CHAPTER 8

5.8K 263 17
                                    

Haru's Point of View:

Nakasimangot kong isinara ang pinto pag-alis ni Luis. Ang aga-aga problema agad ang sumalubong sa akin. Sa tingin ko, hindi maganda ang pumasok sa isip ni Luis noong narinig niya ang boses ni Erica.

Ginulo ko ang aking buhok sa sobrang inis. "Argh! Bakit ba ako nagiisip?"

Naglakad ako papunta sa kusina bitbit ang ulam na ibinigay ni Luis. Ano naman ngayon kung mag-isip siya ng kung ano tungkol sa akin? Hindi ko na problema iyon.

Inilagay ko sa lamesa ang tasang hawak ko. "Eri! Ligpitin mo nga 'tong kalat mo! Hindi kita pinatuloy dito sa bahay para magkalat. Pagdating ni Nath sumama ka na sa kanya. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kung mag-aaway kayong dalawa h'wag ka sa akin tatakbo. Hindi ako ang tatay mo!"

Lumapit sa akin si Erica, binugahan niya ng usok ang mukha ko na nagmula sa hawak niyang sigarilyo. "Hindi ba't sinabi mo sa akin na ayaw mong pumunta rito sa bahay niyo na ikaw lang mag-isa."

Niyakap ako ni Erica mula sa likuran, at pinagkadiin nito ang dibdib niya sa akin. "Sinabi ko naman sa'yo diba? Sasamahan kita kapag kailangan mo ng kasama. Isa pa, ang tingin ko sa'yo hindi ka tatagal dito ng ilang linggo. Sigurado ka bang pasasamahin mo na ako kay Nath pagdating niya?"

Tinanggal ko ang kamay ni Erica na nakahawak sa aking bewang, saka ako naglakad papunta sa sala. Kinuha ko ang lahat ng boteng nakakalat. "P'wede akong umalis dito kahit kailan ko gusto. Babalik nalang ako kapag maliligo ako o kaya naman kapag kakain. Ayoko nang nandito ka sa bahay nagkakalat ka lang eh."

Nagtakip ng tenga si Erica habang nagsasalita ako; wala na talaga siyang pinakinggan sa mga sinasabi ko. Tinanggal lang ni Erica ang kamay sa tenga niya nang matapos akong magsalita.

"Kanina lang ang sabi mo walang problema sa'yo kung nandito ako. So, sino 'yong kumatok kanina? At biglang nagbago ang isip mo." Erica asked.

Inilagay ko sa plastic ang lahat ng bote ng alak, saka ko iyon binuhat at inilagay sa tabi ng pintuan. "Si Luis 'yon, anak ng kaibigan ng parents ko. Doon lang 'yon sa tapat nakatira."

Napapitik si Erica. "Ooh! Si Luis pala 'yong kumatok kanina. Diba siya 'yong dahilan ng paghihiwalay natin noon?"

Pagbalik ko sa sala, nakita ko si Erica na nakaupo sa sofa habang hawak ang picture frame na naka-display sa lamesita. "Sino siya dito sa dalawang kasama mo sa picture? Alam mo, Haru. Hindi ko makakalimutan ang pangalan ni Luis. Noong araw na 'yon, pareho tayong nakainom. Excited pa naman ako noong bigla mo akong halikan sa unang pagkakataon."

Ibinalik ni Erica iyong picture frame sa lamesita. "Tinulak mo pa nga ako sa sofa bago ka naghubad ng t-shirt. Hinalikan mo pa ang leeg ko. Naisip ko nga na, mahal mo nga siguro ako kahit hindi ko maramdaman. Pagkatapos, nagbanggit ka bigla ng ibang pangalan. Gusto kitang isumpa nung mga panahon na 'yon."

Pumunta ako kusina para maghilamos ng malamig na tubig. "Hanggang ngayon ba naman Eri. Dalawang taon na ang lumipas, nasampal mo na nga ako eh. H'wag mo na ungkatin. Umuwi ka na nga. Aalis ako mamaya marami pa kong damit na kailangan kunin."

Pagdating ng boyfriend ni Erica na si Nath, umuwi na agad sila. Nakilala ko si Erica sa school na pinasukan ko noon. College student na si Erica pati na rin si Nath.

Naging girlfriend ko si Erica noong mga panahon na wala akong masandalan. Pareho kaming walang mga magulang, kaya pareho rin kaming naghanap ng makakasama. Hanggang sa bigla nalang kaming pumasok sa isang relasyon na hindi namin parehong sineryoso.

Nagligpit ako ng kalat sa sala dahil nag-inom kami ni Erica kaninang madaling araw. Baka kasi biglang dumalaw dito si tita Vern at makitang uminom ako ng alak. Ayokong magdala ng problema sa kanya.

CHANGINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon