Luis' Point of View:
Magkasabay kami ni Chris na umalis ng bahay. Habang naglalakad kami papunta sa school, nagsusuot pa lang ng polo si Chris. Paano naman kasi napakahirap niyang gisingin at sobrang bagal pang kumilos.
Kanina noong ginigising ko si Chris, ang unang sinabi niya sa kanya ay, "ayokong pumasok."
Kinailangan ko pang hilahin si Chris paalis sa kama bago siya napilitang tumayo. Sa susunod, iiwan ko na siya hanggang sa matuto siyang bumangon mag-isa! O kaya naman, lalagyan ko ng maraming alarm clock ang kuwarto niya.
"Bilisan mo nga maglakad! Unang araw ng pasukan late tayo! Ang bagal mo kasi." Sabi ko habang nauuna na ako sa paglalakad.
Ilang hakbang mula sa gate ng aming paaralan, natanaw ko ang ilang estudyante na humihikab pa at tila napilitang bumangon sa kama.
"Sus! Hindi lang naman pala tayo ang late eh." Ani Chris.
Habang naglalakad kami sa corridor, panay ang silip ni Chris sa mga classroom na nadaraanan namin. "Ano ka ba, Chris! Bilisan mo nga! May oras ka pang sumilip kung saan-saan."
Pagdating namin sa tapat ng classroom, nilagpasan namin ang unang pinto at dito kami huminto sa pangalawang pinto. Nagtutulakan pa kami ni Chris kung sinong mauunang pumasok sa aming dalawa, hanggang sa mapilitan na akong magprisinta. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.
Pagbukas ko ng pinto, nagtinginan ang lahat sa aming dalawa ni Chris.
"Sorry po late kami." Sabi namin habang nakatungo.
"Okay lang, nagsisimula palang naman kami. Take your seat." Mahinahon na tugon sa amin ng aming guro.
Bahagya kong itinaas ang aking ulo at iginala ang aking tingin sa buong paligid upang maghanap ng mauupuan. Hanggang sa nakita kong bakante pa ang upuan sa tabi ng bintana na pumapangalawa sa pinakadulo. Hinala ko si Chris papunta sa bakanteng upuan.
Nakatungo akong umupo sa silyang nasa tabi ng bintana saka ipinaling ang aking tingin sa harap ng pisara. Si Chris naman, nakaupo sa tabi ko habang nakapangalumbaba.
Umupo ang aming guro sa silyang nasa harapan saka saglit na tumingin sa suot na relo. "Magsisimula na tayo after five minutes. Tingnan nalang muna natin kung may darating pa."
Tahimik na nagbulungan ang lahat habang si Chris naman, nakasalampak lang sa desk at halatang inaantok pa.
At dahil wala akong makausap, tumanaw nalang ako sa labas ng bintana mula sa aking kinauupuan. Pinagmasdan ko lang ang kalangitan hanggang sa nagulat na lang ako nang biglang magsalita ang aming guro.
"Okay, mukhang kumpleto na tayo. Para sa anim na na-late, ako si Mrs. Josephine Malabanan. Ang magiging advisor niyo sa loob ng isang taon. Ayoko sa ingay, laluna kapag nagtuturo na ako. Ako ang magtuturo sa inyo ng Physical Education, Health & Music, kaya umaasa ako na marami sa inyo ang magaling sa sports o kaya naman sumayaw. Ilalabas natin 'yang mga natatago niyong talento."
Naghiyawan ang ilan sa mga kalalakihan nang banggitin ang sports, at kasama sa humiyaw ang kaninang inaantok pa na si Chris.
Wala akong imik dahil hindi naman ako mahilig sa kahit na anong sports. Sinubukan ko naman noon na maglaro ng basketball, pero sadyang hindi ata ako biniyayaan ng talento sa mga ganoong klase ng laro.
Tumayo si Mrs. Malabanan at naglakad papunta sa unang row sa bandang kaliwa. "Ngayong tapos na akong magpakilala sa inyo. Kayo naman ang magpakilala sa akin at sa iba pa ninyong mga kaklase. Magsisimula tayo dito sa row na ito hanggang doon sa dulo."
BINABASA MO ANG
CHANGING
RandomCHANGING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Sanggol pa lamang si Luis nang iwan siya sa isang bahay-ampunan. Habang nagkakaedad, hindi hinanap ni Luis ang kanyang mga magulang. Basta't itinatak lamang niya sa isip na hindi siya mahal ng mga ito. Ngunit tulad n...