Haru's Point of View:
Paggising ko kanina, pupunta sana ako sa bahay nila Luis. Kaso, nakaalis na raw sabi ni mommy. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.
Sinubukan kong tawagan si Luis.
The number you have dialed—
Aba't nakapatay ang cell phone ng loko! Iniiwasan ata ako. Birthday ko pa naman bukas. Para tuloy ako pa ang may ginawang kagulat-gulat kahapon.
Kagabi, noong narinig ko ang boses ni Luis habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko; nagtulog tulugan ako. Ang balak ko kasi, gugulatin ko siya. Epic kasi para sa akin ang hitsura ni Luis kapag nagugulat, kaya gustong-gusto ko siyang ginugulat. Iyon nga lang, ako ang nagulat sa kanya kahapon.
"Haru, nandito na tayo. Bumaba ka na. Maglalakad nalang tayo papunta sa bahay ng lola mo." Sabi ni mama na nakasilip sa bintana ng sasakyan.
Pagbaba ko sa sasakyan, hinawakan agad ni moomy at daddy ang magkabilang kamay ko. Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa bahay ni lola Teresa.
Isang taon na ang nakakalipas simula noong pumunta kami rito. Walang pinagbago ang lugar na ito; magubat pa rin at mahangin kahit mainit. Minsan amoy baboy ang hatid ng malakas na hangin.
Sa paglalakad namin, unti-unti kong natanaw ang malaking bahay ni lola Teresa; mukhang luma na ngunit matibay. Habang papalapit kami ng papalapit. Nagsimula na akong kabahan at matakot. Nababalisa ako sa tuwing nakikita ko ang bahay ni lola, hindi dahil mayroon doong multo o kung ano man. Sa katunayan, hindi pa ako nakakapasok sa bahay ni lola, pati na rin si daddy.
Huminto kami sa tapat ng bahay ni lola Teresa. Balisang kumatok si mommy sa pinto. "Ma, ako po ito. Buksan niyo po ang pinto"
Ilang sandali pa, mayroong lalaking nagbukas ng pinto. "Ate Rose?" Bunsong kapatid iyon ni mommy, si tito Richard. "Ma! Si ate Rose!" Aniya, saka umalis sa harap ng pinto.
Isang matanda at masungit na tinig ang narinig ko. "Palayasin mo! Hindi ba't sinabi kong ayokong makita ang pagmumukha ng mga 'yan!"
Tutol ang buong pamilya ni mommy sa daddy ko. Hindi kasi nakapagtapos ng abugasya si moomy noon dahil kay daddy. Isa 'yon sa dahilan kung bakit nagpursigi sa buhay si daddy. Kaya ngayon, isa na siyang ganap na doctor. Habang si mommy naman ay isa nang teacher. Pero kahit maayos na ang buhay namin ngayon, hindi pa rin matanggap ni lola ang daddy ko.
Bumalik si tito Richard sa tapat ng pinto. "Ate, umalis nalang kayo. Kapag nagising pa si kuya baka magkagulo lang."
Hinila ako ni mommy palayo, nang bigla kaming pigilan ni daddy. "Richard, kahit sandali lang. Gusto ko lang makausap si mama. Kasama namin ang apo niya. Gusto ko sana na makilala niya si Haru. Hindi naman kami magtatagal." Pakiusap ni daddy.
Umalis ulit sa tapat ng pinto si tito Richard. Ilang sandali pa, isang nakagigimbal na tinig ang narinig ko.
"Hindi ba't sinabi na sa'yo ni mama na paalisin mo!? Nasaan ba 'yang mga 'yan!" Isang lalaki ang lumabas sa pinto; kapatid iyon ni mommy, si tito Miguel. May hawak siyang mahabang baril.
Nanginig ako nang ikasa ni tito Miguel ang baril na hawak niya. "Hindi ba kayo aalis!? Matagal ka na naming itinakwil, Rose! Dahil sa mga ginawa mo! Wala kang utang na loob! Pagkatapos kang pag-aralin sinira mo lang ang buhay mo! Lumayas kayo!"
"Hide! Halika na umalis na tayo. Hayaan mo na." Maiyak-iyak na sabi ni mommy.
Nakita kong tumungo sa harap ni tito Miguel si daddy. "Aalis na kami pasensya na sa abala." Sabi ni daddy. Pagkatapos, pabagsak na isinara ni tito Miguel ang pinto.
BINABASA MO ANG
CHANGING
RandomCHANGING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Sanggol pa lamang si Luis nang iwan siya sa isang bahay-ampunan. Habang nagkakaedad, hindi hinanap ni Luis ang kanyang mga magulang. Basta't itinatak lamang niya sa isip na hindi siya mahal ng mga ito. Ngunit tulad n...