CHAPTER 15

5.4K 239 9
                                    

Luis' Point of View:

Ano ang nangyari rito? Tanong ko sa aking sarili.

Ang buong pader ng kuwarto ni Haru ay puno ng mga litrato. Ibinaba ko sa kama ni Haru ang mga bitbit kong unan at kumot. Tiningnan ko ang ilan sa mga litrato na nakadikit sa pader. Ang mga nasa litratong iyon ay walang iba kundi ang mga magulang ni Haru. Kuha ang mga litrato, simula noong sanggol pa si Haru hanggang sa noong araw ng graduation niya, noong grade six palang siya.

Habang tinitingnan ko ang mga litratong iyon, nagbalik sa aking alaala ang mga masasayang panahon noong nabubuhay pa ang mga magulang ni Haru.

Naisip ko lang bigla, kung si Haru ang titingin sa mga litratong ito. Masayang alaala rin kaya ang pumapasok sa isip niya?

Habang patuloy kong tinitingnan ang mga litrato sa pader, mayroon akong natapakan na photo album. Pinulot ko iyon. Nakita kong ang ilan sa mga pahina ay walang nakalagay na litrato. Tiningnan ko pa ang buong paligid at marami pa akong nakitang nakakalat na photo album sa sahig.

"Mukhang ipinagdidikit niya lahat ng picture na nakalagay sa photo album nila."

Ipinatong ko ang photo album sa study table ni Haru. Marami akong nakitang nakakalat na birthday cards doon. Tiningnan ko ang mga iyon at napansin kong may marka ng patak ng luha ang bawat sobre.

Iisipin ko palang ang hitsura ni Haru habang binabasa niya ang mga card na ito, hindi ko na mapigil ang mapaluha. Ganoon ba siya sa tuwing.... Siya lang mag-isa?

Pinulot ko ang lahat ng nakakalat na photo album sa sahig, saka ko iyon ipinatong lahat sa study table ni Haru.

Pagkatapos, napaupo ako sa kama ni Haru. Ramdam ko ang bigat ng pagdadalamhati niya habang pinagmamasdan ko ang buong silid. Sa ganitong lugar siya matutulog araw-araw. Nakikinita ko na ang hitsura ni Haru sa tuwing nag-iisa siya rito sa kuwarto.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Gulat na gulat din naman si Haru nang makita niya ako.

"Bakit nandito ka? Hindi ba sinabi ko sa'yo na doon kayo sa guest room!!" Galit na hinatak ni Haru ang braso ko palabas ng kuwarto, ngunit hindi ako nagpahatak sa kanya.

Sa ginagawa ni Haru sa sarili niya, hindi ko siya magagawang layuan kahit magmakaawa pa siya sa akin. Hindi na ako papayag na maiwan ko siyang mag-isa.

"Dito kami matutulog ni Chris! Hindi sa guest room, kundi sa tabi mo! Sa ayaw at sa gusto mo! Kung ganito na pala kalaki ang paghihirap mo, bakit hindi ka nagsasabi!? Bakit ba ang hilig mong sarilihin ang mga problema mo!?" Galit na tanong ko kay Haru.

"Wala kang pakialam sa gusto kong gawin! Lumabas ka na rito! Umuwi ka na! 'Wag na kayong matutulog dito! Naiintindihan mo!? H'wag mo akong pakialaman!" Hinatak akong muli ni Haru ngunit disido akong tulungan siya, kaya't hindi ako nagpasindak sa kanya.

"Inuulit ko, Haru. Dito kami matutulog ni Chris sa kuwarto mo. Kahit pa ayaw mo. Hindi namin kailangan ng pahintulot mo! Dito kami matutulog! Narinig mo!?" Galit na sabi ko.

"Bahay ko 'to, Luis. Kaya ako ang magdidisisyon kung dito kayo matutulog ni Chris o hindi!" Sabi ni Haru, sabay turo sa pinto. "Labas!"

"Wala akong pakialam kung bahay mo 'to! Basta dito kami matutulog ni Chris at sasamahan ka namin! Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Gaano ba kahirap lumapit sa amin!? Gaano ba kahirap humingi ng tulong? Tingnan mo nga 'yang sarili mo! Daig mo pa isang taong hindi natulog!" I said loudly.

Halos maglabasan na nga ata ang mga ugat ko sa leeg kakasigaw.

Nagulat ako nang bigla nalang akong itulak ni Haru pahiga sa kama. Saka niya hinawakan ang magkabilang braso ko. "Sige, Luis. Subukan natin ang tapang mo. Hindi ka natatakot diba?" Nanginginig na sabi ni Haru.

CHANGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon