After nilang maghapunan ay patuloy pa rin silang nagkwentuhang magkakaibigan. Excited ding ibinigay sa kanya ni Bianca ang mga pasalubong nito sa kanya.
"Yan siguradong sexy ka sa damit na yan. Naku! Yan ang suotin mo pagpunta mo sa court para lalong magsisi ang kumag na yun!" Inis na sabi ni Bianca na ikinatawa naman nila ni Prince.
Sobrang baba kasi ng neckline ng damit na yun at sigurado siyang n*pples niya na lang ang matatakpan kapag sinuot niya ang damit na yun.
Loka-loka din talaga itong kaibigan niya pero wala eh mahal niya pa rin ito kahit minsan ay pinapasakit nito ang ulo niya.
Bigla naman silang natigilan sa pagtawa ng biglang may kumatok sa pinto.
Nangunot naman ang noo niya dahil wala naman siyang inaasahang bisitang darating bukod sa mga kaibigan niya pero baka yung kapitbahay niya lang yun kaya nagkibit-balikat na lang siya. Akma naman siyang tatayo ng pigilan siya ni Prince.
"Ako na lang ang magbubukas." Nakangiting sabi nito na tinanguan niya lang at saka bumalik sa pagbubukas ng mga pasalubong.
Pero natigilan ulit siya ng marinig ang pamilyar na baritonong boses na kausap na ni Prince sa pintuan.
"Is Amara here?" Narinig niyang sabi ni Lorenzo.
"Who's asking?" Seryosong tanong naman ni Prince dito at agad naman silang tumayo ni Bianca at pumunta sa pinto.
"Lorenzo? What are you doing here?" Naguguluhang tanong naman niya ng tuluyang makita kung sino ang dumating.
"I was calling you but you didn't answer so I got worried. You might have fainted again." Sabi naman nito habang kinakamot ang batok na ikinatawa niya naman.
"Come on, let's go inside." Sabi naman niya sa lalaki at saka iginiya ang mga ito pabalik sa sala.
"Guys, meet Lorenzo Lombardi, my friend. And Lorenzo, these are my lunatic yet amazing friends, Bianca Prieto and Prince Salvador." Nakangiti niyang pagpapakilala sa kanila ng tuluyan silang makaupo sa sala.
"It's nice to finally meet the two of you. I've heard a lot about you guys." Nakangiting sabi naman ni Lorenzo habang kinakamayan ang dalawa.
"So, you two are friends?" Nakataas ang kilay na tanong naman ni Bianca sa lalaki.
"Yes we are." Nakangiting sagot naman ni Lorenzo habang mataman siyang tinititigan ng lalaki.
"Hmm. Funny, I'm her bestfriend but she didn't mention you, so?" Baling naman ni Bianca sa kanya habang nakataas pa rin ang kilay.
"Naku, oo nga pala. Pasensya na sa dami kasing ganap hindi ko na naikwento sayo." Naiilang naman na sagot niya sa babae. Pero pasimple niya naman itong sinenyasan na magkukwento siya sa ibang pagkakataon at inirapan naman siya nito.
"Anyway, have you eaten yet? I've cooked dinner." Nakangiting sabi naman niya kay Lorenzo.
"I've already eaten but I won't miss your cooking. Would it be okay if you join me?" Nakangiting sagot naman ng lalaki sa kanya na agad naman niyang nginitian ng matamis pero ng maalala niyang kasama nila ang mga kaibigan ay tatanggihan niya sana ito pero bigla namang sumingit si Prince.
"Sige na samahan mo na siya. Magpapahinga na kami ni Bianca dahil may jetlag pa din naman ang babaeng 'to." Sabi naman ni Prince at agad na inakbayan si Bianca na natigilan sa ginawa ng lalaki.
Pero ng makabawi ito ay mabilis naman siya nitong binalingan at pinandilatan.
Alam niyang marami siyang dapat i-explain dito pero hindi ito ang tamang oras kaya nginitian niya na lang ito habang iginigiya ito ni Prince papunta sa mga kwarto nila.
BINABASA MO ANG
Wounded Wife's Revenge
RandomAmara is married for almost 11 years with Troy Buenavides, her childhood friend and schoolmate. Naging masaya siya sa married life niya kahit maaga siyang nagpakasal sa lalaki. They've been through a lot of struggles, but they surpassed it all hand...