Nagising si Amara na mabigat ang dibdib. Another nightmare has bothered her peaceful sleep. She has this nightmare for two weeks now, pero patuloy niya pa rin itong iniinda.
Nilingon niya ang asawang nakatalikod sa kanya at mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. He always sleeps like this now. Dati, halos di na siya makahinga dahil laging gusto nitong kayakap siya, pero unti-unti itong nagbabago ngayon.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pilit pinigil ang luhang nagbabadyang bumagsak sa kanyang mga mata.
"It's just a dream, Amara. Calm down." Sabi niya sa isip niya habang pilit na pinapakalma ang sarili.
Humugot siya ng malalim na hininga at unti-unti itong binuga at saka inabot ang kanyang cellphone.
It's just five o'clock in the morning pero dahil alam niyang hindi na rin siya makakatulog ulit, ay bumangon na siya at pumunta sa kanilang kusina.
Nagtimpla siya ng kape at naupo sa labas ng garden nila.
Dalawang araw na lang at magce-celebrate na sila ng kanilang 11th Wedding Anniversary. Pero bakit ganito ang nararamdaman niya? Anong gustong ipahiwatig ng mga panaginip niyang yun na lagi na lang ginugulo ang isip niya sa mga nagdaang araw?
Iba-iba man ang sitwasyon na nakikita niya sa panaginip niya sa mga nakaraang araw pero isa lang ang tinutumbok niyon, her husband is cheating on her and it's bothering her kahit pa panaginip lang yun.
Humugot siya ng malalim na hininga at mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata habang inalala ang una nilang pagkikita ulit ng kanyang asawa.
----------
12 years ago
"Wala na ba talaga akong mahahanap na matinong lalaki? Lahat na lang kasi gago! Bakit ba kasi ang hilig-hilig ko sa bad boy?! Alam ko namang manloloko sila, pero bira pa rin ako ng bira. Kainis!" Naiinis niyang sabi sa best friend niyang si Bianca habang pinipigilang huwag maiyak.
Narinig niya namang bumuntong-hininga ang kaibigan at saka siya hinawakan sa kamay.
"You will find that person, mag-antay ka lang. Yan kasi, sinabihan na kita dati diba? Hindi ka naman nakikinig sakin. Kailan ba kasi matatanggal yang helmet mo sa ulo?" Sabi nito sa kanya habang malungkot siyang tinititigan.
They've been best friends since highschool at dito siya laging humihinga ng lahat niyang problema. Kahit hindi niya ito kaanu-ano ay parang magkapatid na ang turingan nilang dalawa. Partner's in crime kung baga. Pero minsan, hindi niya maiwasan na hilingin na sana tulad siya ng kaibigan niya.
A strong and independent woman who doesn't give a f*ck about men. Ito kasi ang nang-iiwan sa mga nakakarelasyon nito at marami ring nahuhumaling sa dalaga dahil maganda ito and has a rocking sexy body.
Ngayon nga ay inaantay nila ang isa na naman sa mga manliligaw nito. Hindi kasi ito pinapayagang lumabas ng late kung hindi siya ang kasama, kaya kinailangan niya itong ipagpaalam kahit durog na durog ang puso niya dahil sa ex niyang ginagamit lang pala siya.
Mahigit 3 years niya ring naging ka-relasyon ang bakulaw na yun. Pero ang gago, pinabayaan siya sa ere nung minsang may matindi siyang problema at nalaman niya pang nakipag-inoman lang ito sa mga kaibigan nito at nagsasaya habang halos mapatay na siya ng nanay niya. Hindi lang yun, nalaman din niya na meron itong iba't-ibang babaeng kinakama.
Kahapon lang niya nalaman lahat ng mga pinaggagawa nito sa kanya. Kung hindi pa sinabi ng common friends nila ay hindi pa niya malalaman ang lahat ng kagaguhang pinaggagawa nito sa kanya.
Matagal na siyang sinasabihan ng kaibigan niyang hiwalayan na ito, pero hindi niya ginagawa dahil mahal niya ang lalaki. Ngayon lang siya natauhan at hinding-hindi na siya babalik pa sa lalaking yun pagkatapos ng lahat ng nalaman niya.
BINABASA MO ANG
Wounded Wife's Revenge
RandomAmara is married for almost 11 years with Troy Buenavides, her childhood friend and schoolmate. Naging masaya siya sa married life niya kahit maaga siyang nagpakasal sa lalaki. They've been through a lot of struggles, but they surpassed it all hand...