TROY'S P.O.V.
It's been hours since Troy left Prince's condo but he couldn't sleep. Naguguluhan siya sa nangyari kanina.
It's been the first time that he met Amelia but her effect on him is different and it's confusing him.
Hindi niya alam kung bakit feeling niya, matagal niya ng kilala ang babae eh impossible naman yun dahil taga-Italy ito.
He also saw the shock on her face when she saw him earlier, pero hindi niya alam kung guni-guni niya lang yun dahil ng kumurap siya ay biglang nawala ang emosyong iyon sa mukha ng babae.
Bigla namang bumalik ang isip niya sa realidad ng maramdamang gumalaw sa tabi niya si Victoria.
He looks at his wife sleeping soundly beside him then he suck in a deep breath and slowly breath it out.
Dahil hindi siya makatulog, dahan-dahan siyang bumangon at tinungo ang verenda at tumingin sa kawalan.
Ilang minuto rin siyang nakatulala saka mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at bigla na namang pumasok ang maamong mukha ni Amelia sa isipan niya.
"What the hell is happening to me?!" Pagalit niyang tanong sa sarili.
Then suddenly, a memory flashed back to him when he remembered her smile at him.
Medyo malabo ang mukha ng babae sa isip niya pero malinaw niyang nakikita ang ngiti nito na katulad ng kay Amelia. She was smiling on him while saying her vow.
Bigla naman siyang napamulat sa naalala niya.
"No! My mind is just playing tricks on me! Hindi maaring si Amelia yun dahil si Victoria ang asawa ko!" Galit niyang sabi sa sarili habang mahigpit na nakahawak sa railings ng verenda.
Sobra siyang naguguluhan. Hindi naman niya naiisip ito dati pero bakit ng makita niya si Amelia ay nagsisimula ng guluhin nito ang utak niya?
Then he looks back to his room and he looks at his wife again that's still sleeping soundly.
"It's not possible that I was married before Victoria, right?" Naguguluhan niyang tanong sa sarili habang nakatitig sa asawa niya.
Medyo sumasakit ang ulo niya dahil sa pinipilit niyang maalala ang mga nangyari sa kanya kaya pinikit niya ulit ang kanyang mga mata saka hinilot ang sintido niya.
After the accident, nawalan siya ng memorya sa nangyari. When he woke up, nandoon si Victoria sa tabi niya at gulat na gulat ito ng tanungin niya kung sino ito.
Naalala niya pa ang takot at kaguluhan sa mukha nito ng mga panahong iyon. Even his parents and Prince couldn't believe it.
Ilang linggo din siyang walang maalala pagkatapos ng nangyari sa kanya but after a few weeks, memories came back rushing to him.
He remembers being with Victoria, his college days but other than that, wala na siyang maalala.
At ng sinabi ni Victoria na fiancé niya ito, agad niya itong pinaniwalaan dahil nagdadalang tao ito sa anak nila kahit pa pinasinungalingan ito ng Mommy niya. Nasabi na rin kasi sa kanya ni Victoria na hindi ito tanggap ng mga magulang niya.
Pinakita pa nito ang sing-sing na ibinigay niya rito ng mag-propose siya ng kasal sa babae kaya hindi naman siya nagduda sa lahat ng sinabi nito at mas pinili niyang paniwalaan ito kaya nagalit ang Mommy niya sa kanya at pinabayaan siya nito.
Ng makarecover siya at nakalabas ng hospital, ito na ang laging nag-aalaga sa kanya at hindi naglaon ay nahulog din ang loob niya sa babae at inaya niya na itong magpakasal dahil sa malapit na itong manganak sa panganay nila.
BINABASA MO ANG
Wounded Wife's Revenge
RandomAmara is married for almost 11 years with Troy Buenavides, her childhood friend and schoolmate. Naging masaya siya sa married life niya kahit maaga siyang nagpakasal sa lalaki. They've been through a lot of struggles, but they surpassed it all hand...