Chapter 6

149 3 1
                                    

Nagising si Amara dahil sa pagkalam ng tiyan niya. Hindi na kasi siya nakakain kagabi dahil tuloy-tuloy na siyang nakatulog. Agad naman siyang pumunta sa kusina para maghanda ng agahan niya.

Pagkatapos niyang kumain ay nagpasya siyang lumabas para maglakad-lakad sa dalampasigan. The peaceful scenery in her beach house is somewhat calming her at gusto niyang sulitin yun.

Paglabas niya ng bahay ay nakita niyang unti-unti ng nagliliwanag dahil lalabas na ulit ang haring araw. Maihahalintulad niya ito sa sarili niya na muli na namang babangon pagkatapos ng madilim na nangyari sa kanyang buhay. Dahan-dahan siyang naupo sa dalampasigan at huminga ng malalim habang pinagmamasdan ang kulay kahel na langit.

Alam niyang hindi magiging madali ang tatahakin niyang landas dahil nasanay na siyang palaging kasama ang asawa niya pero kailangan niyang bumitaw para maging masaya din siya sa buhay niya.

Choosing to be with Troy will cause her so much pain and she doesn't want that anymore. Kailangan niya ng palayain ito at ang sarili niya kahit pa masakit at mahirap ito para sa kanya.

Kahit kasi hindi niya aminin, matagal na din siyang hindi naging masaya sa piling nito at ayaw niya ng manatiling miserable ang buhay niya habang ito ay nagpapakasaya ito sa piling ng iba.

Mapakla siyang napangiti sa naisip. Sa totoo lang gusto niyang patayin ang lalaki sa sobrang sakit na dinudulot nito sa kanya.

But that would be a waste of her time. Pumasok din sa isip niya ang magpakamatay, pero agad yung binawi dahil masyado niyang mahal ang sarili niya para gawin yun.

And she settled to her last resort for revenge. To be happy and let God do His wrath on them.

Her deep thoughts was interrupted when her phone starts ringing. She grabs it and she deeply sighed when she saw her best friend Bianca, video calling her. Agad niya naman iyong sinagot at pekeng ngumiti.

"Amaraaaaa!" Masayang sigaw nito na nakapagpatawa naman sa kanya. Just seeing her excited and giddy makes her smile. Buti naman at isa sa kanila ay masaya.

"Hi Bianca! Kamusta ka? I miss you." Sabi niya naman dito habang nakangiti at pilit nilalabanan ang lungkot dahil sa pagkamiss niya dito.

"I'm good! Ikaw? Naku nagtatampo na ako sayo ha? Masyado ka ng busy at hindi mo na ako tinatawagan. And btw, I miss you too! Bruha ka!" Sabi naman nito sa kanya habang parang batang nagmamaktol.

Ngumiti siya sa inakto nito pero agad ding nawala ang ngiting iyon ng maalala ang tanong nito kung kamusta siya.

She wanted to say that she's okay. She wanted to assure her that she's fine. Pero hindi niya kayang magsinungaling dito. Humugot muna siya ng malalim na hininga sa nagsalita.

"Bianca, we're getting an annulment." Malungkot niyang diretsang sabi dito.

Her bestfriend's jaw almost drop to the floor dahil sa pagkabigla. Nung huling pag-uusap kasi nila tinutulungan pa siya nitong mag-isip ng pakulo para sa wedding anniversary nila. Bigla naman niyang nakagat ang ibabang labi niya para pigilan ang sariling umiyak.

"W-what?! Anong nangyari? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Humugot siya ulit ng malalim na hininga at saka inilahad dito ang lahat ng nangyari ng mga nakaraang araw. Hindi na din niya napigilang umiyak dahil masakit pa rin naman para sa kanya ang mga nangyari.

"Ang hayop na yun! Humanda siya sakin pag-dating ko diyan sa Pilipinas! Sasapakin ko talaga ang gagong yun!" Galit na galit na sabi nito ng marinig ang kwento niya.

"Sabihin mo sakin, kinalbo mo naman yung talipandas na babae diba?! Kailan ang libing ng demonyitang yun para makaabot ako at pupulbusin ko siya!" Nanggigil na tanong nito sa kanya.

Wounded Wife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon