TROY'S P.O.V.
Mahigpit ang hawak ni Troy sa manibela habang nagmamaneho ng mabilis. After he went to see Prince, hindi nito napigilang hindi magalit sa nagawa niya at nag-away sila.
He feels so lost after they fought. He just lost his wife and now he's losing his best friend too.
At lahat ng ito ay nangyayari dahil sa katangahan niya.
Wala siyang ibang sinisisi sa mga kamalasang nangyayari sa kanya ngayon kundi ang sarili niya. Dahil hindi niya napigilan ang sarili niya ng akitin siya ng babaeng yun!
Nagpabulag siya sa tawag ng laman and he's losing all the people that is important in his life.
Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi niya namalayan na nakarating na siya sa kanyang destinasyon. Agad siyang bumaba sa kotse niya at binuksan niya ang gate gamit ang sarili niyang susi. Pero natigilan siya ng makitang madilim pa rin ang buong bahay.
Dalawang araw na rin siyang hindi bumabalik dito pagkatapos siyang iwan ni Amara noong nakaraang araw. He thought that she would be back kapag umalis na siya dahil alam nyang ayaw siya nitong makita kaya ito umalis.
Pero ng makita niya na pareho pa rin ang ayos ng bahay simula ng iwan niya ito ay na-realize niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.
"Where the hell is she?" Sabi niya sa sarili habang nakakunot ang noo. Pero alam niyang wala siyang karapatang magalit dito dahil alam niyang siya ang may kasalan sa lahat.
Natigilan naman siya sa pag-iisip sa asawa dahil sa bigla niyang naramdaman ang pananakit ng panga niya kaya pumunta siya sa kusina at kumuha ng frozen peas sa loob ng freezer at saka iyon marahang inilagay sa gilid ng bibig niya at umupo sa stool na kaharap ng island counter. Mariin siyang napapikit habang inaalala ang mga nangyari kanina.
"Alam mo nang naghiwalay kami ni Amara?" Naguguluhang tanong niya kay Prince habang nakakunot ang noo.
Mapakla naman itong tumawa saka sumagot.
"Obvious ba?" Puno ng sarkasmo sa boses nito habang matalim siyang tinitignan at hindi siya nakasagot dahil sa nakikita niyang galit nito.
"Sino ang babaeng kinakasama mo ngayon?!" Galit na tanong nito sa kanya.
Nagpakawala naman siya ng malilim na hininga bago ito sagutin.
"It's Victoria." Mariin niyang sagot dito at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang biglang paghigpit ng pagkakahawak nito sa baso ng brandy na iniinom nito.
He knows that he's going to be mad at him kaya nga hindi niya pinaalam dito ang tungkol sa kanila ni Victoria. Para niya na itong kapatid, pero kailanman ay hindi nito tinolerate ang mga kagaguhan niya.
That's what he loves about him though. Hindi ito ang tipo ng taong laging mag-aamen sa lahat ng sasabihin niya. At lalong hindi ito takot na ilagay siya sa tamang kalalagyan niya kapag alam nitong mali siya.
He also knows that Prince cared for Amara as his sister. Saksi ito noon sa lahat ng pinagdaanan nila at alam nito na mahal na mahal siya ng asawa niya.
Ito nga ang nagsabi noon kay Amara tungkol sa pangloloko niya sa babae ng kasintahan pa lamang niya ang babae. Pero imbes na magalit siya dito ay gusto pa niya itong pasalamatan dahil sa napatino siya ng babaeng pinakasalan niya.
He lives a happy life with her for almost 11 years until he allowed himself to be fooled by his lust and desires. He let it cloud his right mind and now, he doesn't know how to make everything right again. Now that he lost his track again, alam niyang mas lalo itong magagalit sa kanya dahil kasal na siya hindi tulad noon na kasintahan niya pa lang ang babae.
BINABASA MO ANG
Wounded Wife's Revenge
RandomAmara is married for almost 11 years with Troy Buenavides, her childhood friend and schoolmate. Naging masaya siya sa married life niya kahit maaga siyang nagpakasal sa lalaki. They've been through a lot of struggles, but they surpassed it all hand...