ang mukha nila ng binata. "Mas lalo ka bang na-in love sa akin, Manong?" She kissed him. "Beat me and I will give you some reward."

Napamura si Andrew nang magsimulang patakbuhin ni Tereesa ang kabayo. Sinundan nito iyon ng tingin habang tigagal pa rin. And when he was back to his senses, she was already out of sight. Mabilis pa sa alas-kuwatro na kinuha niya ang kabayong si Toro sa kuwadra nito. Sumukay roon at mabilis ding nagpatakbo.

He should not allow Tereesa to be out of his sight. Isipin pa lamang na ang kabayong sinakyan nito ay ang pinakamatigas ang ulo sa lahat ng Thoroughbred na mayroon ang hacienda, naghuhurumentado na ang kaniyang puso. Takot at kaba para sa dalagang matigas ang ulo ang kaniyang nadarama. Pangamba para sa kaligtasan nito.

Kung bakit naman kasi nakakaakit itong pagmasdan nang haplusin nito ang puting kabayo habang sumasabay sa mabining hangin ang nakalugay nitong buhok ay hindi niya alam. Tila siya siya nahipnotismo ng walang kahirap-hirap dito. Daig niya pa ang naengkanto rito nang hindi man lamang nito alam. At hindi niya maikakailang natulala siya sa nakita. Bumilib.

Umiling siya. Pilit na iwinawaksi sa isip kung gaano siya kabaliw kay Tereesa. Na sa kahit simpleng kilos nito ay nakabibighani na sa kaniya. Fuck! He was fucked up. Daig niya pa ang teenager kung umasta kapag kasama ito. There was no doubt that he was so in love with her.

'Stop yourself, fool. She's in danger!'

Sa naisip ay mas lalong humigpit ang hawak ni Andrew sa renda ng kabayo. Luminga siya sa paligid. No trace of Tereesa. "Shit!" malakas na mura niya. Sinipa si Toro nang marahan. "Bilis Toro! Bilis!" he shouted. Her voice echoed the place.

HMSS: TAMING THE HOT FARMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon