Chapter 16

107 3 0
                                    

Ng makarating sila ni Bianca sa kwarto nito, agad niyang sinara ang pinto at huminga ng malalim at pilit niyang pinakalma ang sarili niya.

Tumaas naman ang kilay ni Bianca habang tinitignan siya nito.

"What?" Tanong naman niya sa kaibigan habang papaupo sa kama nito.

"Are you okay? You look shaken." Nakataas kilay na sabi nito sa kanya.

She tsked at her and rolled her eyes.

"Hindi ko lang inaasahan na nandito siya." Sabi naman niya dito na ikinairap din nito.

"That's what you get for not informing me that you're coming!" Inis na sabi nito sa kanya na ikina-iling niya.

"Fine. I concede. What is he doing here anyways?" Nakakunot ang noong sabi naman nito sa kanya habang tumabi naman ito ng upo sa kanya.

"Well, he's Prince's bestfriend so..." Nakangising sabi naman ni Bianca. 

Huminga na lang siya ng malalim at iniwas ang tingin niya dito.

"Hey. I'm just teasing you. Don't worry too much. You look different now plus, even if you look the same, hindi ka pa rin niya maaalala." Sabi nito sa kanya na bigla naman niyang ikinabaling dito habang nakakunot ang noo niya.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong niya sa kaibigan.

Huminga muna ito ng malalim saka sumagot.

"He lost his memory after the bombing. He only remembers his college days with Victoria and the rest, meaning your relationship and married life, he forgot all about them." Malungkot na sagot naman ni Bianca sa kanya.

Nahigit niya ang hininga sa sinabi nito. So in short, nakalimutan siya ni Troy? Yung 12 years na relasyon nila, nakalimutan nito lahat? Pero bakit hindi ito agad sinabi sa kanya ni Bianca?

"Why did you hid this from me?!" Inis niyang sabi sa kaibigan ng makabawi siya sa pagkabigla.

"I didn't know that you wanted to know anything about him. I know that after what happened ayaw mo ng makarinig pa ng kung anong tungkol sa kanya kaya hindi ko na sinabi. Sorry." Nagu-guilting sagot naman nito sa kanya.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya dahil parang sumakit bigla ang ulo niya sa sinabi nito. So all this years that she's planning her revenge towards him and the person who did this all to her, wala palang maalala ang lalaking kinamumuhian niya? So paano niya magagawa ang plano niya ngayon?

She was pulled from her reverie when Bianca held her hand.

"Hey, please talk to me. I'm so sorry that I didn't tell you. Akala ko kasi ayaw mo na siyang maalala." Malungkot na sabi sabi ulit nito.

"After 2 years of planning my revenge towards him and the person who killed my unborn child, nakalimutan niya pala lahat. Paano ko pa magagawa ang plano ko ngayon? Paano ko mapapalabas ang taong gumawa ng lahat ng kamalasan sa buhay ko at paano ko pa siya mapapagbayad?" Seryosong tanong niya sa kaibigan niya.

"Amara, ano bang pinuroblema mo? Mas magiging madali nga ang gagawin mo kasi hindi ka niya maalala. Meaning kapag inakit mo siya, mas magiging madali ang lahat ng pinaplano mo." Mahinang sabi naman ni Bianca sa kanya.

Napag-isip siya sa sinabi nito. May punto ito. Pero paano niya ba mapapaibig ulit si Troy? Dahil sa naisip ay malalim siyang huminga at matiim na tinitigan ang kaibigan niya.

"Paano ko siya maaakit kung wala na ang nararamdaman niya para sa akin dati?" Seryosong tanong niya kay Bianca.

"Well, hindi naman siguro mahirap yun dahil kahit pa hindi ka niya maalala, kilalang-kilala mo pa rin siya. Use that to your advantage. Since siya ang best man ni Prince, palagi kayong magkakasama. Diba alam mo naman ang mga ayaw niya at gusto niya?" Seryosong sagot din ng kaibigan niya pero napailing siya sa sinabi nito.

Wounded Wife's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon