Luis' Point of View:
Makalipas ang mahigit isang buwan, pumunta si Ms. Veronica Esilco sa bahay-ampunan; hindi para dalawin ako, kundi para isama na ako sa bahay niya. Hindi naging madali para sa akin na mapag-alam kay sister Loren, laluna noong nakita ko siyang umiiyak.
Alas kwatro ng hapon umalis ako sa bahay-ampunan kasama ang umampon sa akin. Ika-dalawamput dalawa ng disyembre, nagkaroon ako ng pamilyang masasabi kong sa akin.
Habang nasa byahe kami, sinabi sa akin ni Ms. Veronica Esilco na 'mama' ang itawag ko sa kanya. Nahihiya pa ako na tawagin siya ng mama, pero susubukan ko pa rin hanggang sa masanay ako.
Gabi na nang makarating ako sa bahay ni mama. Pagbaba ko sa sasakyan, nalula ako sa laki ng bahay niya. Maraming malagong garland na nakapalibot sa pintuan ng bahay; puno iyon ng makukulay na dekorasyon at christmas lights. Pati nga sa bawat gilid ng bubong ay mayroong mga ilaw. Nagtataka tuloy ako kung paano niyang nailagay iyon doon.
Paglingon ko sa bandang kaliwa, may nakita akong Santa Claus sa garden at marami iyong kasamang pigura ng mga dwende.
Kinuha ni mama ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan at siya na rin ang nagbuhat ng mga iyon papasok sa bahay. "Luis, pumasok ka na rito sa loob." Aniya.
Pagpasok ko sa loob ng bahay, iyong malaking christmas tree na nasa sala ang agad na napansin ko. Maraming regalo sa ilalim at puno rin ng makukulay na dekorasyon.
Si mama kaya ang mag-isang nag-ayos nang lahat ng iyon? Next year, gusto ko siyang tulungan.
Hindi ko na masyadong nailibot ang aking tingin sa buong bahay, dahil hinila ako ni mama paakyat sa second floor. Huminto kami sa isang kulay asul na pinto kung saan nakadikit ang aking pangalan; gawa iyon sa malambot at mistulang maliliit na unan.
"Ito ang magiging kuwarto mo, Luis. Ako ang nag-ayos n'yan kaya sana magustuhan mo. Sige na, buksan mo na ang pinto." Sabi ni mama.
Pagbukas ko ng pinto, nanlaki ang mga mata ko dahil napakaganda ng aking magiging silid; asul ang kulay ng sapin sa kama pati na rin ang mga kurtina, asul din ang kulay ng mga kabinet, kombinasyon naman ng asul at puti ang kulay ng pader. Napakaraming naka-display na laruan sa bawat sulok ng silid, at mayroon ding mga damit na nakapatong sa kama.
Kaya pala tinanong niya ako noon kung ano ang paburito kong kulay.
"Maraming salamat po." I said.
Excited na ipinasukat ni mama ang mga binili niyang damit para sa akin. Pagkatapos, sabay kaming kumain.
Maraming kinuwento si mama sa akin habang kumakain kami; tungkol iyon sa mga bagay na pinagkakaabalahan niya. Marami pang binanggit si mama, na pangalan ng mga batang gusto niyang ipakilala sa akin. Ngunit wala akong natandaan kahit isa sa mga pangalang nabanggit niya. Basta't ang alam ko lang, masyado akong masaya para mag-memorize ng mga pangalan.
Sandali pa kaming nagkuwentuhan ni mama sa sala pagkatapos kumain. Bago pumatak ang alas-onse, pumanik na siya para matulog dahil maaga pa siyang aalis bukas. Wala naman akong maisip gawin habang nasa sala ako, kaya't pumanik nalang ako papunta sa aking silid. Inayos ko ang lahat ng gamit at ang mga damit na binili ni mama para sa akin.
Madaling araw na ako natapos sa pag-aayos ng mga gamit, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Humiga ako sa kama hanggang sa matulala na lang ako kakatitig sa kisame.
"Kapag natulog kaya ako ano ang mangyayari? Paano kung nananaginip lang pala ako?"
Kakaisip, maya't-maya akong nagpaikot-ikot sa kama. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung naninibago ba ako o sadyang takot lang akong matulog.
BINABASA MO ANG
CHANGING
RandomCHANGING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Sanggol pa lamang si Luis nang iwan siya sa isang bahay-ampunan. Habang nagkakaedad, hindi hinanap ni Luis ang kanyang mga magulang. Basta't itinatak lamang niya sa isip na hindi siya mahal ng mga ito. Ngunit tulad n...