Chapter 15
Harriet's POV:
Lumipas ang ilang araw, ngungulila pa din ako kay Karren. Miss ko na siya, sa totoo lang siya lang cinoconsider kong kaibigan sa lahat ng kaibigan ko, dahil sakanya lang ako nagiging komportable at masaya. Pero wala na siya ngayon..
Nabawasan ang paghihinagpis ko ng umamin si Jericho sa kasalanan niya.
Makukulong siya ng 15 years dahil sa sinampa sakanyang kaso na Anti-VAWC at murdering, dapat nga 40 years or 35 years siya makukulong dahil nga na patay niya si Karren pero nabawasan dahil inamin niya ang kasalanan at sinuko niya mismo ang sarili niya. Idagdag mo pa na nabawasan dahil medjo napatawad na siya ng buong pamilya ni Karren(A/N: Hindi ko alam kung mababawasan ba ang years kapag umamin, kung mali po ako paki tama, eme eme ko lang po yan hehe)
End of flashback..
-
Kaya ayaw ko ng magkaroon ng kaibigan dahil pakiramdam ko magiging dahilan ako ng pagkapahamak nila. Ngayon, hindi ko itinuturing na kaibigan sila Audrey pero napapahamak na sila ng dahil sakin, paano pa kapag naging magkaibigan kami?
*****
Yun ang dahilan ko kung bakit ko binuo ang grupo ko. Natuto ako sa Lolo ko noon kung paano lumaban kahit self defense lang, pero nung nangyari iyon sa kaibigan ko nagpaturo pa ako ng marami kay lolo, nasa Australia siya ngayon kasama si Lola at yung kapatid ni Daddy. Maliban kay Asher at Ads siya lang ang close ko
Malakas pa si lolo noon pero syempre ngayon medyo humihina na but I'm thankful 'cause he help me to improve my skills. Sumali ako sa anong mga laban kahit ilegal pa yan dahil gusto kung mahasa ang kakayahan ko sa pakikipaglaban.
Dito ko na din ibinuhos ang lungkot at galit ko sa sarili, at dito ko din nakilala ang dati kong kasintahan, tinulungan niya akong makipaglaban pa. At hindi ko na namalayan na nahulog na kami sa isa't isa. 2 years, 2 years kami nagsama, pero.. bigla nalang siya nawala na parang multo...ghoster ang kingina haha
Hindi man lang niya ako tinawagan o tinext man lang, nag tanong ako sa pamilya at mga kaibigan niya pero wala din daw silang alam, yun ang alam ko..
Akala ko nawawala o may kumuha sakanya pero ilang buwan ang lumipas, I saw him with another girl, well he's happy with her. Actually bago siya mawala naging cold siya saakin, akala ko busy lang siya yun pala may iba na siya..pero tapos na man na
Ofcourse it hurts but tinaggap ko nalang masaya siya eh, masaya siya at nakikita ko yun sa mga mata niya. Hinayaan ko nalang sila, hindi na ako nagpakita pa, nalaman ko nalang na talagang umalis na siya ng bansa at iyon na ang huling balitang narinig ko tungkol sakanya
Isa pa yun, sa nag pagalit dahil sa iniisip ko...saan ako nagkulang?
May isang laban na sinalian ko, galit na galit ako at the same time nanghihina ako kaya nasaksak ako sa may tagiliran, at pansin ko ding may galit saakin yung sumaksak, babae siya
Alalang-alala at galit saakin si Dad, saan na man daw kasi ako pumupunta ng ganong oras, hindi ko sinabi kung saan ito nanggaling ang idinahilan ko nasaksak ako habang naglalakad, hinanap nila ang suspect pero dahil walang nakakaalam na nag eexist ang lugar kung saan kami nakikipag rambol maliban sa mga kasali sa rambol siyempre, kaya hinayaan nalang, sinabi ko din na ayus na ang importante buhay ako
Nung time na nawala ang kaibigan kong si Karren, dahil sa lungkot naginom ako. Nakilala ko si Isabella sa bar, nakita ko siyang umiinom broken hearted daw. Tapos sabi niya gusto niyang maghiganti sa boyfriend niya at doon sa babae niya. At sa oras na yun nag pop sa isip ko yung paggawa ng grupo. Tinulungan ko siya, sinanay kung ano man ang nalalaman ko itinuro ko iyon sakanya
BINABASA MO ANG
Unexpected Arranged Marriage With My Enemy
Teen FictionHarriet Ellison is the woman who joins riot but it is for people who are trampled by the rich or should I say flush. Their money is used for their personal gain and they're no longer thinking of other people who can't afford the money they have. The...