Chapter 15

109 3 0
                                    

Nakatulala si Amara habang nakatingin sa labas ng eroplano. Hindi niya alam kung matutuwa siya dahil dumating na ang araw na pinakahihintay niya o malulungkot dahil iniwan niya si Lorenzo sa Italy. Napabuntong-hininga siya ng maisip ang pamamaalam niya dito.

Alam niyang malungkot ito dahil matagal tagal silang maghihiwalay at ganun din naman siya, but he tried to hide it to her. 

He keeps reassuring her that everything will be fine but she can't erase the fact that something bad might happen to her sa muli niyang pag-uwi.

Ilang beses din niyang kini-question sa sarili niya kung tama ba ang naging desisyon niya na gumanti pa sa mga taong nanakit sa kanya. Pero sa tuwing maiisip niya ang mga nangyari dalawang taon na ang nakakalipas ay namamayani ang kagustuhan niyang madakip ang taong sumira sa buhay niya.

She can't just let them live their lives while she's still suffering from grief of losing her child. Hindi rin niya makasama ang pamilya at mga kaibigan niya sa Pilipinas dahil sa kagagawan ng taong yun.

In their eyes, Amara is dead at tanging si Prince at Bianca lang ang nakakaalam ng totoo. Nawala lahat ng pinaghirapan niya dahil sa taong gumawa nito and he or she has to pay for it.

For the last two years, Prince and Bianca kept her updated sa mga nangyayari sa pamilya niya. Alam niyang umalis na ng bansa ang kapatid niya para magtrabaho at naiwan ang adoptive mother niya na namumuhay kasama lang ng iba pa nilang kamag-anak.

She should have been there for her. She should be taking care of her especially that she's getting older but she had to hide from them for them to be safe. Napakasakit nito sa kanya pero kailangan niya itong gawin para sa kanila.

Nawala rin sa kanya ang kompanyang pinaghirapan niya dahil sa nangyari. Buti na lang at nakagawa siya ng will at nai-transfer ito kay Denisse at Bianca. Sila ang nagmamanage ng negosyong dugo't pawis niya ang puhunan imbes na si Troy dahil conjugal property sana nila ito.

She wanted to go back to her old life and the only solution to that is to imprison who did all this to her. Yun lang solution sa lahat ng ito.

Napahugot siya ng malalim na hininga sa naisip at mariing ipinikit ang mga mata.

"Everything is going back to normal once your done. Kaya huwag kang sumuko! Kailangan mong maging matatag, Amara." Sabi niya sa sarili.

Ilang minuto din siyang nanatiling nakapikit at hindi niya namalayan na nakatulog siya.

Makalipas ang ilang oras, nagising siya habang bahagyang niyuyog ng personal assistant at head bodyguard niyang si Phoenix ang balikat niya.

"Lady Amelia, we're here." Sabi nito sa kanya ng magising siya na tinanguan niya naman.

"Thank you, Phoenix." Maikling sabi niya dito at saka nginitian ito.

"The car is waiting for us outside." Muling imporma nito sa kanya na tinanguan niya naman ulit.

Agad niyang inayos ang sarili at tumungo sa pinto ng eroplano. Agad niya namang nakita ang malapit na limousine na sasakyan nila patungo sa binili nilang bahay dito sa Pilipinas habang pumapanhik siya sa hagdan ng eroplano.

It's already dark outside but she's not worried since marami siyang bodyguards na kasama na naging alarmado ng makita siyang pumapanhik pababa ng eroplano.

Agad naman siyang iginiya ni Phoenix sa loob ng kotse ng tuluyan siyang nakababa ng eroplano.

Ng tuluyan silang makapasok sa limousine ay nakita naman niyang sumakay ang mga bodyguards niya sa loob ng itim na kotse at nakasunod ito sa sasakyan nila.

Wounded Wife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon