Chapter 6

19 2 0
                                    

Chapter 6

Harriet's POV:

Kinabukasan, maaga ako nagising kahit na napuyat ako kagabi dahil sa dami kong iniisip, masyadong occupied yung utak ko

Hindi ko na hinintay pang dumating si Ads para gisingin ako, naligo na ako kaagad at pagkatapos kong maligo lumabas na ako ng cr at nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Hillary na halatang kagigising palang

"Unnie" pagtawag niya, hindi pa niya ako napapansin at nakatingin sa higaan na habang naniningkit ang mata niya na parang sinisigurado kung nandon ba ako o wala. Huminga ako ng malalim

"Lumabas kana rito" sabi ko na ikinagulat naman niya ang paglingon saakin

Nanlaki ang mata niya ng makitang kakaligo ko lang

"Nakaligo kana?!" gulat na gulat niyang tanong

"Maliligo palang siguro ako" sabi ko

"Psh." pasinghal niyang sagot tsaka lumabas

Tuesday ngayon kaya uniform ang susuutin

Shit.

Agad kong tinawag si Yaya Gina

"Bakit, nak?" 'nak' ang tawag niya sakin, ka-age ko lang kasi ang nagiisa niyang anak. Kaya sabi niya gusto niya daw sana na 'nak' or 'anak' ang itawag sakin para hindi niya masyadong ma-miss ang pagtawag ng 'nak', wala namang kaso sakin, kahit ano pa itawag mo maganda parin ang buong pangalan ko

"Wala po bang mas mahaba rito?" Tanong ko patuloy sa palda na hanggang kalahati ng hita ko ang haba niya. Na ayokong suotin kahit kailan.

"Bakit, maganda naman ah?"

"Eh yaya, alam niyo naman pong ayoko sa ganito diba?" Sabi ko, bumuntong hininga naman siya saka nagpaalam na babalik din, may kukunin lang

Pagbalik niya ay may dala na siyang palda na kagaya sa uniform, mas mahaba nga lang ito sa tingin ko lagpas tuhod ko, nice.

"Oh ayan, alam kong mag rereklamo ka kaya pinaghandaan ko na agad" sabi niya

"Nice, thanks yaya!" Sabi ko, nagpaalam nadin siyang umalis, mag lalaba pa daw kasi.

Pagkatapos kong magbihis at mag ayos ng sarili, kinuha ko na ang gamit ko at bumaba

Pagkababa ko wala pa sila pero may naamoy ako sa kusina

Ang bango..

Kaya pumunta ako doon para makumpirma kung niluluto ba talaga nila yung paborito ko, pero ganon nalang ang gulat ko nang makitang si Mommy ang nagluluto

Nakatayo lang ako at tinitignan siya nang mapansin niya ako ay agad siyang napangiti at tinawag ako papunta sakanya, kaya agad akong sumagot

"Mmm" hindi ko sinasadyang maisatinig ang tunog na iyan pero dahil sa pag kakaamoy ko sa tuna at itlog ay talagang napaganon ako

"I know, its your favorite, that's why I cooked it for you" sabi ni Mommy habang nilalagay na ito sa plato

"Noice, thanks Mommy" sabi ko sabay akbay sakanya, medyo nagulat pa siya pero niyakap niya nalang din ako sa may baywang saka niya ipinatong ang ulo niya sa balikat ko, mas matangkad kasi ako kay Mommy

"I cooked your favorite and also your sister's favorite para maganda ang start ng first day niyo sa bago niyong school" sabi ni Mommy sabay bitaw sakin

Nagsidatingan na si Asher at Ads, kanina pa nandito si Daddy at nagbabasa ng diyaryo samantalang kami ni Mommy ay prenteng naka-upo lang, bawal kasing mag cellphone magagalit si Daddy

Unexpected Arranged Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon