Chapter 26

10 0 0
                                    

Chapter 26

Harriet's POV:

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay naglakad ako papunta sa susunod na klase ko.

Pero ano nga ba talaga ang nangyari sa Briana na yon? Kahit naman bully yon nacu-curious parin ako pero nabebenfit naman ako, kami dahil busy sila ngayon sa paghahanap sakanya kaya wala silang oras para mangtrip

Hmm, yun ang akala ko

Dahil pataas palang sana ako sa pangawalang hagdan nang makita ko na yung tambo at kasama niyang mga babae, naalala niyo pa ba siya? Kung hindi edi hindi. Siya lang naman yung gumupit sa buhok ko kaya napilitan akong gupitin na rin para pantay naman

Aside from REED may iba pa palang bully dito. How can I forget that. Pero mukhang ako lang naman ang target nila. Why? Because I'm Harriet. Tsh

Lalagpasan ko na sana sila pero syempre hinarangan ako.

"Ano, akala mo wala nang manggugulo sayo? Ha! Hindi ka lang maharap ng REED kaya naman kami na ang gagawa ng trabaho nila sayo" sabi ng tambo habang dinuduro ako sa may balikat ko

"Ano ha? Bakit di ka makapagsalita? Natatakot ka na ba? Dapat ka lang matakot, matuto kang lumugar"

Dinuduro-duro ako kaya napapaatras ako, muntikan nako mahulog sa hagdan buti nalang at nakahawak ako sa railings.

Muli siyang humakbang kaya umatras ako. Ayoko. Ayokong lumaban, mapapagalitan ako.

Malapit na kami sa baba pero tinulak niya ako dahilan para ma-out of balance ako kaya nahulog ako. Makakas ang impact nang pagkakahulog ko dahil tumama ang likod ko sa pader

Shit

Pinipilit ko nang tumayo pero nahihirapan ako, nakita kong pababa sila at may dalang map yung tambo at sa tingin ko'y basa pa

Para niyang pinaglalampaso ang mukha ko. At hindi ako halos makahinga dahil nga basa iyon nahihirapan ako humanap ng hangin

"Harriet!" Narinig ko ang boses ni Audrey. Naramdaman kong may lumapit saakin, at kasabay nito'y nakahinga na ako ng maluwag, pinigilan na ang paglampaso sa mukha ko

Bwisit. Pag ako di nakapagpigil talaga.

Tinulungan akong tumayo ni Meli, napansin kong kasama pala nila si Zachary na siyang pumigil kay tambo

Sarkastikong tumawa si tambo, ano bang pangalan niyan "Pasalamat ka't rumarami na ang mga estudyante" sabi niya saka umalis kasama tropa niya

Nilapitan ako nila Audrey at tinanong kung ayos lang ako, tumango lamang ako bilang sagot. Bago kami umalis nakita ko pa ang REED na nanonood. Tinignan ko sila ng masama lalo na si Corny Boy

Hindi na ako nakapasok sa huling subject ko dahil sa nangyari at nagpalit na rin ako ng admit

Andito kami ngayon sa isang bench

"Grabe akala ko wala nang mangbubully tapos umepal naman tong si Alma" sabi ni Audrey

"Pangalan nung tambo Alma?" Tanong ko

"Anong tambo?"

"Yung kanina, yung bangs niya kasi mukhang walis tambo"

"HAHAHA gagi, oo"

Napatingin ako kay Zachary na tahimik lang na nakikinig

"Magkakasama kayo kanina?" Tanong ko

"Ah nagtanong po kasi si Kuya Zachary kung asaan ka, sabi po namin hinahanap ka rin namin kaya sumama siya" sabi ni Meli

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Arranged Marriage With My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon