Luis' Point of View:
"Luis, okay ka lang?" Chris asked.
I looked at Chris dumbfounded. "What the..."
Bigla akong napatungo saka ko tinakpan ang aking bibig; napaisip ako dahil sa bilis ng pangyayari. Sandali, hinalikan niya ako?
Galit akong tumingin kay Chris. "You!! Stu—" Hindi ko na naituloy ang gusto kong sabihin. Nasuntok ko nalang basta sa braso si Chris ng paulit-ulit.
Sinalag ni Chris ang bawat suntok ko sa kanya. "S-Sorry! Wait, Luis! Masakit ano ka ba!"
Napahinto ako sa pananakit ko kay Chris, nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pinto ng aming bahay.
Napatingin ako sa maliit na corridor kung saan maglalakad ang bagong pasok palang ng bahay namin. "Haru?" I said.
Nang makita ko si Haru, itinulak ko agad si Chris palayo sa akin, saka ko siya pasimpleng sinikmuraan sa tiyan. "Mamaya ka sa akin." I whispered.
Naglakad si Haru papunta rito sa sala saka siya umupo sa maliit na sofa. Malungkot siyang tumingin sa amin. "Gusto niyo ba ng cake? Birthday kasi ni daddy kaya binilan ko siya ng cake. Hindi ko kayang ubusin."
Sumandal si Chris saka bahagyang ngumiti. "Ikaw talaga, Haru. Syempre gusto namin ng cake. Bakit tinanong mo muna kami bago ka magdala? Bago 'yan ah." Nagtatakang sabi ni Chris.
Tumungo si Haru at inayos ang suot niyang relo. Sa nakikita ko, parang naiilang siya. "Baka kasi kumain na kayo eh. Dadalan ko nalang kayo rito." Sabi ni Haru, saka siya tumingin sa akin. "Samahan mo ako, Luis."
Hindi lang siya parang naiilang — magulo pa siyang kausap. Dadalan niya kami rito pero isasama niya ako.
"Okay, sige." I said, saka ako tumayo.
"Hindi niya kayang buhatin mag-isa 'yong cake?" Chris whispered.
Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Chris, agad ko siyang hinampas ng throw pillow sa mukha; pero hindi naman malakas, saka ako sumunod kay Haru.
Tahimik lang si Haru habang patawid kami sa bahay niya. Nakatungo lang siya at ang bilis pang maglakad. Pagpasok ko sa bahay ni Haru, nagulat ako nang makita kong makalat ang buong sala; parang dinaanan ng bagyo.
Nakapatong lang sa lamesita iyong isang buong cake na pa-square. habang napalilibutan ng mga litratong nakataob. Napakaraming bote ng alak sa lapag at nagkalat din ang mga upos ng sigarilyo.
"Haru, bakit nag-inom ka na naman? Hindi ba't sinabihan na kita? Nanigarilyo ka pa. Kapag hindi ka pa tumigil, isusumbong na kita kay mama. Hindi mo ba kayang tanggalin sa katawan mo ang mga bisyo mo?" I asked.
Wala akong narinig na sagot mula kay Haru, kaya't tumingin ako sa kanya. Nagtaka ako nang mapansin kong pinagkakatitigan niya ako. "May dumi ba ang ako sa mukha?" I asked.
Inabot sa akin ni Haru ang isang buong cake na nakapatong sa lamesita. "Masaya ko para sa'yo, Luis."
Napatunganga ako kay Haru dahil sa sinabi niya sa akin. "Huh? Pinagsasabi mo?"
Binuksan ni Haru ang pinto para sa akin, saka niya ako itinulak palabas. "Sige na, inyo na 'yan. Magliligpit na ako."
Puno ng pagtataka ang aking isipan habang nakatingin ako sa saradong pinto ng bahay ni Haru. Ano ang pumasok sa isip niya at nasabi niyang masaya siya para sa akin? Alam kaya niyang pumunta sa bahay si... Hindi, imposibleng alam niya.
Tumingin ako sa malaking cake na aking dala. Paano naman kaya namin uubusin ang cake na 'to? Wala man lang bawas kahit kaunti.
Sumilip ako sa bintana ng bahay ni Haru, pero wala akong nakita dahil makapal iyong nakaharang na kurtina. "Salamat!" Saka ako naglakad pauwi sa aming bahay.
BINABASA MO ANG
CHANGING
RandomCHANGING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Sanggol pa lamang si Luis nang iwan siya sa isang bahay-ampunan. Habang nagkakaedad, hindi hinanap ni Luis ang kanyang mga magulang. Basta't itinatak lamang niya sa isip na hindi siya mahal ng mga ito. Ngunit tulad n...