CHAPTER 17

6K 239 8
                                    

Luis' Point of View:

Nagtaka ako nang asarin ni Kyle si Haru. Bakit kaya? Ano'ng nangyari?

Ibinaba ko ang hawak kong tray sa upuan. "Kumain muna kayo sabi ng mama ko. Ginawa niya 'to kanina lang sana raw magustuhan niyo."

Kumuha ng apple pie at isang baso ng iced tea sina Chris at Joseph. "Salamat." Sabay na sabi nila.

Tumingin ako kay Haru. Nakita kong nagpupunas pa siya ng pawis sa likod. Tulungan ko kaya siya? Para kasing hirap na hirap siya.

Napatingin ako kay Kyle nang bigla niya akong kalabitin. "Luis, ibigay mo na 'tong meryenda sa boyfriend mo, kanina pa nagugutom 'yon."

"Boyfriend?" Sabay na sabi namin ni Chris.

Bigla namang napahinto sa pag-inom ng iced tea si Kyle. "Gulat na gulat? Diba, Luis. Boyfriend mo si Haru?"

"Ano ka ba, p're. Wala silang relasyon ni Haru. May girlfriend na kaya 'yon." Sabi ni Chris.

Naisip ko na kailangan kong linawin kay Chris ang naging maling hinala ko tungkol kay Haru.

"Hindi. Hindi raw niya girlfriend 'yong kasama niya." I said.

"Hindi ba? Okay." Nagtatakang sabi ni Chris.

Bigla namang sumingit sa usapan si Joseph na paubos na ang kinakain. "Teka lang. Bakit sabi mo sa kanya noong isang araw, baka may mahal na siyang iba? Sabi mo pa nga kung sawa na siya sa'yo eh." Nagtatakang sabi ni Joseph.

"Nagbibiro lang si Luis. Minsan kasi mahirap pilitin si Haru. Gusto kasi namin matulog sa bahay nila. Sinabi lang 'yon ni Luis para mapilitan si Haru." Sabi ni Chris.

Napaling ang tingin namin kay Kyle. "Weh? 'Di nga? Kasi kung wala kayong relasyon ni Haru. Eh bakit? Alam mo na. 'Yong, hindi namin nakita." Sabi ni Kyle, sabay nguso na tila humahalik sa hangin.

Nahiya akong bigla nang maalala ko ang nangyari, kaya't hindi ako nakapagsalita.

"Ganon lang talaga si Haru. Sinakyan lang niya ang biro ni Luis." Ani Chris. "Tingnan niyo ako naman ang gagawa sa kanya, hindi 'yon magagalit." Dagdag pa ni Chris.

Mabilis na inubos ni Chris ang kinakain niyang apple pie saka ipinatong sa tray ang hawak na isang baso ng iced tea. Pinagmasdan ko si Chris habang naglalakad siya palapit kay Haru. Nakita kong umamba siyang hahalikan sa labi si Haru.

Agad na itinulak palayo ni Haru si Chris saka ito biglang tumakbo palayo. "Oy! Chris! Ang lakas ng trip mo huh!" Sigaw ni Haru.

Naglakad muli si Chris palapit kay Haru. "Haru! Mahal mo rin ako diba? Sige na, isa lang. Bilis! Napapahiya ako sa kanila!"

Patuloy naman si Haru sa pagtakbo palayo kay Chris. "Mukha mo! Ayoko!"

Natawa akong bigla nang makita kong muling nagbibiruan sina Haru at Chris. Mga bata pa kami noong huli kong makitang nagbibiruan sila.

Nang mapagod na si Chris sa kakahabol kay Haru, sumuko rin siya. Hindi na rin muling nagtanong sina Kyle at Joseph tungkol sa nangyari noong naglinis kami ng classroom.

Pinanood ko sila sa pagpa-practice ng basketball. Ilang ulit pa nga akong kamuntikan nang matamaan ng bola, kaya't ilang beses akong nagpalipat-lipat ng upuan. Hanggang sa matapos silang mag-practice.

"P're, uuwi na kami." Paalam ni Kyle kina Chris at Haru.

"Sige, p're." Tugon ni Haru. Tumango lamang si Chris.

Tinapik ni Kyle ang balikat ko. "Luis, uwi na kami. Salamat sa masarap na meryenda sa uulitin."

Tinapik naman ni Joseph ang braso ko saka ngumiti. "Salamat. Ingat nalang sila sa amin."

CHANGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon