Nagising si Troy ng medyo mabigat pa rin ang ulo niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya at pinalibot ang tingin sa silid na kinahihigaan niya.
The smell of strong antiseptic invaded his nose and he instantly know that he's in the hospital.
Then his eyes turns to the woman that's sleeping soundly by his bedside.
Nakatungo ang ulo nito sa brasong nakapatong sa kama niya kaya natatakpan ng buhok nito ang mukha nito. Marahan niya iyong tinabing para makita kung sino ito.
Nagulat naman siya ng mapagsino ito.
"What the hell is she doing here?" Naguguluhan niyang tanong sa sarili habang mataman itong tinititigan.
He feels confused but some part of him feels happy because she stayed beside him. Napangiti siya ng maalala niya pa ang reaction nito kanina ng makita siya nito sa labas ng tailor shop.
Pero muli niyang naalala ang pamilyar na boses na narinig niya bago siya mawalan ng malay. It sounded like the voice of th woman in his dreams.
"Could she be the woman in my dreams? But that's impossible." Sabi niya sa isip pero bigla itong nagising ng maramdaman ng marahan niyang hinaplos ang mukha nito.
"Hey, you're awake. How are you feeling?" Narinig niyang sabi nito sa kanya sa inaantok pang boses.
Ibinukas niya ang bibig niya pero wala namang lumabas na boses doon at dahil dun ay nangunot naman ang noo nito at agad niyang nakita sa mukha nito ang pag-aalala.
"I'll call the doctor and tell him that you're already awake." Agad naman nitong sabi saka dali-daling lumabas ng kwarto niya.
Hindi naman nagtagal at pumasok ang doctor sa loob ng kwarto niya at sinimulan siya nitong suruin.
Sinagot naman niya lahat ng tanong ng doctor sa kanya sa pamamagitan ng pagtango at pag-iling dahil ayaw pa rin niyang magsalita.
"So far, wala naman akong nakitang problema sa result ng laboratories mo, Mr. Buenavides. But you need to rest and stay away from stress. Huwag mo ring pilitin ang sarili mong makaalala dahil baka masyadong ma-stress ang utak mo at ma-comatose ka ulit. I already told you that your memories will come back on their own, kaya huwag mong pilitin. Since wala naman akong nakitang problema sa tests mo, pwede ka ng makalabas mamaya kapag naging maayos na ang pakiramdam mo." Seryosong sabi ng doctor sa kanya na agad naman niyang tinanguan.
Ng lumabas ang doctor agad namang lumapit sa kanya si Amelia.
"I already called Prince and inform him that you're already awake. They asked me to accompany you earlier since they still have a lot of things to do. But I also needed to go because I have an urgent meeting, but I'm really glad that you're already awake." Nakangiting sabi sa kanya ni Amelia.
"Thank you for staying with me, Amelia." Nakangiti rin niyang sagot sa babae sa namamaos na boses. Tumango lang ito sa kanya at saka nagpaalam.
Ng makalabas ito ng kwarto niya ay agad naman niyang ipinikit ang kanyang mga mata niya.
"My mind is really playing tricks on me." Naiiling niyang sabi sa sarili dahil sa na-realize niyang hindi naman kaboses ni Amelia ang babae sa panaginip niya.
Bigla namang naputol ang pag-iisip niya ng marinig na bumukas ang pinto.
"Hey buddy. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Prince sa kanya habang papalapit ito sa kama niya.
"I'm fine. Medyo masakit pa ang ulo ko pero mas okay na kaysa kanina. Pasensya ka na naaabala ko pa tuloy ang wedding preparations niyo." Nahihiya niyang sabi sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
Wounded Wife's Revenge
RandomAmara is married for almost 11 years with Troy Buenavides, her childhood friend and schoolmate. Naging masaya siya sa married life niya kahit maaga siyang nagpakasal sa lalaki. They've been through a lot of struggles, but they surpassed it all hand...