Chapter 21
Harriet's POV:
"Ready?" Asher asks
"Oo" I answered
Naka-abang kami ngayon sa baba ng hagdan. Inaabangan namin si Ads sa pagbaba niya. Dahil pagbaba niya, doon namin siya aatakihin
"Bakit nga ba ang lakas ng loob mong gumawa ng kalokohan dito sa bahay ngayon?" Tanong ko kay Asher, tagal niya ng di gumagawa ng kalokohan samin eh
"You see, Dad and Mom left."
"Saan sila nagpunta?"
"Mm? Don't you know?"
"Kung alam ko magtatanong pa ba ako?"
"K, pumunta sila sa LA, business matters"
"Bakit hindi sila nagsabi saamin?"
"I thought you already know"
"Hula ko, alam ni Ads noh?" Tanong ko
Hindi siya sumagot, means oo, alam ni Ads. Alam nilang dalawa. Ano pa bang bago? Middle child ako eh.
Narinig namin ang pagbukas at pagsara ng pinto. Pahiwatig na pababa na si Ads
Hinanda nanamin ang mga hawak naming laruang baril. May lamang mga maliliit na bilog na bala, pero yung hindi masyadong nakakasakit
Nakatago yung mga baril na hawak namin sa likod kaya pagbaba niya hindi niya napansin. Taka pa siyang nakatingin samin dahil nakatayo lang kami pagbaba niya sa hagdan
"Uhm, what are you two doi-- ah!!!" Napasigaw siya dahil bigla siyang pinagbabaril ni Asher. Nakisali nadin ako
"Waahh!! What a-are you doing???!! Oppa!!! Unnie!!! Aaahhh!!!!!" Tili niya, napatakip pako sa tenga ko, ang lakas g*go
Huminto na tuloy ako, bahala na sila don.
-
"Sumbong ko kayo kay Mommy eh! You targeted my bag pa! This bag is so expensive kaya!" Si Ads
"Wag ka ngang bida bida, sumbong sumbong. Tanda mo na magsusumbong kapa" sabi ko habang kumakain, inirapan niya ako
"Hmph!" Pag iinarte niya
"Si Asher may pakana niyan kaya sakanya ka magalit" sabi ko
"Mm? Why me?" Inosente kunwari niyang tanong
"Sapak gusto mo? Eh una mo nga akong pinagtripan eh" sabi ko
"K. Nga pala, ako ang maghahatid sainyo sa school niyo" sabi niya
"At bakit? Hindi ka ba pupunta sa trabaho mo?"
"Kung pupunta ako, ihahatid ko ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Unexpected Arranged Marriage With My Enemy
Teen FictionHarriet Ellison is the woman who joins riot but it is for people who are trampled by the rich or should I say flush. Their money is used for their personal gain and they're no longer thinking of other people who can't afford the money they have. The...