Luis' Point of View:
Pinaghalong takot at kaba ang dumalaw sa aking buong katawan, nang makita kong namumutla si Haru habang nakalubog ito sa tubig.
"Haru!!"
Agad kong binuhat palabas ng banyo si Haru. Nanghihina pa nga ang aking tuhod habang naglalakad ako. Inilapag ko si Haru sa tapat ng pinto ng banyo saka ko pinakinggan kung tumitibok pa ang kanyang puso; mahina at mabagal ang tibok ng puso ni Haru.
"Ambulance! Call for help, Luis. Call for help."
Nanginginig pa ang aking mga kamay habang hinahanap ko ang number ni Chris sa cell phone ko. Nang makita ko ang number ni Chirs, agad ko siyang tinawagan.
"Thirty chest compressions. Thirty. Kaya mo 'to, Luis." I whispered.
Nang sagutin ni Chris ang tawag ko, agad kong ni-loudspeaker ang aking cell phone, saka ko iyon ipinatong sa sahig. Pagkatapos, agad kong binigyan ng cardiopulmonary resuscitation si Haru. "30, 29, 28, 27."
"Hello? Luis, ano na naman? Diba sabi ko uuwi ako mamaya. Ang kulit mo talaga. Okay lang ako, uuwi rin ako." Sabi ni Chris mula sa kabilang linya.
"Chris! Please! Tumawag ka ng ambulansya bilisan mo! Si Haru!" I said loudly. "25, 24, Haru, please. 23, please breath. 22, 21"
"Wai— Huh!? Ano kamo!? Ano'ng sabi mo!? Teka! Teka! Ano'ng nangyari!? Ambulansya! Ambulansya!" Natatarantang sabi ni Chris.
"Shut up! Just do it!" I said loudly.
"Ambulansya! Tumawag tayo! Tumawag tayo! Dali!" Sabi ni Chris. Pagkatapos, agad na naputol ang linya.
Ginawa ko kay Haru ang thirty chest compressions at two rescue breaths nang paulit-ulit hanggang sa dumating ang tulong.
Walang tigil ang pagpatak ng aking luha habang paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni Haru. Samantalang hindi naman mahinto sa panginginig ang aking mga kamay, at halos sumabog na ang aking puso sa bilis ng tibok.
Lumapit si tita Beth kay Chris. "Sasama kami ni Emman papunta sa ospital. Tawagan mo si Vern, sa kanya kayo sumama. Pakalmahin mo muna 'yan si Luis." Saka siya nagmamadaling sumakay sa sasakyan kasama ang pamangkin niyang si Emman.
Tinawagan ni Chris si mama para ipaalam ang nangyari kay Haru. Pagkatapos, pinilit ni Chris na pakalmahin ako. "Kumalma ka nga, Luis! Tingnan mo nga 'yang kamay mo daig mo pa ang kinukuryente. Umayos ka nga, baka ikaw naman ang madala sa ospital."
"Pinipilit ko, Chirs. Kanina ko pa pinipilit na kumalma, pero hindi ko maiwasang mag-alala. Magiging okay naman si Haru diba? Walang mangyayari sa kanyang masama. Diba? Chris."
Umupo si Chris sa aking tabi. "Oo naman. Si Haru pa. Magiging okay siya. Hihintayin lang natin ang mama mo saka tayo susunod doon."
Pagkalipas ng ilang minuto, humaharurot na dumating ang sasakyan ni mama sa tapat ng aming gate. Agad kaming sumakay ni Chris sa sasakyan, saka nagsimulang magmaneho si mama papunta sa ospila na pinagdalan kay Haru.
Habang nasa byahe kami, nagdasal ako para sa kaligtasan ni Haru. Pagdating namin sa ospital, hindi pa rin tapos i-revive ng mga doctor si Haru. Kaya't hindi ako mapakali sa labas ng emergency room. Halos ilang ulit akong nagpabalik-balik sa tapat ng pinto. Habang tahimik naman na nakatungo sina mama, Chris, tita Beth at Emman.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas sa emergency room ang doctor at sinabi nitong ligtas na sa kapahamakan si Haru.
Mangiyak-ngiyak akong napaupo sa sahig. "Salamat, salamat po."
Maraming test na ginawa ang mga doctor kay Haru, kaya't hindi siya agad nailipat ng kuwarto. Pero makalipas ang mahigit isang oras na paghihintay, nailipat na ng kuwarto si Haru. Pumunta kami roon ni Chris, para magbantay habang may kausap na doctor sina mama at tita Beth.
BINABASA MO ANG
CHANGING
RandomCHANGING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Sanggol pa lamang si Luis nang iwan siya sa isang bahay-ampunan. Habang nagkakaedad, hindi hinanap ni Luis ang kanyang mga magulang. Basta't itinatak lamang niya sa isip na hindi siya mahal ng mga ito. Ngunit tulad n...