CHAPTER 23

4.9K 234 4
                                    

Luis' Point of View:

Nakapasok ang basketball team ng section namin sa finals. Kaya kumpleto ang buong section namin para maghatid ng suporta sa team. Ang kalaban ng section namin ngayon ay ang newton. Ang kasalukuyang score ng section namin ay 14, laban sa score na 19.

Habang seryoso akong nanonood ng laban, bigla akong napatingin sa aking tabi nang may biglang kumalabit sa akin.

"Luis, may katabi ka ba? P'wede umupo?" Tanong ni Carla.

Inalis ko ang bag sa upuan na nasa aking tabi, saka ko iyon inilagay sa sinasandalan kong upuan. "S-Sige, upo ka. W-Wala akong katabi." Kinabahan ako bigla, ngayon ko lang kasi makakausap si Carla.

Nginitian ako ni Carla saka siya umupo sa aking tabi. "Thank you. Ang layo kasi sa taas eh. Hindi ko makita ng maayos 'yong laban."

Inisip ko pa ng mabuti kung ano ang maaari kong isagot sa sinabi ni Carla. Pero walang pumasok sa isip ko kundi ang, 'ganoon ba?' Pakiramdam ko, mapuputol agad ang pag-uusap namin kung iyon ang isasagot ko sa kanya.

Napaling ang tingin naming dalawa ni Carla sa classmate naming si Shane nang bigla itong tumayo. "Go for the win, Galileo!" Sigaw ni Shane.

Nagtaas ng dalawang kamay ang lahat ng mga babaing may hawak ng pom-poms sa section namin para mag-cheer. "Ga-li-leo! Ga-li-leo! Ga-li-leo!"

Nang maagaw ni Chris ang bola mula sa kalaban, nagsigawan ang buong section namin.

"Go loverboy!" Sigaw ng mga classmate naming lalaki.

Nang maka-score si Chris ng two points para sa jump shot niya. Nagtayuan ang buong section namin. "Nice one, Chris!" I said loudly.

Naitikom ko ang aking bibig nang mapansin kong tumingin sa akin si Haru. Gusto kaya niyang mag-cheer din ako para sa kanya?

Ang naging score ng section namin ay 16, laban sa score na 19. Nabawi naman agad ng newton ang nagawang score ni Chris kanina. Kaya't lamang parin ang newton sa score na 21.

Naka-score ng two points si Joseph para sa lay-up na ginawa niya. Habang naka-score naman ng three points ang kalaban. Lamang parin ang newton sa score na 24. Habang 18 naman ang sa section namin.

Nang malapit na matapos ang oras para sa huling laban, napansin kong kay Haru nila laging ipinapasa ang bola. Naka-score ng two points si Haru para sa jump shot na ginawa niya.

Nabuhayan naman ang buong section namin. Kaya't panay ang sayaw ng buong cheering squad. "Go! Izumi! Go! Go! Izumi! Go!"

Naka-score ulit si Haru ng dalawang magkasunod na two points. Pumantay sa newton ang score ng section namin, sa score na 24. Sa huling sampung segundo ipinasa ni Kyle ang bola kay Haru.

Haru, shoot the ball through the hoop from behind the three-point line.

Nagtalunan ang buong section namin. Nagulat nalang ako nang bigla akong yakapin ni Carla sa sobrang tuwa niya. Nagsigawan naman ang mga kababaihan sa kabilang section nang makapuntos ng tatlo si Haru.

Nanalo ang section namin sa score na 27. Pagkatapos ng laban sa basketball, naghanda na agad ang lahat ng kasali sa cheering squad. Bumalik ako sa classroom kasama ang buong basketball team ng section namin.

Pagpasok ko sa classroom napansin kong nagmamadaling kumuha ng bimpo at pamalit na damit si Haru.

"Haru! Masakit pa ulo mo?" Tanong ni Kyle.

"Medyo." Haru replied.

Napaling ang tingin ko nang tawagin ako ni Eric. "Luis! Paki-lock naman 'yong pinto. Magbibihis lang kami. Baka kasi may pumasok na mga babae. Mabato tayo ng wala sa oras."

CHANGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon