Chapter 7

13 3 0
                                    

Chapter 7

Dirk's POV:

Naglalakad kami ngayon papuntang cafeteria para kumain

"Hay, grabe gutom na talaga ako, yawii" sabi ko. Gutom na talaga ako, kaunti lang kaya kinain ko kaninang umaga

"Tss, ikaw pa lagi ka namang gutom" pangbabara ni Ezekiel

"Tsk" sabi ko bahala kayo mag isip jan, pero totoo namang lagi akong gutom

Habang nag lalakad kami palapit sa cafeteria napansin ko na nag bubulung-bulungan yung mga ibang babae

"Grabe na talaga"

"Kaya nga eh"

"Haay, sigurado akong mapapaalis din 'yon dito sa school"

"Kaya nga eh, kahit na nerd 'yon nakakaawa parin siya"

"Shh, wag na nga kayo maingay, baka may ibang makaring"

At saka sila umalis, tsk sa lakas ng boses nila iisipin pa nilang walang nakarinig non?? Tanga rin eh, yawii

Lumingon ako sa mga kasama ko dahil huminto si Ryker sa pag lalakad

"Ano bakit kayo huminto?" tanong ni Ezekiel, siguro narinig din niya yung mga babaeng nag bubulungan kanina noh? Yan pa, malakas pandinig niyan

Hindi siya sinagot ni Ryker, dahil nag patuloy ulit siya sa pag lalakad pero napahinto din ng may humarang na lalaki, isa sa mga bata namin dito sa school, hingal na hingal siya halatang nag mamadaling pumunta dito

"Boss" hingal at mahinang anang lalaki

"Ano 'yon, bakit parang nagmamadali ka. Importante ba 'yan, kasi nagugutom na ako" sabi ko

Huminga siya ng malalim "Si Miss Briana po, sa canteen may nakakaalitan" sabi niya, tsk sa totoo lang nag papaka-plastik lang ako kay Briana kapag kasama siya ni Boss Ryker dahil kapag wala si Boss panay ang utos niya sa amin na para bang utusan lang kami yawii

Nangunot ang noo ni Ryker, ngunit mag sasalita pa sana siya nang may marinig na sigawan doon, kaya agad kaming napatakbo doon

Pagkapasok namin doon sa canteen narinig namin yung isang babaeng kasama ni Briana na nag salita

"Oh girl ang lakas naman ng loob mong tumingin ng deretso sa mata ni Briana"

"Tanga ka ba o bobo lang? Alangan naman na sa iba ako tumingin habang kausap ko kayo? Ano ako duling? Hindi titingin sa kausap? Tsh stupid." an'ya, eeeyyyyyy burnn

Nakita ko naman medyo natigilan pero agad ding napalitan ng inis ang mukha ng babae tsaka siya nagsalita at para sugurin narin yung isang babae

"Ah, ganyan ka pala sumagot kang babae ka ah! Pwes pagsisisihan mong sumagot kapa!" sabi niya saka sinugod 'yong babae

Pero agad hinawakan ng babae ang kamay ng alipores ni Briana dahilan para hindi nito matuloy ang balak niyang pagsabunot

At mas nagulat pa ako nang itulak niya yung alipores ni Briana! Kaya napaupo ito kasama narin si Briana dahil sakanila ito tinulak! Malakas siguro ang pagkakatulak ng babae, woahh HAHAHA, galleengg yawii👏👏

Lalapit na sana si Ryker dahil kanina pa siya nagpipigil ng sarili na sumali doon pero pinigilan siya ni Ethan at hinarangan ng kamay at nag salita

"Chill dude, just let them fight, and just watch. That is a girl battle" sabi ni Ethan

"Anong just watch?? Alam mo ba 'yang sinasabi mo?! Nakita mong natumba 'yong girlfriend ko tapos just watch?? T*ngina naman!" bulong na pasigaw ni Ryker, napapalibutan kasi sila ng maraming tao kaya hindi kami napansin na pumasok

Unexpected Arranged Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon