Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad niya ulit iyong ipinikit dahil sa nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto.
She knows that she's in a hospital dahil sa pamilyar na amoy niyon. But she couldn't remember why.
Then all of a sudden, all her memories came rushing back at bigla siyang napabaligwas and excruciating pain shoots through her body at hindi niya napigilang mapadaing.
"Amara, please lay back down. Hindi pa magaling ang mga tahi mo." Agad namang sabi ni Bianca sa kanya na inaalalayan siya pabalik sa pagkakahiga.
"W-What h-happened?" Nauutal niyang tanong dito dahil nakakaramdam siya ng panunuyo ng kanyang lalamunan. Pero hindi sinagot ng kaibigan niya ang tanong niya bagkus ay umiwas ito ng tingin sa kanya.
"Just rest first. Tatawagin ko lang muna ang mga doctor para ipaalam sa kanila na gising ka na." Agad naman nitong sabi at saka dali-daling lumabas ng kwarto.
Ilang segundo lang at isa-isang nagmamadaling pumasok ang doctor at mga nurses para tingnan siya.
Then she suddenly thinks of her baby.
"Doc, kamusta po ang baby ko? Maayos po ba siya? Please, Doc tell me that my baby is okay." Puno ng pag-aalalang sabi niya dito.
Bigla namang natigilan ang mga nag-aasikaso sa kaniya sa sinabi niya.
Even though they didn't answer her question, base sa mga mukha ng mga ito ay alam na niya ang sagot.
"No. No! Not my baby. Noo!" Naghy-hysterical niyang sigaw habang namamalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Please, huwag po kayong magalaw baka po bumukas ang mga sugat niyo at matanggal ang IV nyo." Pakiusap naman ng nurse na agad siyang hinawakan para mapigilan ang pagwawala niya.
Pero hindi siya nagpapigil. Abot langit ang galit niya at ang pagdadalamhati sa nangyari sa anak niya. Patuloy siyang nagpupumiglas at nagwawala habang malakas na humahagulhol.
"I'll make you all pay for what you did to my child!" Malakas na sigaw niya habang patuloy paring nagwawala hanggang sa maramdaman niyang may itinurok na gamot sa kanya na unti-unting nagpahina sa kanya at muli na naman siyang binalot ng kadiliman.
Pero bago pa man siya tuluyang mawalan ng ulirat pinangako niya sa sarili niyang maghihiganti siya sa lahat ng pasakit at sakit na naranasan niya.
Pinangako niyang maghihiganti siya sa pagkawala ng anak niya at magbabayad ang sinumang may kagagawan nito sa kanya.
------
BIANCA'S P.O.V.
She's been staring at her friend na nawalan ng malay dahil sa itinurok na gamot dito ng doktor para pakalmahin ito.
She's been in a coma for almost a week after she got shot. Buti na lang at nadala agad nila ito sa hospital dahil kung hindi ay maari itong mamatay.
Unfortunately, the doctors couldn't save her baby dahil sa tinamaan ng bala ang bata sa sinapupunan nito.
She feels sympathy towards her friend. All she wanted was to have a family of her own pagkatapos ay ito pa ang nangyayari sa kaibigan niya. Hindi man niya sabihin ay labis siyang nag-aalala para dito.
She knows that her friend is strong, pero alam din niya na napalaking dagok itong nangyari sa kaibigan niya lalong lalo na ang pagkawala ng anak nito.
Alam nyang nagpapakatatag ito para sa anak nito, pero ngayong pati ito ay nawala pa, hindi niya alam kung anong mangyayari sa kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Wounded Wife's Revenge
RandomAmara is married for almost 11 years with Troy Buenavides, her childhood friend and schoolmate. Naging masaya siya sa married life niya kahit maaga siyang nagpakasal sa lalaki. They've been through a lot of struggles, but they surpassed it all hand...