CHAPTER 14

5.5K 219 9
                                    

Luis' Point of View:

"Seryoso ka ba talaga?" Tanong ko kay Chris.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Chris sa akin. Hindi kasi sumagi sa isip ko na magugustuhan niya ako. Sa dami ng mga babaing nagpaparamdam sa kanya, nakakapagtaka na ako pa ang magustuhan niya.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Sabi ni Chris. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko kaya mukha talaga siyang seryoso at hindi nagbibiro.

"Bakit ako?" I asked.

Malungkot na ngumiti si Chris. "Hindi ko alam. Basta ko nalang naramdaman." Tinapik niya ng dalawang beses ang balikat ko. "'Wah mong damdamin, baka mailang ka sa akin. Hindi ko naman sinabing sumagot ka na agad eh. Pag-isipan mo muna."

"Kailan pa?" I asked.

"Kailan pa ako nagkagusto sa'yo?" Napatingala si Chris. "Kailan nga ba? Sa sobrang tagal na, parang hindi ko na matandaan kung kailan."

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin kung matagal na. Bago ka umuwi dito sa pilipinas may girlfriend ka at hindi lang isa. Hindi kita maintindihan." I said.

"Kasi ang akala ko, kapag tinuon ko sa iba ang atensyon ko makakalimutan kita. Doon sa tinatanong mo kung bakit ngayon lang, kasi natakot ako. Alam ko kasi kung sino ang gusto mo." Sabi ni Chris. Tumahimik lang ako.

Chris sighed. "Ang hirap! Hindi talaga ako sanay sa mga ganitong usapan. Tara na, umuwi na tayo."

Tiningnan ko lang si Chris habang naglalakad siya palayo sa akin. Naalala ko ang mga pagkakataon na nagsasabi ako sa kanya ng mga nararamdaman ko tungkol kay Haru. Sigurado ako na nasaktan ko ang damdamin niya nang mga panahong iyon. Hindi ko hahayan na masaktan ko siya ulit.

"Chris! May sagot na ako sa'yo."

Napahinto sa paglalakad si Chris. Hindi siya lumingon sa akin at nanatili lamang siyang nakatungo. "Diba sabi ko pag-isipan mo muna. Hindi naman ako nagmamadali, Luis."

"Alam ko, pero—"

Humarap si Chris sa akin. "Alam ko na mahal mo si Haru. Ngayon ko palang sinabi sa'yo na mahal kita, kaya h'wag mo muna ako bigyan ng sagot. Bigyan mo muna ako ng pagkakataon na magpapansin sa'yo. Bakit hindi mo ako subukan? Malay mo, mas bagay tayo." Ngumiti siya sa akin saka muling naglakad.

Ako ang nahihiya sa sinasabi sa akin ni Chris. Hindi ko akalain na magsasalita siya ng ganito sa akin. Nasanay na kasi ako sa mga biro niya. Pero ngayon, sa tono palang ng boses niya, ramdam ko na talagang may gusto nga siya sa akin.

Tahimik kaming dalawa ni Chris hanggang sa makauwi kami sa bahay.

Pagkabihis, sabay kaming kumain ng tanghalian. Nagulat ako nang ipagsalin ako ng tubig ni Chris. Pagkatapos, sinalinan niya ng ulam at kanin ang plato ko.

"Ano'ng ginagawa mo? Umayos ka nga. Naninibago ako sa'yo." I said.

Nagpatuloy sa pagsalin ng ulam si Chris sa plato ko. "Hindi pa ba halata? Pinagsisilbihan kita."

"Huh? Bakit mo naman ako pinagsisilbihan?" Nagtatakang tanong ko.

Huminto si Chris sa paglalagay ng ulam sa plato ko. "Sumasakit na ang ulo ko sa'yo, Luis. Hindi pa ba halata sa'yo kung bakit ko 'to ginagawa? Nililigawan kita."

Nagsalubong bigla ang kilay ko. "Pinagsasabi mo? Nililigawan? Wala kang sinabing manliligaw ka sa akin! Tsaka, wala pa naman akong sinabing p'wede kang manligaw."

Nagtaka ako nang biglang ngumiti si Chris. "Luis, tumingin ka sa akin." Ako si masunurin, tumingin naman agad. "P'wede ba kitang ligawan?" Chris asked.

CHANGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon