Hindi mapigilan ni Amara na hindi umiyak. Sa pangalawang pagkakataon, iniwan na naman siya ni Troy.
Ngayon na binigyan niya ito ng pagkakataon para bumawi sa kanya, saka naman siya nito iniwan.
Akala niya kaya niyang magpanggap na kaya niya lang ito ginagawa ay dahil gusto niyang gumanti dito at kay Victoria. Pero hindi niya naman pala maloloko ang sarili niya.
Ngayon, nakumpirma niya na kaya niya hinayaang may mangyari sa kanila dahil may nararamdaman pa rin siya dito.
Akala niya sa pagkakataong ito, siya naman ang pipiliin nito pero nagkamali siya.
Mas matimbang pa rin si Victoria sa puso nito. Pero bakit ang sakit sakit kahit inihanda naman niya ang sarili niya dito?
Naputol naman ang malalim niyang pag-iisip ng makarinig siya ng mahinang katok sa pinto ng cabin niya.
"Amara, dinalhan kita ng pagkain. Ilang araw ka ng hindi lumalabas. Pwede ba buksan mo na itong pinto? Kausapin mo naman ako." Narinig niyang sabi ni Bianca sa labas ng pinto.
Huminga siya ng malalim at saka bumangon sa kama niya at pinagbuksan ito ng pinto.
Agad naman itong pumasok at inilapag ang pagkaing dala nito sa mesa ng kwarto niya.
"Do you want to talk about it?" Malungkot na tanong nito sa kanya.
"Bakit ba ang unfair niya? Siya naman ang may gusto nito pero bakit sa huli iiwan lang din niya ako ulit?" Naluluha naman niyang tanong sa kaibigan niya.
Agad naman siya nitong niyakap.
"Amara, pasensya ka na. Hindi ko din alam ang isasagot diyan pero baka natakot siya o baka dahil naisip niya si Alex kaya nagbago ang isip niya." Malungkot na sabi nito.
Ng maisip niya ang anak ni Troy, mas lalo siyang nalungkot. Bakit ba hindi niya naisip ang anak nito?
Alam niyang tama ang kaibigan niya. Ngayon, hindi na lang pala si Victoria ang maapektuhan sa nangyari sa kanila ni Troy kundi ang anak din nito.
Dahil sa kagustuhan niyang makapaghiganti, ay nakalimutan niya ang musmos na bata na maari ding masaktan sa ginagawa niya.
Pero ganun din ang ginawa ng taong may pakana sa nangyari sa kanya. Dahil sa taong iyon ay namatay ang anak niya. Nawala ang pamilyang pinangarap niya!
Pero hangga't wala siyang pruweba na si Victoria nga ang may pakana ng lahat ng ito ay hindi siya pwedeng magpadalos dalos.
Matagal siyang naghirap para maisakatuparan lahat ng plano niya kaya hindi siya susuko.
Dahil sa naisip ay bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sa kaibigan niya. Nakita naman niya sa mukha ng kaibigan niya ang pagtataka.
"I have to pursue him, Bianca. Hindi pwedeng hindi ko mapagbayad si Victoria kung siya nga ang may pakana ng lahat ng nangyari sa akin at sa anak ko. Matagal akong naghirap para magawa ito kaya hindi ako susuko." Galit na sabi niya sa kaibigan niya.
"Sigurado ka bang ginagawa mo lang ito para dun, Amara? Nakita ng dalawa kong mata na may nararamdaman ka pa rin para kay Troy. Sigurado ka bang itutuloy mo pa rin ang plano mo?" Nag-aalalang tanong naman sa kanya ni Bianca.
"Oo, tama ka. Hindi ko na itatanggi na may nararamdaman pa rin ako para kay Troy. Akala ko rin wala na akong nararamdaman para sa kanya pero nung mga nakaraan na nakasama ko siya, naramdaman ko Bianca. Bumalik siya sa Troy na kilala at minahal ko. Kung noon ipinaubaya ko siya, ngayon handa akong ipaglaban kung ano man itong nararamdaman ko para sa kanya. Alam kong pareho kami ng nararamdaman. Alam kong mahal pa rin niya ako." Malungkot na pag-amin niya sa kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Wounded Wife's Revenge
RandomAmara is married for almost 11 years with Troy Buenavides, her childhood friend and schoolmate. Naging masaya siya sa married life niya kahit maaga siyang nagpakasal sa lalaki. They've been through a lot of struggles, but they surpassed it all hand...