Chapter 25
Harriet's POV:
Natapos ang klase at napagdesisyonan namin ng kasama ko na magpunta sa library para sa project na gagawin. Siya ang nag suggest nito tumango nalang ako dahil kailangan naman ng cooperation ko diba? Nakakahiya naman kung mag sasarili ako
"Nga pala, bakit mo naisip na mag doktor sa mata?" Tanong niya habang nag lalakad kami. At siyempre maraming tumitingin kasi sikat ako. Tsh.
Tumingin ako sakanya saka muling tumingin sa dinadaanan ko.
Nang mapansin niyang wala akong balak sumagot ay siya na ang nagsalita
"Ako trip ko lang parang maganda kasi pakinggan, Dr. Vaughn nux" sabi niya
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sakanya na huminto rin at tumingin saakin. Tumango lamang ako at nagsimula uling maglakad. Alam kong naguguluhan siya pero wala akong pake, sumusunod parin naman siya
Malapit na kami sa library nang makarinig kami ng mga sigawan sa field. Katapat lang kasi ng building ang field. Hindi naman naiingayan ang mga nasa library kasi de aircon at nakasarado ang lahat ng bintana
"Saken!"
"Dito!"
"Tanga! Dito kase!"
Lalapit sana ako nang pigilan ako ni Zachary
"Huy pupunta ka ron?" Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya
"Titignan ko lang"
"Feeling super hero talaga" rinig kong bulong niya nung paalis nako. Binalingan ko siya ng tingin at sinamaan. Ngumiti naman siya na parang natatae
Nang makalapit ako ay nakita ko ang ginagawa nilang pinagpapasahan ang cellphone nung lalaking estudyante, pilit na kinukuha pabalik ang kanyang phone kaso pinagpapasahan nga ng mga nakapaligid sakanya
"Ibalik niyo na sakin yan!!!"
"G*go akin na yan! Ibalik niyo na sakanya!" Sabi nung kaibigan niya na sinusubukan kunin ang cellphone
Nagpatuloy ito hanggang sa may isang hinagisan ng phone kaso hindi niya nasalo kaya nahulog ito
Sinubukang kunin ito nung lalaking may ari ng cellphone kaso dahil maraming tao sa nakapaligid ay natapaktapakan na
"Wag niyong apakan!" Sabi niya. Ngunit huli na at nakita kong sira-sira na ito. Kinuha niya ito saka tumayo at pinakita sa kaibigan niya na parang bata na umiiyak
"N-nasira, nasira! Y-yung cellphone k-ko" sabi nito
"Okay ka lang ba ha?! Hindi kaba nasaktan??" Pag-aalala ng kaibigan niya
"O-oo pero yung cellphone ko Chad nasira!" Umiiyak siya
"Kasalanan mo toh Matt!" Sabi ng kaibigan niya sa lalaking mataba, pamilyar? Ah, yung shota nung tambo, yung sumugod sakin non
"Iyakin mo naman! Android phone lang naman yan pwede pa mapalitan!" Sabi niya
BINABASA MO ANG
Unexpected Arranged Marriage With My Enemy
Teen FictionHarriet Ellison is the woman who joins riot but it is for people who are trampled by the rich or should I say flush. Their money is used for their personal gain and they're no longer thinking of other people who can't afford the money they have. The...