It's been 2 days after Troy left her and true to his word, nag-file na nga ito ng annulment and his lawyer is at her office right now to have her sign it.
"Ms. Legazpi, Mr. Buenavides sent me to bring the annulment papers to you. Just sign it and everything will be yours. Wala ng hinihingi pang iba si Mr. Buenavides kundi ang kalayaan niya." Sabi ng abogado nito sa kanya.
Malungkot siyang ngumiti sa sinabi nito. It's supposed to be their 11th Wedding Anniversary today. Pero hindi man lang nito naalala yun at talagang tinaon pa nito ang pagpapapirma ng annulment papers sa kanya sa mismong araw na 'to.
Nagpupuyos na siya sa galit pero hindi niya idadamay ang abogado dahil sa ginagawa lang naman nito ang trabaho nito.
"I will not sign that papers, Atty. Mendez. I will not give him the satisfaction to be with his b*tch! Sabihin mo sa client mo yan. Now, if you have nothing else to say, please leave. Marami pa akong gagawin." Mariin niya namang sabi sa abogado.
Bumuntong hininga naman ito saka malungkot siyang tinitigan.
"I will leave the annulment papers to you. Kapag handa ka na, just sign it and send it back to my office. I'm so sorry about this, Amara. I tried to change his mind but he's really determined. I think it would be best kung hihiwalayan mo na lang siya at ng makalaya ka na rin. You're still young para sayangin mo ang oras mo sa kanya." Malungkot na sabi naman nito sa kanya bago ito tuluyang lumabas sa opisina niya.
Atty. Mendez is also their family friend. Isa nga ito sa Ninong nila sa kasal at alam niyang kinausap talaga nito si Troy tungkol sa gustong mangyari ng asawa niya, pero wala din naman itong magagawa sa naging desisyon ng asawa niya.
After he left, saka niya lang hinayaan ang mga luhang kanina niya pa pinipigil.
Sobrang sakit na talaga ng ginagawa ng asawa niya sa kanya pero hindi siya susuko. She'll do everything just to fight for him dahil alam niyang iyon ang ipinangako niya ng magpakasal sila.
Ng umalis si Troy, sobra-sobra ang naramdaman niyang galit para dito. Halos isumpa nga niya ito dahil sa nagawa nitong pangloloko sa kanya. Pero sa kabilang banda ay naiintindihan niya rin naman ang nararamdaman nito.
Hindi niya ito mabigyan ng anak kaya naisipan nitong humanap ng iba. Sobrang sakit nun para sa kanya pero kailangan niyang magpakatatag dahil tama naman ito. Siya talaga ang may problema kaya kahit masakit, ipaglalaban pa rin niya ang asawa niya.
Troy might be losing his track right now, pero alam niyang nabibigla lang ito sa mga ginagawa nito ngayon. Maybe he's confused and he just needed some time to think.
Yun ang isinaksak niya sa utak niya ng araw na umalis ito para hindi siya tuluyang mabaliw.
Nagmumukha man siyang desperada para dito pero susubukan pa rin niyang isalba ang marriage nila.
This is very important to her and she just wouldn't give him up until she can say to herself na ginawa niya na ang lahat.
Ng maramdaman niyang medyo kumalma na siya ay kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang asawa niya.
Pero tulad ng nangyari sa mga nakaraang araw ay hindi nito sinagot ang tawag niya. Then she decided to send him a text instead.
BINABASA MO ANG
Wounded Wife's Revenge
RandomAmara is married for almost 11 years with Troy Buenavides, her childhood friend and schoolmate. Naging masaya siya sa married life niya kahit maaga siyang nagpakasal sa lalaki. They've been through a lot of struggles, but they surpassed it all hand...