CHAPTER 1

11K 397 20
                                    

CHANGING
Written by SomeoneLikeK
———
LUIS

Sumilip ako sa ibaba habang nakahawak sa railings ng hagdan. Safe. Walang ibang tao. Dahan-dahan akong bumaba at naglakad palabas para maglaro. Nababagot na ako sa loob ng kuwarto.

Isasara ko na sana ang pinto nang—

"Luis."

I was startled when sister Loren called me. Patay na naman ako. Itinago ko ang dala kong bola sa aking likuran nang harapin ko si sister Loren. Mapapagalitan ako kapag nakita niyang mayroon na naman akong dalang bola. Simula nang mambato ako ng mga bata sa bakuran, pinagbawalan na ako ni sister Jane na gumamit ng bola. As usual, hindi nila tinanong kung bakit. Basta kung sino iyong hindi naiyak, siya iyong mayroong ginawang kasalanan.

"Yes, Sister Loren?"

"Saan ka pupunta?"

Halata ko sa itsura ni sister Loren na disappointed siya sa pagsuway ko sa utos ni sister Jane.

I lowered my head nang mag-sink in sa utak ko na mapapabalik ako sa loob ng kuwarto. Magbibilang na naman ako ng butiki sa kisame.

"Lalabas po sana ako para maglaro."

"Pinayagan ka na ba ni sister Jane?"

I shook my head in response.

Of course, hindi ako pinayagan. Una, hindi naman ako nagpaalam. Pangalawa, kaya ako pumupuslit para makalabas dahil alam ko na hindi ako papayagan sister Jane.

As far as I can remember, one week pa ang iintayin ko bago matapos ang nakakabagot na parusa sa akin ni sister Jane.

"I will let you play outside. Pero kailangan mong mangako sa akin na lalayo ka gulo. Ayoko na malamang mayroon ka na namang nakaaway. Maliwanag ba iyon, Luis?"

She really is an angel. Sa lahat ng tao rito sa Orphanage kay sister Loren lang malapit ang puso ko. Siguro dahil nauunawaan niya ang mga kilos ko at pinakikinggan niya ang mga paliwanag ko. Hindi man siya laging kumakampi sa akin, importante pa rin na bukas ang tenga niya sa mga salita ko.

I look up and show her my biggest smile.

"You're welcome," she said.

Salamat ang kahulugan ng ngiti ko para kay sister Loren. It all started noong sinalubong ko siya ng ngiti after niya akong alagaan noong lagnatin ako dahil sa injection. Baby pa raw ako that time. Inisip ni sister Loren na salamat ang meaning ng ngiti ko.

Lumapit sa akin si sister Loren. Hinila niya ako papasok sa loob ng Orphanage. "Naalala ko bigla, natapos mo na ba ang pina-drawing ko sa iyo kahapon?"

I nodded.

"I knew it." Her smile is like a morning sun. It's warm but gentle. "Sabi ko naman sa iyo magagawa mo iyon eh. Ikaw kasi wala ka masyadong bilib sa sarili mo."

Yes. Wala akong bilib sa sarili ko. I don't know why pero feeling ko every time na pagmamasadan ko ang mga gawa ko, all I can think is— it's dull.

"Ang sabi ni sister Jane sa amin, pupunta ngayon si Mrs. Rose Izumi kasama ang anak at kaibigan niya na si Mrs. Veronica Esilco. Puwede mo nang ibigay ng personal sa anak ni Mrs. Rose ang drawing mo."

Oh, please. Ayoko.

Ang drawing na pinagawa sa akin ni sister Loren ay para sa nag-iisang anak ni Mrs. Rose Izumi. Dahil mahilig sa drawing ang anak ni Mrs. Rose, naisip namin ni sister Loren na bigyan ito ng drawing ko bilang pasasalamat na rin sa active donator ng Orphanage na si Mrs. Rose Izumi.

CHANGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon