Chapter 2

71 8 0
                                    

Chapter 2

Kinabukasan, nagising ako sa sinag ng araw, buti nalang at nagising na ako baka mamaya pumunta na naman dito si Ads--

Bumukas ang pinto

Speaking of...

"Unnie gising n--" tumingin sya saakin na parang gulat na gulat kasi gising na ako.

\( ö )/ <---Ads

(¬_¬) <--- ako

"Omaygash!" dali dali syang pumunta saakin at kinapa niya yung leeg at noo ko na para bang pinapakiramdaman niya kung may lagnat ako.

"You're not sick naman, what happened?" patuloy parin sya sa pag che-check saakin.

"Ano ba...!" iritang sagot ko at tinanggal ang kamay niya na nasa noo ko.

"Grabe ah, buti naman at nagwake-up kana at hindi na kailangan na ako pa ang mag-call sayo na gumising na (🙄)" sabi niya, inirapan ko lang siya

"Sino ba kasing may sabi na gisingin mo ako araw-araw?" pataray kong sagot.

"Duh? Daddy told me that I should wake you up everyday, because you're not aware when to wake up early" sabi niya. Ang bilin kasi ni Daddy, dapat lagi kaming nagigising nang maaga. Dahil mas maaga nagigising si Ads sakin, siya yung naatasang gisingin ako nang maaga. Kung iniisip niyo man bakit hindi nalang katulong ang maggising sakin, una dahil ayaw kong may ibang gumigising sakin, pangalawa para maaga din gumising si Ads para gisingin ako. Gets?

"Tsh. What's with that face?" pagtataray niya

"Can you please get out of my room?" iritang sagot ko, satsat kasi nang satsat, magsasalita pa sana sya pero tinulak ko na sya palabas ng kwarto ko

Pagkatapos kung maligo dumiretso na ako sa baba at naabutan ko sila daddy at mommy na nag-aaway ata, nag sisigawan kasi sila

"Ano ba Winston! Hindi mo na kailangan gawin 'yon, hayaan mo syang mag desisyon sa sarili niya! Malaki na siya at alam na niya ang pinapasok niya!" sabi ni mommy, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan

"Hindi. Buo na ang desisyon ko at para rin yun sa ikabubuti niya at ng pamilya natin. At isa pa, kailan pa siya nagkaroon ng tamang desisyon? Lahat ng pinapasok niya ay lagi siyang napapahamak!" saad ni Daddy

"Masasaktan ang anak mo kapag pinagpatuloy mo pa 'yang plano mo! Hayaan mo syang pumili ng mapapang-asawa niya!" sabi ni Mommy, mapapang-asawa? At sinong tinutukoy nilang anak?

"Isipin nalang natin na ito ang kabayaran ni Harriet sa pagbibigay niya saatin ng problema at sa pagpapasaway niya" mahinahon na sabi ni Daddy, parang sumikip bigla ang paghinga ko dahil sa narinig ko, napayuko nalang ako.

"An--"

"Dad, Mom stop"

Gulat na gulat na napatingin si Mommy at Daddy sa taong nag salita sa likod ko pati ako napatingin sa likod ko si Asher na seryoso

Seryosong nakatingin si Asher kila Mommy at napatingin din sya saakin, napalingon ako kila Mommy na ngayo'y gulat na nakatingin saakin, ngayon lang siguro nila napag tanto na nandito din ako at narinig ang mga sinabi nila

Pero nasasaktan talaga ako kasi ganon na ba talaga ako ka-pasaway? May pakiramdam ako na ipapakasal ako sa ibang lalaki na hindi ko naman kilala at gusto

Nanlabo naman ang mga mata ko dahil may namumuo ng luha, napaatras nalang ako at tumalikod sakanila, narinig ko pang tinawag ako ni Mommy pero hindi na ako lumingon pa

Unexpected Arranged Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon