CHAPTER 10

6K 243 8
                                    

Haru's Point of View:

Nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto, tinanong ko ang aking sarili kung sapat na ang ginawa ko para lumayo si Luis sa akin. Gusto ko siyang takutin, galitin at itulak palayo sa akin. Hanggang sa hindi na niya ako lapitan at kausapin. Dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayaning, wala siya sa tabi ko.

Kinuha ko ang picture frame na nakapatong sa lamesita; kung saan nakalagay ang picture namin ni Luis kasama si Chris.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Luis sa larawan; napakaganda ng ngiti niya. Ayokong nakawin iyon mula sa kanya.

"Hate me, Luis."

Nang makita ko ulit si Luis, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Kasi alam ko, sa paraang iyon, mawawala ang lahat ng pagod ko. Pero hindi ko magawa, natatakot ako. Marami akong gustong itanong sa kanya, pero hindi ko magawang magtanong. Natatakot kasi ako na baka siya naman ang magtanong sa akin pagkatapos.

Tiniis ko ang tatlong taon na hindi magpakita at lumapit kay Luis. Para saan pa ang lahat nang iyon, kung lalapit ako sa kanya ngayon?

Lahat sila, mawawala silang lahat sa akin kapag nalaman nila ang totoo. Kung ang mga kadugo ko nga, nagalit sa akin nang malaman nila ang katotohanan; sila pa kaya? Kaya ngayon palang, itutulak ko na sila palayo. Sasanayin ko na ang sarili ko na wala silang lahat sa tabi ko.

Ayokong maging masaya, kasi alam ko na kung ano ang kasunod ng kasiyahang matatamasan ko.

I was startled when i heard a door slamming. "Haru! Ano'ng pumasok sa kokote mo at ginawa mo iyon kay Luis!?"

Tulad ng inaasahan ko, darating ang superhero ni Luis; si Chris. Mukhang nalaman na niya ang ginawa ko kanina. Sa tono palang ng pananalita niya, alam kong nangangati na ang kamao niya para ipatama sa mukha ko.

Hinarap ko si Chris pagdating niya rito sa sala. Pagkakita niya sa akin, sinuntok niya agad ako sa mukha. Syempre, hindi ako umiwas. Dahil itong gusto ko; iyong magalit siya hanggang sa ilayo niya si Luis mula sa akin. Kasi alam ko, mas magiging masaya si Luis kung si Chris ang nasa tabi niya.

Tulad noong mga bata pa kami. Laging umiiwas ng tingin si Luis sa akin kahit lagi naman kaming magkasama. Samantalang kapag si Chris ang kasama niya, lagi siyang nakangiti. Minsan nga, naririnig ko pa siyang tumatawa ng malakas. Hindi ko na nga alam kung kailan ang huling pagkakataon na ako ang nagpangiti sa kanya.

Kahit ilang ulit kong sinubukan noon, hindi ko nagawang pangitiin si Luis. Ang kaya ko lang, inisin at galitin siya, hanggang sa parang sasayad na sa lupa ang nguso niya.

Napahawak ako sa pisngi ko nang makaramdam ako ng kaunting kirot, saka ako tumingin ng masama kay Chris. "Kung ayaw mong may gawin ako kay Luis na higit pa sa ginawa ko kanina, galingan mo ang pagbabantay mo sa kanya."

Itinulak ako ni Chris bago niya ako sinuntok ulit sa mukha. Hinatak niya ang damit ko palapit sa kanya, saka niya ako tiningnan ng masama. "'Wag mo akong patawanin, Haru. Alam ko na alam mo ang naging buhay ko sa Canada. Kaya alam kong alam mo na mas kaya kong gawin ng seryoso ang ginawa mo kay Luis."

Kusang gumalaw ang kamay ko para suntukin si Chris sa mukha. Alam ko na ginagalit niya lang ako, pero hindi ko napigilan ang sarili ko.

Nakita ko noon ang mga picture sa facebook ni Chris kung saan marami siyang kasamang babae at lalaki; nakikipag-inuman habang may kahalikan na babae at minsan naman ay lalaki. Sigurado akong matindi ang iniyak ng parents niya sa mga ginawa niya noong nasa Canada pa siya.

Bahagyang ngumiti si Chris na tila naiinis. "Sira talaga ang ulo mo. Di lumabas din ang totoo! Ginagalit mo lang si Luis! Kung gusto mong lumayo siya sa'yo! Sabihin mo! 'Wag kang duwag!"

CHANGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon